Mga Netizens May Napansing Pagbabago Kay Carla Abellana!

Linggo, Oktubre 23, 2022

/ by Lovely


Maraming mga netizens, lalong lalo na ang mga tagahanga ng Kapuso actress na si Carla Abellana ang umano'y pagiging blooming nito ngayon.

Ilang buwan na ang nakakalipas matapos lumabas ang balitang nagkakalabuan na ang mag-asawang Carla Abellana at Tom Rodriguez. Ilang linggo matapos nito, kinumpirma ng dalawa na nag-file ng divorce ang actress. Sa kabila naman ng lahat, hindi pa rin nila ipinalabas ang totoong dahilan kaya nauwi sila sa hiwalayan.

Inamin naman noon ni Carla Abellana na nasaktan at naapektuhan din siya ng malaki sa nangyari sa kanilang pagsasama ng dating asawang si Tom Roddriguez.

Samantala, marami ang nakapansin ng pagkablooming ni Carla Abellana ngayon. Makikita sa mukha nito ngayon ang saya. Tila naka-move on na ito sa nangyari sa kanila ni Tom Rodriguez. Hindi lamang ang mga netizens ang nakapansin sa kakaibang glow ngayon ni Carla, maging ang kanyang kasamahan sa showbiz ay napapansin din ito.

Tila back to her glowing self na ulit ang aktres matapos ang hiwalayan with Tom. May mga kabi-kabilang endorsement na rin ang actress. Matatandaang na naiulat kamakailan ang pagkakaroon ng manliligaw ni Carla Abellana.

Kaya naman, tanong  ng mga netizens, isa kaya ito sa mga nagpapablooming ngayon sa aktres?

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo