Dahil Sa Mainit Na 'Spill the Tea' Ng Mga Vloggers! Senyora May Pa Mid-Term Exam!

Lunes, Oktubre 24, 2022

/ by Lovely


Trending at mainit na usapin parin ngayon sa iba't-ibang social media platform ang bukingan at labasan ng baho ng mga sikat na vloggers. Naunang nag-spill the tea si Wilbert Tolentino at inilabas kung ano ang totoong ugali umano ni Zeinab Harake bilang user, maattitude at kung ano-ano pa. Naglabas din ito ng mga screenshots na magpapatunay umano sa kanyang claims.

Agad naman itong sinagot ni Zeinab sa kanyang Facebook live at inilahad ang kanyang side sa storya. Ipinaliwanag din nito ang pagkakadawit ng iba pang vloggers at influencers.

Sa pagtrending ng issue sa pagitan ng dating magkaibigang Wilbert Tolentino at Zeinab Harake at sa paglabas ng kani-kanilang mga baho. Tila nakisabay na rin sa pagtrending ng dalawang ito si Senyora.

Nitong Lunes ng umaga, agad naglabas ng midterm exam si Senyora para sa mga 'mosang' na sumubaybay at nagpuyat sa kapapanoond ng mga live video ng mga vloggers. 

"Gising na mga mosang eto na ang ating Midterm Exam in Marites 101! NO CHEATING! Deadline of Submission: 6PM," caption ni Senyora sa kanyang Facebook post kalakip ang test paper ng mga "mosang".



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo