Robi Domingo, Napareact Sa 'Walang Market' Na Pahayag Ni Zeinab Sa Kanya!

Lunes, Oktubre 24, 2022

/ by Lovely


Tila hindi nakatiis ang aktor-host na si Robi Domingo sa naging 'rebelasyon' ni Wilbert Tolentino sa totoong katauhan ni Zeinab Harake. Kung saan nadamay rin ang kanyang pangalan.

Sa rebelasyon ni Wilbert Tolentino, nagpakita ito ng maraming screenshots ng mga conversation umano nila ni Zeinab Harake. Kung saan mababasa ang tila paninira nito at pam-baback stab sa iba pang mga vloggers. Kabilang sa mga nabanggit ay si Robi Domingo, base sa screenshot na ipinakita ni Wilbert sinabi ni Zeinab na walang market si Robi Domingo.

“Wag yung Robi Domingo ha. Walang market dun maloka ka dun shhh lang,” sabi umano ni Zeinab tungkol sa kung sino ang magandang i-collab ni Wilbert Tolentino. 

Tila nakarating ito kay Robi kaya noong linggo ay napa-tweet ito ng, “Oh wow. How true?”


Agad naman itong umani ng samu't-saring reaction mula sa mga netizens. Samantala, naglabas naman ng Facebook live si Zeinab kung saan ipinaliwanag niya ang kanyang side sa story. Humingi din si Zeinab ng paumanhin sa lahat ng mga personalities at artistang nadadamay sa isyu nila ni Wilbert Tolentino.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo