It's A Prank! Sagot ni Toni Fowler sa Pa Live ni Zeinab Harake!

Lunes, Oktubre 24, 2022

/ by Lovely




Toni Fowler, nagbigay ng sagot sa pa-live ni Zeinab Harake. Lalo na sa pandadamay nito sa kanya at sa Toro Family.

Matatandaang damay si Toni Fowler at Toro Family sa mga isyu nila ni Skusta Clee. Tinawag din noon ni Zeinab si Toni Fowler na trash, ngunit agad naman umanong nagsorry si Zeinab. Bagama't napatawad ni Toni Fowler si Zeinab ngunit tila may hinanakit pa rin ito dahil sa pandadamay ni Zeinab sa Toro Family.

Ayon kay Toni Fowler, maaaring trash siya ngunit hindi ang kanyang anak at ang iba pang kasapi sa Toro Family.

Ipinagdiinan din ni Toni Fowler na hindi siya nakikipagcolab sa isang vlog dahil ayaw niya ng kaplastikan. Yung tipong nagtatawanan sa harap ng kamera para magkapera. Ayaw umano niya ng gamitan at perahan dahil gusto niya kapag may ka colab siya ay iyong nag-eenjoy siya.

Sinabi rin ni Toni Fowler sa kanyang live na hindi lamang si Zeinab ang may dahilan kung ayaw niyang makipagcolab. Kung ayaw umano ni Zeinab na makipagcolab sa kanya, ayaw din naman niya dahil ayaw niyang makipagplastikan lang.

Ibinunyag din ni Toni Fowler sa kanyang live na noong 2018 ay may kasalanan na nagawa si Zeinab sa kanya. Ayon kay Toni noong panahong iyon umiiyak si Zeinab dahil kay Skusta Clee kahit pa may jowa nang ipinopost itong si Zeinab sa social media.

Lasing umano si Zeinab ng panahong iyon at grabe ang pag-iyak dahil nahawaan siya ng tulo mula kay Skusta. Present doon sa club si Rob Moya na dating karelasyon ni Toni Fowler. Nang maiwan umano sina Zeinab at Rob, naabutan mismo ni Toni Fowler na ibinaba ni Zeinab ang suot niya short sa harap mismo ni Rob na halos makita na ang hindi dapat.

Hindi na umano nagsalita noon si Toni dahil lasing si Zeinab at baka hindi nito sinasadya.

Punto ni Toni Fowler, huwag magmalinis sa harap ng social media at magpakita ng totoong ugali. Hamon pa ni Toni kay Zeinab, magpakitaan ng SS.

Sa lahat ng inilabas na baho ni Toni Fowler laban kay Zeinab Harake. Tanong niya ngayon sino ang mas trash?

Watch full video here:


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo