Nadine Lustre Sinupla Ang Isang Netizen! Madumi Ang Ugali!

Linggo, Oktubre 23, 2022

/ by Lovely

Tila hindi na nakapagtimpi ang aktres na si Nadine Lustre sa isang Twitter user matapos siyang sabihan na mukhang matanda sa kanyang latest photoshoot.

Matatandaang ibinahagi kamakailan ni Nadine Lustre ang ilang mga daring  photos na kuha mula sa isang photoshoot.

Ang nasabing mga larawan ay umani ng samu't-saring komento at reaction mula sa mga netizens. May isang netizen na tila hindi nagustuhan ang mga ibinahaging larawan ni Nadine at nagtweet na nagmukhang matanda si Nadine sa kanyang mga photoshoot.

Sinagot naman ito ni Nadine at sinabing may mga tao talagang iniisip na katulad pa rin siya noong 21 pa siya gayung mag-29 na siya sa darating na linggo.

"I find it so weird when people say I’ve changed and I look older. What? Were you expecting me to be the same person when I was 21? Im turning 29 next week."


Hindi pa rin tumigil ang basher ng aktres at nagkomento sa kanyang tweet. Ayon sa basher, "Gurl, ang dumi at dry kasi ng balat mo kaya mukha kang matanda."

Agad namang bwelta ni Nadine, “At least ‘di kasing dumi ng ugali mo.”

Matatandaang unang sumikat si Nadine nang gumanap na bida sa movie adaptation ng hit Wattpad book na Diary ng Panget kung saan nakatambal niya ang aktor na si James Reid. Napasama din si Nadine Lustre sa top earners sa Instagram na may 11.5 million followers.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo