Cristy Fermin Ibinisto Ang Pagiging Demanding at Pa Importante Ni Enrique Gil!

Linggo, Oktubre 23, 2022

/ by Lovely


Naging paksa ng kulomnistang si Cristy Fermin sa kanyang programang CristyFerminute ang naudlot na paglipat ni Enrique Gil sa GMA7.

Ayon kay Cristy Fermin, napurnada ang pagiging Kapuso sana ni Enrique Gil dahil sa umano'y pagiging demanding nito. 

Napabalita noon na umano'y lilipat sa Kapuso network sina Enrique Gil at Mateo Guidicelli. Ngunit hindi umano ito natutuloy dahil sa iba't-ibang dahilan. Isa na rito ay ang pagiging demanding ng mga ito. Lalong lalo na si Enrique Gil na may mas maraming demand at kondisyon sa kanyang paglipat at pagtatrabaho sa GMA7.

Gusto umano ni Enrique na kasama niya sa paglipat ang mga writers, directors, PAs ay kasama niya rin sa paglipat. Dahil ang mga ito lamang ang nais niyang makatrabaho. Ayon kina Cristy Fermin, halos lahat na lamang ng production crew ng ABS-CBN ay dadalhin ni Enrique na hindi naman tama.

Dagdag pa ni Cristy na hindi naman umano ito tama at malaking insulto sa GMA7 ang kanyang mga demand. Siya pa umano itong bibigyan ng trabaho, siya pa itong maraming gusto. Ano na lamang ang gagawin ng production crews ng GMA7  kung ang gusto naman ni Enrique at mula sa kabilang network ang kanyang magiging katrabaho.

Ayon naman kay Romel Chika, nagpapa-importante itong si Enrique.



Si Enrique Gil ay kabilang sa mga sikat na artists sa ABS-CBN katambal niya noon si Liza Soberano bago ito lumipat sa Hollywood. Matatandaang hindi natapos ang teleserye nina Enrique at Liza Soberano dahil sa pandemya at sa pagpapasara sa ABS-CBN.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo