Ito na ba ang Maria Clara sa Taong 2022? Larawan ni Julie Anne San Jose Trending!

Linggo, Oktubre 23, 2022

/ by Lovely


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang latest photo na ibinahagi ni Julie Anne San Jose sa kanyang Instagram account.

Ibinahagi ni Julie Anne San Jose sa kanyang Instagram account ang kanyang larawan kung saan makikita ang kanyang fierce look habang nakasuot ng black at silver ensemble. Kita din sa larawan ang mahaba at makinis na hita ng singer na kuha mula sa isang photoshoot.

Ginagampanan ngayon ni Julie Anne San Jose sa teleserye ng GMA7 ang papel ni Maria Clara. Kung saan ipinapakita nito ang katangian ng Dalagang Pilipina. Kaya naman kinumpara ng ilang mga netizens ang mga larawan ni Julie Anne na nakasuot ng kasuotan ni Maria Clara at ang kanyang latest sexy photo.

Agad itong umano ng samu't-saring komento mula sa mga netizens. May nagbiro pa at sinabing ito na ba ang Maria Clara ngayong 2022. Komento naman ng isa, "Ano yan Maria Clara?" Maging ang rumored boyfriend ng singer na si Rayver Cruz ay napakomento din ng "Grabe naman po" with fire and hearteyes emoji. 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo