Kuya Kim Nagbigay Ng Words of Wisdom Tungkol Sa Fame Sa Gitna Ng Bangayan Nina Zeinab at Wilbert!

Martes, Oktubre 25, 2022

/ by Lovely


 Ibinahagi ng Kapuso TV host at trivia master na si Kim Atienza o mas kilala bilang Kuya Kim ang kanyang words of wisdom tungkol sa fame.

Mainit na usapin ngayon sa mundo ng social media ang hindi pagkakaunawaan nina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino. Kung saan marami ring vloggers at influencers na nadadamay.

Bagama't hindi pinangalanan, kung sino ang pinapatungkulan ni Kuya Kim sa kanyang words of wisdom. Hinuha ng lahat na ang dating magkaibigang Zeinab at Wilbert Tolentino ang  tinutukoy nito.

Ayon sa post ni Kuya Kim sa kanyang Facebook account, “Fame is so fleeting, so temporary. Ingat sa sinasabi o pinopost pag sikat ka. Baka sa isang taon, di ka na sikat, you will be totally humbled."

Samantala, sa comment section nilinaw ni Kuya Kim na wala siyang personal na pinapatamaan sa nasabing post. Ang kanyang post umano ay para sa kanya, mga kasamahan niya sa trabaho, vloggers, influencers o sinuman ang nasa spotlight.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo