Direk Darryl Yap Inireklamo Ang Mga Nag Mamarites Na Crew Ng Philippine Airline!

Linggo, Oktubre 23, 2022

/ by Lovely

Agad nakarating sa Philippine Airline ang hinaing ni Direk Darryl Yap tungkol sa maiingay umano nitong mga crew sa flight mula Laoag hanggang Manila.

Ibinahagi ni Direk Darryl Yap sa kanyang Facebook account ang hinaing niya sa Philippine Airline crews na hindi umano sila nagkapagpahinga at naka-idlip kahit sandali lamang dahil sa mga bunganga ng mga ito.

"Dear Philippine Airlines PR 1197 Crew,
Gusto ko lang malaman nyo na hindi lang kami ng team ko ang walang tulog at gustong magpahinga kahit 50 mins lang ang flight mula Laoag hanggang Manila.
sa lakas ng mga bunganga nyo magtsismisan,
alam na namin ang mga pinagdaanan nyo these past few days.
iniyak na lang ng baby sa tabi ang irita nya dahil di siya makatulog dahil napakaingay nyo.
THE MOUTH OF THE FILIPINO."


Agad naman itong sinagot ng Philippine Airlines. Sa comment section ng post na ito ni Direk Darryl sinabi ng Philippine Airline, "Hi, Darryl. Please allow us to extend a sincere apology if our service did not meet your expectation. We certainly have no intention to cause our passengers any disservice. Rest assured that your feedback will be brought to the attention of the office concerned for their information and proper handling. Thank you."

Agad humingi ng paumanhin ang Philippine Airline na hindi nito na-meet ang expectation ni Direk Darryl at sinabing makakarating sa opisina nila ang hinaing ito upang mabigyan ng tamang action.

Dahil naman sa pagvo-voice out ni Direk Darryl, marami ring mga netizens ang nagsabing matagal ng ganyan ang service ng Philippine Airline. Napaka-ingay talaga umano ng mga crews nito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo