Inilabas Na Ni Robi Domingo Ang Resibo Na Meron Siyang 'Market', Ano Ka Ngayon Zeinab!

Martes, Oktubre 25, 2022

/ by Lovely


Isa si Robi Domingo sa mga personalities na nadawit sa isyu nina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake. Isiniwalat noong linggo ni Wilbert Tolentino ang mga pambabackstab umano ni Zeinab Harake sa ilang mga vloggers at influencers na nais niya makacollab.

Ayon umano kay Zeinab hindi mabuting makipag-collab kay Robi Dominggo dahil sa kawalan nito ng market. Sa ibinahaging screenshot ni Wilbert Tolentino, mababasa ang chat ni Zeinab na, "Wag yung Robi Domingo ha. Walang market dun maloka ka dun shhh lang."

Kaagad naman itong nakarating kay Robi at napatweet ng, "Oh wow, how true."

Samantala, naglive naman si Zeinab at ipinaliwanag ang kanyang side. Humingi rin siya ng tawad sa lahat ng mga nadadamay sa isyu nila ni Wilbert.

Nitong lunes, muling nagtweet si Robi Domingo at pinatunayang may 'market' siya. Ayon sa tweet ni Robi, "Akala mo lang wala, pero meron, meron, meron."

Agad namang umani ng nakakatawang komento mula sa mga netizens ang tweet ni Robi.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo