Robi Domingo, Napareact Sa 'Walang Market' Na Pahayag Ni Zeinab Sa Kanya!

Walang komento

Lunes, Oktubre 24, 2022


Tila hindi nakatiis ang aktor-host na si Robi Domingo sa naging 'rebelasyon' ni Wilbert Tolentino sa totoong katauhan ni Zeinab Harake. Kung saan nadamay rin ang kanyang pangalan.

Sa rebelasyon ni Wilbert Tolentino, nagpakita ito ng maraming screenshots ng mga conversation umano nila ni Zeinab Harake. Kung saan mababasa ang tila paninira nito at pam-baback stab sa iba pang mga vloggers. Kabilang sa mga nabanggit ay si Robi Domingo, base sa screenshot na ipinakita ni Wilbert sinabi ni Zeinab na walang market si Robi Domingo.

“Wag yung Robi Domingo ha. Walang market dun maloka ka dun shhh lang,” sabi umano ni Zeinab tungkol sa kung sino ang magandang i-collab ni Wilbert Tolentino. 

Tila nakarating ito kay Robi kaya noong linggo ay napa-tweet ito ng, “Oh wow. How true?”


Agad naman itong umani ng samu't-saring reaction mula sa mga netizens. Samantala, naglabas naman ng Facebook live si Zeinab kung saan ipinaliwanag niya ang kanyang side sa story. Humingi din si Zeinab ng paumanhin sa lahat ng mga personalities at artistang nadadamay sa isyu nila ni Wilbert Tolentino.

Whamos Nag-Live Selling Ng 'Product Na Nakakaganda Ng Ugali'!

Walang komento


Isa si Whamos sa mga social media personality na nadadawit sa isyu sa pagitan nina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino.

Naging mainit na usapin ang pagbubulgar ni Wilbert Tolentino sa umano'y baho ni Zeinab sa isang live video. Sa nasabing live, ibinahagi ni Wilbert ang totoong ugali ni Zeinab sa likod ng kamera. Kalakip ang mga screenshots ng mga convo nila, ibinahagi ni Wilbert Tolentino kung paano pinagtawanan at tila siniraan ni Zeinab ang iba pang mga online personality kagaya nina, Whamos, Jelai, Sachzna, Toni Fowler at iba pang mga vlogger.

Agad namang pinabulaanan ni Zeinab ang umano'y pambibintang ni Wilbert laban sa kanya at naglabas dib ng baho nito. Subalit walang napakitang resibo si Zeinab dahil nadelete na umano niya ang mga convo nila noon. Dito ipinaliwanag ni Zeinab ang mga paratang ni Wilbert.

Samantala, agad ding napalive sa Facebook si Toni Fowler at lalong idiiniin si Zeinab Harake. Inilabas din nito ang mga baho ni Zeinab at tila sinigundahan nito ang mga naunang paratang ni Wilbert Tolentino.

Sa kabilang banda, napa-live din si Whamos sa kanyang Facebook account. Ngunit hindi dahil magbigay ng reaksyon tungkol sa pagkakadawit sa kanyang pangalan sa isyu nina Wilbert at Zeinab. Naglive selling na lamang si Whamos ng mga produkto na aniya'y makakaganda sa panlabas at panloob. Nakakaganda umano ng ugali ang kanyang mga ibinibinta.

“Mag-order na kayo para gumanda ‘yung ugali, panlabas tsaka panloob. Ito lunukin n’yo ‘to [lotion] puputi ang loob n’yo.”

Nagbiro din si Whamos na huwag mag-unsubscribe sa kanya dahil wala naman umano siyang kasalanan. Nagbigay din ng payo si Whamos sa lahat ng mga aspiring vloggers.

“At syempre sa mga vloggers, guys support kami sa inyo. Alam ni Mommy Toni ‘yan pati ni Tim Sawyer kung gaano namin pinangangalagaan at pinahahalagahan lahat ng mga YouTuber dito sa Pilipinas, maliit man o malaki, basta suportahan natin. Ito lang ‘yung masasabi ko sa inyo, basta kapag alam n’yong umaangat ang isang tao, gawin n’yong inspirasyon kasi baka susunod kayo naman yung umangat.” 


It's A Prank! Sagot ni Toni Fowler sa Pa Live ni Zeinab Harake!

Walang komento




Toni Fowler, nagbigay ng sagot sa pa-live ni Zeinab Harake. Lalo na sa pandadamay nito sa kanya at sa Toro Family.

Matatandaang damay si Toni Fowler at Toro Family sa mga isyu nila ni Skusta Clee. Tinawag din noon ni Zeinab si Toni Fowler na trash, ngunit agad naman umanong nagsorry si Zeinab. Bagama't napatawad ni Toni Fowler si Zeinab ngunit tila may hinanakit pa rin ito dahil sa pandadamay ni Zeinab sa Toro Family.

Ayon kay Toni Fowler, maaaring trash siya ngunit hindi ang kanyang anak at ang iba pang kasapi sa Toro Family.

Ipinagdiinan din ni Toni Fowler na hindi siya nakikipagcolab sa isang vlog dahil ayaw niya ng kaplastikan. Yung tipong nagtatawanan sa harap ng kamera para magkapera. Ayaw umano niya ng gamitan at perahan dahil gusto niya kapag may ka colab siya ay iyong nag-eenjoy siya.

Sinabi rin ni Toni Fowler sa kanyang live na hindi lamang si Zeinab ang may dahilan kung ayaw niyang makipagcolab. Kung ayaw umano ni Zeinab na makipagcolab sa kanya, ayaw din naman niya dahil ayaw niyang makipagplastikan lang.

Ibinunyag din ni Toni Fowler sa kanyang live na noong 2018 ay may kasalanan na nagawa si Zeinab sa kanya. Ayon kay Toni noong panahong iyon umiiyak si Zeinab dahil kay Skusta Clee kahit pa may jowa nang ipinopost itong si Zeinab sa social media.

Lasing umano si Zeinab ng panahong iyon at grabe ang pag-iyak dahil nahawaan siya ng tulo mula kay Skusta. Present doon sa club si Rob Moya na dating karelasyon ni Toni Fowler. Nang maiwan umano sina Zeinab at Rob, naabutan mismo ni Toni Fowler na ibinaba ni Zeinab ang suot niya short sa harap mismo ni Rob na halos makita na ang hindi dapat.

Hindi na umano nagsalita noon si Toni dahil lasing si Zeinab at baka hindi nito sinasadya.

Punto ni Toni Fowler, huwag magmalinis sa harap ng social media at magpakita ng totoong ugali. Hamon pa ni Toni kay Zeinab, magpakitaan ng SS.

Sa lahat ng inilabas na baho ni Toni Fowler laban kay Zeinab Harake. Tanong niya ngayon sino ang mas trash?

Watch full video here:


Toni Gonzaga Nagsalita Na Sa Paglipat Niya Sa ALLTV! Matagal Nang May Isyu Sa Network?

Walang komento


Nagsalita na ang tinaguriang Multimedia Star na si Toni Gonzaga hinggil sa paglipat niya ng network.

Matatandaang bigla na lamang iniwan ni Toni Gonzaga ang PBB kung saan siya ang main host noong nakaraang February matapos ang proclamation rally ni PBBM.

Noong October 22, 2022, sinagot ni Toni Gonzaga ang mga naipong katanungan para sa kanya. Naitanong kay Toni Gonzaga kung ano ang estado ng relasyon nila ng dating pinapasukang network na ABS-CBN.

Ayon kay Toni, very internal umano ang naging usapan nila ng dating network kaya hindi siya maaring magdisclose ng kahit anong impormasyon. Gayunpaman, ayaw na rin itong pag-usapan pa ni Toni at tama na lamang daw na sila na lamang ng mga bosses ng ABS-CBN ang nakakaalam.

Subalit, grateful pa rin umano siya sa nasabing network at sa lahat ng mga nangyari in the past dahil ito ang naging daan kung paano siya nakarating sa kanyang kinalalagyan ngayon.

“So, grateful. Mas grateful ako sa mga nangyari in the past… I’m grateful that everything happened, how it happened, and why it happened because it has led me where I am today.”

Ibinunyag din ni Toni na noon pa mang 2020 ay may dalawang network na ang nag-ooffer sa kanya dahil gustong i-absorb ang Toni Talks. Ngunit sa panahong iyon ay wala pa sa isip niya ang lumipat ng network.

Nang mabalitaan umano niya na magbubukas ng TV network si Manny Villar ay naisip niya na ito na ang panahong lilipat siya dahil matagal ng kakilala ng kanyang mister si Manny Villar. Pumayag din naman umano ang kanyang Mommy Pinty sa kanyang paglipat.

Ibinahagi din ni Toni, na hindi totoo ang lumabas na balitang malaki ang offer sa kanyang ng ALLTV dahil sa totoo mas malaki pa ang offer ng dalawang network na namimirata sa kanya noon pang 2020.



Zeinab Harake Live! Nagsalita Na Si Zeinab Sa Lahat Ng Ibinato Sa Kanya Ni Wilbert Tolentino!

Walang komento

Linggo, Oktubre 23, 2022


Zeinab Harake nagsalita na sa mga ibinabatong salita sa kanya ng isa pang vlogger at talent manager na si Wilbert Tolentino.

Matatandaang, ilang beses na nagpalitan ng pagpaparinig sina Wilbert  Tolentino at Zeinab Harake. Nag-ugat ang lahat ng magpost si Zeinab Harake tungkol sa mga taong traydor. Agad naman bumwelta si Wilbert ng pagpaparinig tungkol sa taong manggagamit at pagpapaawa umano. Ginagamit umano ng taoong ito ang kanyang karanasan sa buhay upang humakot ng views. Bait-baitan din umano ito sa harap ng kamera.

Sa kamakailang, panayam ni Wilbert Tolentino, sinabi niyang titigil na muna siya sa pagpaparinig dahil magfofocus na muna siya kay Herlene Budol at sa international pageant nito.

Samantala, naglabas ng pahayag si Zeinab Harake sa pamamagitan ng isang live, dito inilahad ni Zeinab ang totoong nangyari. Ayon kay Zeinab hindi si Wilbert Tolentino ang kanyang tinutukoy sa nauna niyang post tungkol sa mga taong traydor. Ipinagdiinan ni Zeinab na hindi siya manggagamit kundi ginawa niya lamang ang kanyang trabaho.

Ibinahagi ni Zeinab ang kanyang mga karanasan na hindi niya inilabas noon sa kanyang mga vlog. Ayon kay Zeinab, lahat ng mga natanggap niyang pera mula kay Wilbert Tolentino ay dahil sa kanyang pagtatrabaho at hindi niya ito pineperahan.

Sinabi din ni Zeinab na talagang ugali na ni Wilbert Tolentino mula pa noon na ipinagsasabi sa iba ang dapat sana'y pribadong bagay at kung ano-ano ang ipinagsasabi kapag nakatalikod siya.

Watch the full video here:


Direk Darryl Yap Inireklamo Ang Mga Nag Mamarites Na Crew Ng Philippine Airline!

Walang komento

Agad nakarating sa Philippine Airline ang hinaing ni Direk Darryl Yap tungkol sa maiingay umano nitong mga crew sa flight mula Laoag hanggang Manila.

Ibinahagi ni Direk Darryl Yap sa kanyang Facebook account ang hinaing niya sa Philippine Airline crews na hindi umano sila nagkapagpahinga at naka-idlip kahit sandali lamang dahil sa mga bunganga ng mga ito.

"Dear Philippine Airlines PR 1197 Crew,
Gusto ko lang malaman nyo na hindi lang kami ng team ko ang walang tulog at gustong magpahinga kahit 50 mins lang ang flight mula Laoag hanggang Manila.
sa lakas ng mga bunganga nyo magtsismisan,
alam na namin ang mga pinagdaanan nyo these past few days.
iniyak na lang ng baby sa tabi ang irita nya dahil di siya makatulog dahil napakaingay nyo.
THE MOUTH OF THE FILIPINO."


Agad naman itong sinagot ng Philippine Airlines. Sa comment section ng post na ito ni Direk Darryl sinabi ng Philippine Airline, "Hi, Darryl. Please allow us to extend a sincere apology if our service did not meet your expectation. We certainly have no intention to cause our passengers any disservice. Rest assured that your feedback will be brought to the attention of the office concerned for their information and proper handling. Thank you."

Agad humingi ng paumanhin ang Philippine Airline na hindi nito na-meet ang expectation ni Direk Darryl at sinabing makakarating sa opisina nila ang hinaing ito upang mabigyan ng tamang action.

Dahil naman sa pagvo-voice out ni Direk Darryl, marami ring mga netizens ang nagsabing matagal ng ganyan ang service ng Philippine Airline. Napaka-ingay talaga umano ng mga crews nito.

Nadine Lustre Sinupla Ang Isang Netizen! Madumi Ang Ugali!

Walang komento

Tila hindi na nakapagtimpi ang aktres na si Nadine Lustre sa isang Twitter user matapos siyang sabihan na mukhang matanda sa kanyang latest photoshoot.

Matatandaang ibinahagi kamakailan ni Nadine Lustre ang ilang mga daring  photos na kuha mula sa isang photoshoot.

Ang nasabing mga larawan ay umani ng samu't-saring komento at reaction mula sa mga netizens. May isang netizen na tila hindi nagustuhan ang mga ibinahaging larawan ni Nadine at nagtweet na nagmukhang matanda si Nadine sa kanyang mga photoshoot.

Sinagot naman ito ni Nadine at sinabing may mga tao talagang iniisip na katulad pa rin siya noong 21 pa siya gayung mag-29 na siya sa darating na linggo.

"I find it so weird when people say I’ve changed and I look older. What? Were you expecting me to be the same person when I was 21? Im turning 29 next week."


Hindi pa rin tumigil ang basher ng aktres at nagkomento sa kanyang tweet. Ayon sa basher, "Gurl, ang dumi at dry kasi ng balat mo kaya mukha kang matanda."

Agad namang bwelta ni Nadine, “At least ‘di kasing dumi ng ugali mo.”

Matatandaang unang sumikat si Nadine nang gumanap na bida sa movie adaptation ng hit Wattpad book na Diary ng Panget kung saan nakatambal niya ang aktor na si James Reid. Napasama din si Nadine Lustre sa top earners sa Instagram na may 11.5 million followers.

Mga Netizens May Napansing Pagbabago Kay Carla Abellana!

Walang komento


Maraming mga netizens, lalong lalo na ang mga tagahanga ng Kapuso actress na si Carla Abellana ang umano'y pagiging blooming nito ngayon.

Ilang buwan na ang nakakalipas matapos lumabas ang balitang nagkakalabuan na ang mag-asawang Carla Abellana at Tom Rodriguez. Ilang linggo matapos nito, kinumpirma ng dalawa na nag-file ng divorce ang actress. Sa kabila naman ng lahat, hindi pa rin nila ipinalabas ang totoong dahilan kaya nauwi sila sa hiwalayan.

Inamin naman noon ni Carla Abellana na nasaktan at naapektuhan din siya ng malaki sa nangyari sa kanilang pagsasama ng dating asawang si Tom Roddriguez.

Samantala, marami ang nakapansin ng pagkablooming ni Carla Abellana ngayon. Makikita sa mukha nito ngayon ang saya. Tila naka-move on na ito sa nangyari sa kanila ni Tom Rodriguez. Hindi lamang ang mga netizens ang nakapansin sa kakaibang glow ngayon ni Carla, maging ang kanyang kasamahan sa showbiz ay napapansin din ito.

Tila back to her glowing self na ulit ang aktres matapos ang hiwalayan with Tom. May mga kabi-kabilang endorsement na rin ang actress. Matatandaang na naiulat kamakailan ang pagkakaroon ng manliligaw ni Carla Abellana.

Kaya naman, tanong  ng mga netizens, isa kaya ito sa mga nagpapablooming ngayon sa aktres?

Ito na ba ang Maria Clara sa Taong 2022? Larawan ni Julie Anne San Jose Trending!

Walang komento


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang latest photo na ibinahagi ni Julie Anne San Jose sa kanyang Instagram account.

Ibinahagi ni Julie Anne San Jose sa kanyang Instagram account ang kanyang larawan kung saan makikita ang kanyang fierce look habang nakasuot ng black at silver ensemble. Kita din sa larawan ang mahaba at makinis na hita ng singer na kuha mula sa isang photoshoot.

Ginagampanan ngayon ni Julie Anne San Jose sa teleserye ng GMA7 ang papel ni Maria Clara. Kung saan ipinapakita nito ang katangian ng Dalagang Pilipina. Kaya naman kinumpara ng ilang mga netizens ang mga larawan ni Julie Anne na nakasuot ng kasuotan ni Maria Clara at ang kanyang latest sexy photo.

Agad itong umano ng samu't-saring komento mula sa mga netizens. May nagbiro pa at sinabing ito na ba ang Maria Clara ngayong 2022. Komento naman ng isa, "Ano yan Maria Clara?" Maging ang rumored boyfriend ng singer na si Rayver Cruz ay napakomento din ng "Grabe naman po" with fire and hearteyes emoji. 

Janella Salvador at Markus Paterson Together Again Sa Binyag at 2nd Birthday Ng Anak!

Walang komento


Isinabay nina Janella Salvador at Markus Paterson ang binyang ng kanilang anak na si Baby Jude sa 2nd birthday nito.

Bagama't hiwalay na sina Janella at Markus, nagkakasundo pa rin sila para sa kanilang anak. Isinantabi muna ng dalawa ang kanilang mga isyu at masayang nagcelebrate sa binyag at birthday ng kanilang anak.

Nagbigay din ng mensahe si Markus sa kanyang anak na ibinahagi nito sa kanyang Instagram account kalakip ang masasayang videos nila ni Baby Jude. Ayon kay Markus, "Here comes my son. Hard to believe 2 years has gone by so quick. To you my son, my life force, my everything. Happy birthday, if only you could comprehend the love I have for you. As much as I want you to be my little man forever I can’t wait to watch you grow. Love you always and forever. 🤍 (p.s one day you’ll be able to guard me sa basketball)"

Samantala, nagbigay din ng mensahe si Janella para kay Baby na ibinahagi rin nito sa kanyang Instagram account, "2 years ago I was given the honor of bringing this little angel to life on earth. My best buddy for life. 🤍"


Sumagot Na! Wilbert Tolentino, Sinagot Na Kung Ano Ang Dahilan Ng Kanyang Pagpaparinig Sa SocMed!

Walang komento


Tinuldukan na ng talent manager at vlogger na si Wilbert Tolentino ang tila parinigan nila sa social media ng isa pang vlogger at online personality na si Zeinab Harake.

Matapos ang ilang araw na tila parinigan nina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake sa social media, nagbigay na ng pahayag si Wilbert kung bakit tila may pinaparinggan siya sa kanyang mga Facebook posts.

Matatandaang nagviral ang mga naging post ni Wilbert Tolentino hinggil sa isang tao na hindi niya pinangalanan. Ayon sa mga nakaraang post ni Wilbert, manggagamit umano ito at nagpapavictim. Nagbabait-baitan din umano ito sa harap ng kamera. Ngunit ang totoo ay masama ang ugali nito.

Ayon sa naging pahayag ni Wilbert sa isang panayam ng isang sikat na pahayagan, naitanong sa kanya kung sino ba ang tinutukoy niya sa kanyang mga naging post. Sagot ni Wilbert, hindi siya magbibigay ng pangalan dahil hindi rin naman nagbigay ng pangalan ang naunang magpost. Inihayag din nito ang pinag-ugatan ng lahat ay ang umano'y pagpopost ng kanyang tinutukoy na vlogger.

Bagama't hindi pa nito pinangalanan ang taong kanyang tinutukoy, ayon kay Wilbert ay ibubunyag din niya ang katauhan nito sa tamang panahon. Sa ngayon ay mananahimik muna umano ito dahil nagfo-focus siya sa paparating na international pageant ng kanyang alaga na si Herlene Budol.



Vice Ganda Nagpaliwanag Bakit Hindi Nakarating Sa Grand Finals Ng Miss Q&A!

Walang komento

Mainit na usapin ngayon sa showbiz ang pagiging absent ni Vice Ganda sa naganap na Grand Finals ng Miss QandA sa It's Showtime.

Agad namang humingi ng paumanhin ang host sa pamamagitan ng isang tweet. Aniya, "Sorry po wala pa rin ako sa Showtime. Kagabi pa ko umiiyak dahil di ako napayagan for a valid reason. Di ako pumayag na iadjust ang date ng Finals kasi this event is not about me. It’s about these beautiful girls and their talents. So for now let’s focus on them. Sorry po! 💔"


Dagdag pa ni Vice sa kasunod niyang tweet, "Kung alam nyo lang kung gaano to kasakit para sa akin. This segment is very inportant to me and very close to my heart. Aside from the fact na di ko masusuot yung mga pinagawa kong gowns para aliwin ko. 💔💔💔💔💔"


Samantala, hindi naman sinabi ni Vice kung ano ang tinutukoy niyang valid reason kaya hindi siya napagbigyan.

Agad namang umani ng samu't-saring speculations mula sa mga netizens ang pagiging absent ni Vice sa grand finals ng Ms. QandA may nagsasabing baka raw ay may sakit ito o di kaya'y nasa lock in taping sa pelikula nila ni Ivana Alawi.

Subalit may iba namang nagsasabi na baka ay nagpapadagdag lamang ng talent fee si Vice o di kaya ay wala ng budget para sa TF nito.

Cristy Fermin Ibinisto Ang Pagiging Demanding at Pa Importante Ni Enrique Gil!

Walang komento


Naging paksa ng kulomnistang si Cristy Fermin sa kanyang programang CristyFerminute ang naudlot na paglipat ni Enrique Gil sa GMA7.

Ayon kay Cristy Fermin, napurnada ang pagiging Kapuso sana ni Enrique Gil dahil sa umano'y pagiging demanding nito. 

Napabalita noon na umano'y lilipat sa Kapuso network sina Enrique Gil at Mateo Guidicelli. Ngunit hindi umano ito natutuloy dahil sa iba't-ibang dahilan. Isa na rito ay ang pagiging demanding ng mga ito. Lalong lalo na si Enrique Gil na may mas maraming demand at kondisyon sa kanyang paglipat at pagtatrabaho sa GMA7.

Gusto umano ni Enrique na kasama niya sa paglipat ang mga writers, directors, PAs ay kasama niya rin sa paglipat. Dahil ang mga ito lamang ang nais niyang makatrabaho. Ayon kina Cristy Fermin, halos lahat na lamang ng production crew ng ABS-CBN ay dadalhin ni Enrique na hindi naman tama.

Dagdag pa ni Cristy na hindi naman umano ito tama at malaking insulto sa GMA7 ang kanyang mga demand. Siya pa umano itong bibigyan ng trabaho, siya pa itong maraming gusto. Ano na lamang ang gagawin ng production crews ng GMA7  kung ang gusto naman ni Enrique at mula sa kabilang network ang kanyang magiging katrabaho.

Ayon naman kay Romel Chika, nagpapa-importante itong si Enrique.



Si Enrique Gil ay kabilang sa mga sikat na artists sa ABS-CBN katambal niya noon si Liza Soberano bago ito lumipat sa Hollywood. Matatandaang hindi natapos ang teleserye nina Enrique at Liza Soberano dahil sa pandemya at sa pagpapasara sa ABS-CBN.

Sey Mo Xian? Kimmy Atat Ng Manloko at Magtaksil Sa Dyowa

Walang komento

 


Magiging maganda ang 2023 ni Kim Chiu dahil balik teleserye na naman sya. Ibinahagi ni Kim sa Instagram ang bagong teleseryeng kanyang pagbibidahan kasama sina Paulo Avelino, JM De Guzman at ang diamond star na si Maricel Soriano. Sobra ang pasasalamat at tuwa ni Kim. Sa Instagram, ipinost niya ang bagong ganap na conference ng "Linlang".

Hula ng mga netizens, isang babaeng manlilinlang ang role ni Kim Chiu. Biro nila, excited na raw si Kim Chiu na lokohin sina JM De Guzman at Paulo Avelino. Kakaloka!

Atat na manloko ng jowa sa harap ng camera si Kim. Ano kayang say ni Xian? 

Dalawang taon na nanahimik ang acting career ni Kim dahil sa pandemic. Ang kanyang huling proyekto ay ang “Love Thy Woman” na ipinalabas noong 2020. 

Marami na ang nag-aabang sa bagong proyekto ni Kim Chiu. 


Bela Padilla Tinawag Na Petty Move Ang Pagpapa-Ban Ng Mga K-Drama Sa Bansa!

Walang komento

Biyernes, Oktubre 21, 2022


Nagpahayag ng kanyang disappointed ang aktres na si Bela Padilla sa mga pahayag ni Sen. Jinggoy Estrada sa kanyang planong pagpapa-ban sa mga foreign shows K-Dramas sa Pilipinas upang mas tangkilikin na ng mga Pilipino ang mga local shows.

Ayon sa tweet ni Bela, "Pinapanuod ng mga Pilipino ang kdrama kasi ginagastusan at mataas ang production value ng mga palabas nila. I’m currently in South Korea shooting a Filipino film and the difference of how they work is inspiring."

Dagdag pa nito, “To ban certain programs because [they are] doing better than us is such a petty move. Be happy for others and learn from their success."

Ayon pa kay Bela kaya hindi umuunlad ang ating bansa dahil pinupuna natin ang mga taong masaya, Nakakahiya.

Isa mga tinuturong dahilan ni Bela kaya hindi nakakagawa ng mga teleseryes at pelikula ang Pilipinas na katulad sa ibang bansa ay hindi sa incompetency ng mga filmaker ng bansa kundi dahil sa kakulangan sa pundo mula sa gobyerno.

“I’m saddened as a filmmaker in the Philippines that we don’t get the same support, funding or help from our government. Even the production costs, working hours, talent fees of writers, directors and everybody involved in making a film is too far for us to even compare.”

 

Samantala, tila binawi naman ni Sen. Jinggoy ang naunang pahayag at ipinaliwanag na nasabi lamang niya ito dahil sa kanyang frustrations dahil bumabagsak at hindi tinatangkilik ng mga Pinoy ang local made shows.

Maging ang ilang mga celebrities ay nagbigay na rin ng kani-kanilang opinyon ukol sa isyung ito.

Netizens Aliw Na Aliw Sa Palitan Ng HashtagTalong at Kuweba Nina Magie Wilson, Victor Consunji at Tim Connor!

Walang komento


Aliw na aliw ang mga netizens sa social media kung saan hahantong ang palitan ng hashtag ng mag-asawang Magie Wilson at Victor Consunji ngayon nakisali na rin ang itinuturong kalaguyo ni Magie na si Tim Connor.

Matatandaang sinampahang ng kasong Adultery ni Victor Consunji ang asawa nitong si Magie Wilson at ang business partner nitong si Tim Connor. Dahil sa dito, nagpasaring si Magie Wilson sa kanyang Instagram account na kaya umano sinampahan siya ng maraming kaso ni Victor ay dahil hindi siya nagbo-bown down rito.

"If you can’t get a woman to bow down to you and crawl then just file tons of cases against her. Only weak men fear strong women. #small🍆issues."

Tila sinagot naman kaagad ni Victor Consunji ang pahashtag small talong isyu ni Magie Wilson. Ibinahagi ni Victor ang isang larawan na kuha mula sa loob ng isang kweba kung saan makikitang malaki ang butas nito. May hashtag din si Victor rito na “#EasyToFeelSmallin SuchABigCave, #YouKnowthisPlace IsNextToABeach, #AllICanSayIsThisBeach HasAHugeCave, and #ThisCaveMustTheRoyalty.”

Tila hindi naman nakatiis ang business partner ni Magie na si Tiim Connor at ito ang sumagot sa pahashtag ni Victor Consunji. Ayon kay Tim Connor, “A huge cave for you? Only after you told me to explore? You can’t beat European engineering @hublot.”

Agad naman umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang bardagulang ito ng tatlo. Ayon sa ilang commenter, akala nila may class kung magbardagulan ang mga mayayaman? Agad naman itong sinagot ng isa pang netizen at sinabing, "Money can't buy class indeed."

Ayon sa isang netizens base sa kanyang interpretation sa nangyaring bardagulan, "the Explorer get to discover the deepest cave of the beach and reached the end point which the goal was met. Only those with European tools can manage the huge cave of the beach gloriously. Hahaha"


Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo