Biglang Bawi Ni Xian Gaza Sa Kanyang 'Rebelasyon' Hindi Raw Si Wilbert Tolentino Ang WT Sa Kanyang Blind Items!

Martes, Oktubre 25, 2022

/ by Lovely


Tila biglang natauhan si Christian Albert Gaza aka Xian Gaza sa kanyang mga nagdaang rebelasyon tungkol sa taong sinasabi niyang malaking scammer.

Matatandaang matapos ang 'rebelasyon' ni Wilbert Tolentino tungkol sa totoong pagkatao ni Zeinab Harake. Kasunod nito ay ang pagla-live ng iba pang mga vlogger na nadamay sa isyu ng dalawa kung saan mas nadidiin si Zeinab. Nakisawsaw ang self-proclaimed marites na si Xian Gaza at sinabing kampi siya kay Zeinab dahil magkaibigan sila at maglalabas din umano siya ng 'rebelasyon' tungkol kay Wilbert Tolentino.

Ngunit biglang binawi ni Xian ang lahat ng kanyang mga sinasabi at pinagbubura ang nauna niyang mga post tungkol kay Wilbert Tolentino. Nitong Martes, naglabas ng official statement si Xian Gaza at sinabing hindi si Wilbert Tolentino ang kanyang tinutukoy sa kanyang rebelasyon at pa-blind item. Hindi rin umano niya kilala si Wilbert Tolentino at narinig niya lamang umano ang pangalan nito 2 days ago.

Narito ang buong official statement ni Xian Gaza.

"OFFICIAL STATEMENT OF CHRISTIAN ALBERT GAZA ABOUT HIS BLIND ITEM VIDEO "ANG REBELASYON"

Kung mapapansin ninyo ay wala akong binanggit na pangalan sa buong video. Kung nag-assume ang publiko sa pagkatao nito, then that's not my problem anymore. I am not legally accountable for that. The top 2 elements of a defamation case is the identity and the libellous claim. If it's a blind item and there's no identity at all, then there's no libel case on the table. So please stop linking my exposé video to a certain "Wilbert Tolentino". For the record, that is not true. I am publicly denying all the allegations na yung taong tinutukoy ko sa video ay si Wilbert Tolentino. I am giving my full consent to use this Facebook post as an official evidence to the proper judicial court. Hindi po yun totoo. Inosente po ako. Kahit basahin niyo pa po lahat ng Facebook posts ko eh wala po kayong makikitang paninira to a certain "Wilbert Tolentino" na galing mismo sa akin dahil in the first place ay hindi ko po kilala ang tao na yan. Napanood ko lang po two days ago sa social media na ang tao na yan ay nagbabayad ng malaki para mag-trending at sumikat.

Ngunit hindi pinalagpas ng ilang mga netizens ang sinabi ni Xian na hindi niya pinangalanan si Wilbert Tolentino sa kanyang mga posts.

Matatandaang matapos nitong ibinahagi ang kanyang rebelasyon tungkol sa isang taong lider umano ng malaking credit card fraud, naglabas si Xian ng mga screenshots ng umano'y dating mga empleyado ni Wilbert Tolentino sa kanyang scamming company.

Komento ng mga netizens na tila natatakot si Xian na makasuhan ni Wilbert Tolentino kaya pinagbubura ang mga naunang posts. Subalit tila huli na ang lahat dahil marami na ang nakakuha ng mga screenshots nito at muling ipinakalat sa social media.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo