Whamos Nag-Live Selling Ng 'Product Na Nakakaganda Ng Ugali'!

Lunes, Oktubre 24, 2022

/ by Lovely


Isa si Whamos sa mga social media personality na nadadawit sa isyu sa pagitan nina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino.

Naging mainit na usapin ang pagbubulgar ni Wilbert Tolentino sa umano'y baho ni Zeinab sa isang live video. Sa nasabing live, ibinahagi ni Wilbert ang totoong ugali ni Zeinab sa likod ng kamera. Kalakip ang mga screenshots ng mga convo nila, ibinahagi ni Wilbert Tolentino kung paano pinagtawanan at tila siniraan ni Zeinab ang iba pang mga online personality kagaya nina, Whamos, Jelai, Sachzna, Toni Fowler at iba pang mga vlogger.

Agad namang pinabulaanan ni Zeinab ang umano'y pambibintang ni Wilbert laban sa kanya at naglabas dib ng baho nito. Subalit walang napakitang resibo si Zeinab dahil nadelete na umano niya ang mga convo nila noon. Dito ipinaliwanag ni Zeinab ang mga paratang ni Wilbert.

Samantala, agad ding napalive sa Facebook si Toni Fowler at lalong idiiniin si Zeinab Harake. Inilabas din nito ang mga baho ni Zeinab at tila sinigundahan nito ang mga naunang paratang ni Wilbert Tolentino.

Sa kabilang banda, napa-live din si Whamos sa kanyang Facebook account. Ngunit hindi dahil magbigay ng reaksyon tungkol sa pagkakadawit sa kanyang pangalan sa isyu nina Wilbert at Zeinab. Naglive selling na lamang si Whamos ng mga produkto na aniya'y makakaganda sa panlabas at panloob. Nakakaganda umano ng ugali ang kanyang mga ibinibinta.

“Mag-order na kayo para gumanda ‘yung ugali, panlabas tsaka panloob. Ito lunukin n’yo ‘to [lotion] puputi ang loob n’yo.”

Nagbiro din si Whamos na huwag mag-unsubscribe sa kanya dahil wala naman umano siyang kasalanan. Nagbigay din ng payo si Whamos sa lahat ng mga aspiring vloggers.

“At syempre sa mga vloggers, guys support kami sa inyo. Alam ni Mommy Toni ‘yan pati ni Tim Sawyer kung gaano namin pinangangalagaan at pinahahalagahan lahat ng mga YouTuber dito sa Pilipinas, maliit man o malaki, basta suportahan natin. Ito lang ‘yung masasabi ko sa inyo, basta kapag alam n’yong umaangat ang isang tao, gawin n’yong inspirasyon kasi baka susunod kayo naman yung umangat.” 


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo