Toni Gonzaga Nagsalita Na Sa Paglipat Niya Sa ALLTV! Matagal Nang May Isyu Sa Network?

Lunes, Oktubre 24, 2022

/ by Lovely


Nagsalita na ang tinaguriang Multimedia Star na si Toni Gonzaga hinggil sa paglipat niya ng network.

Matatandaang bigla na lamang iniwan ni Toni Gonzaga ang PBB kung saan siya ang main host noong nakaraang February matapos ang proclamation rally ni PBBM.

Noong October 22, 2022, sinagot ni Toni Gonzaga ang mga naipong katanungan para sa kanya. Naitanong kay Toni Gonzaga kung ano ang estado ng relasyon nila ng dating pinapasukang network na ABS-CBN.

Ayon kay Toni, very internal umano ang naging usapan nila ng dating network kaya hindi siya maaring magdisclose ng kahit anong impormasyon. Gayunpaman, ayaw na rin itong pag-usapan pa ni Toni at tama na lamang daw na sila na lamang ng mga bosses ng ABS-CBN ang nakakaalam.

Subalit, grateful pa rin umano siya sa nasabing network at sa lahat ng mga nangyari in the past dahil ito ang naging daan kung paano siya nakarating sa kanyang kinalalagyan ngayon.

“So, grateful. Mas grateful ako sa mga nangyari in the past… I’m grateful that everything happened, how it happened, and why it happened because it has led me where I am today.”

Ibinunyag din ni Toni na noon pa mang 2020 ay may dalawang network na ang nag-ooffer sa kanya dahil gustong i-absorb ang Toni Talks. Ngunit sa panahong iyon ay wala pa sa isip niya ang lumipat ng network.

Nang mabalitaan umano niya na magbubukas ng TV network si Manny Villar ay naisip niya na ito na ang panahong lilipat siya dahil matagal ng kakilala ng kanyang mister si Manny Villar. Pumayag din naman umano ang kanyang Mommy Pinty sa kanyang paglipat.

Ibinahagi din ni Toni, na hindi totoo ang lumabas na balitang malaki ang offer sa kanyang ng ALLTV dahil sa totoo mas malaki pa ang offer ng dalawang network na namimirata sa kanya noon pang 2020.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo