Vice Ganda Nagpaliwanag Bakit Hindi Nakarating Sa Grand Finals Ng Miss Q&A!

Sunday, October 23, 2022

/ by Lovely

Mainit na usapin ngayon sa showbiz ang pagiging absent ni Vice Ganda sa naganap na Grand Finals ng Miss QandA sa It's Showtime.

Agad namang humingi ng paumanhin ang host sa pamamagitan ng isang tweet. Aniya, "Sorry po wala pa rin ako sa Showtime. Kagabi pa ko umiiyak dahil di ako napayagan for a valid reason. Di ako pumayag na iadjust ang date ng Finals kasi this event is not about me. It’s about these beautiful girls and their talents. So for now let’s focus on them. Sorry po! πŸ’”"


Dagdag pa ni Vice sa kasunod niyang tweet, "Kung alam nyo lang kung gaano to kasakit para sa akin. This segment is very inportant to me and very close to my heart. Aside from the fact na di ko masusuot yung mga pinagawa kong gowns para aliwin ko. πŸ’”πŸ’”πŸ’”πŸ’”πŸ’”"


Samantala, hindi naman sinabi ni Vice kung ano ang tinutukoy niyang valid reason kaya hindi siya napagbigyan.

Agad namang umani ng samu't-saring speculations mula sa mga netizens ang pagiging absent ni Vice sa grand finals ng Ms. QandA may nagsasabing baka raw ay may sakit ito o di kaya'y nasa lock in taping sa pelikula nila ni Ivana Alawi.

Subalit may iba namang nagsasabi na baka ay nagpapadagdag lamang ng talent fee si Vice o di kaya ay wala ng budget para sa TF nito.

No comments

Post a Comment

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo