Zeinab Harake Live! Nagsalita Na Si Zeinab Sa Lahat Ng Ibinato Sa Kanya Ni Wilbert Tolentino!

Linggo, Oktubre 23, 2022

/ by Lovely


Zeinab Harake nagsalita na sa mga ibinabatong salita sa kanya ng isa pang vlogger at talent manager na si Wilbert Tolentino.

Matatandaang, ilang beses na nagpalitan ng pagpaparinig sina Wilbert  Tolentino at Zeinab Harake. Nag-ugat ang lahat ng magpost si Zeinab Harake tungkol sa mga taong traydor. Agad naman bumwelta si Wilbert ng pagpaparinig tungkol sa taong manggagamit at pagpapaawa umano. Ginagamit umano ng taoong ito ang kanyang karanasan sa buhay upang humakot ng views. Bait-baitan din umano ito sa harap ng kamera.

Sa kamakailang, panayam ni Wilbert Tolentino, sinabi niyang titigil na muna siya sa pagpaparinig dahil magfofocus na muna siya kay Herlene Budol at sa international pageant nito.

Samantala, naglabas ng pahayag si Zeinab Harake sa pamamagitan ng isang live, dito inilahad ni Zeinab ang totoong nangyari. Ayon kay Zeinab hindi si Wilbert Tolentino ang kanyang tinutukoy sa nauna niyang post tungkol sa mga taong traydor. Ipinagdiinan ni Zeinab na hindi siya manggagamit kundi ginawa niya lamang ang kanyang trabaho.

Ibinahagi ni Zeinab ang kanyang mga karanasan na hindi niya inilabas noon sa kanyang mga vlog. Ayon kay Zeinab, lahat ng mga natanggap niyang pera mula kay Wilbert Tolentino ay dahil sa kanyang pagtatrabaho at hindi niya ito pineperahan.

Sinabi din ni Zeinab na talagang ugali na ni Wilbert Tolentino mula pa noon na ipinagsasabi sa iba ang dapat sana'y pribadong bagay at kung ano-ano ang ipinagsasabi kapag nakatalikod siya.

Watch the full video here:


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo