Sumagot Na! Wilbert Tolentino, Sinagot Na Kung Ano Ang Dahilan Ng Kanyang Pagpaparinig Sa SocMed!

Linggo, Oktubre 23, 2022

/ by Lovely


Tinuldukan na ng talent manager at vlogger na si Wilbert Tolentino ang tila parinigan nila sa social media ng isa pang vlogger at online personality na si Zeinab Harake.

Matapos ang ilang araw na tila parinigan nina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake sa social media, nagbigay na ng pahayag si Wilbert kung bakit tila may pinaparinggan siya sa kanyang mga Facebook posts.

Matatandaang nagviral ang mga naging post ni Wilbert Tolentino hinggil sa isang tao na hindi niya pinangalanan. Ayon sa mga nakaraang post ni Wilbert, manggagamit umano ito at nagpapavictim. Nagbabait-baitan din umano ito sa harap ng kamera. Ngunit ang totoo ay masama ang ugali nito.

Ayon sa naging pahayag ni Wilbert sa isang panayam ng isang sikat na pahayagan, naitanong sa kanya kung sino ba ang tinutukoy niya sa kanyang mga naging post. Sagot ni Wilbert, hindi siya magbibigay ng pangalan dahil hindi rin naman nagbigay ng pangalan ang naunang magpost. Inihayag din nito ang pinag-ugatan ng lahat ay ang umano'y pagpopost ng kanyang tinutukoy na vlogger.

Bagama't hindi pa nito pinangalanan ang taong kanyang tinutukoy, ayon kay Wilbert ay ibubunyag din niya ang katauhan nito sa tamang panahon. Sa ngayon ay mananahimik muna umano ito dahil nagfo-focus siya sa paparating na international pageant ng kanyang alaga na si Herlene Budol.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo