Yari! Isiniwalat at Pinangalanan Ang Tumulong Kay Deniece Cornejo Para Madiin Si Vhong!

Walang komento

Martes, Setyembre 27, 2022


Usap-usapan pa rin hanggang ngayon sa social media ang umano'y pagbasura sa inihaing Motion for Reconsideration ng kampo ni Vhong Navarro upang muli ay pansamantalang makalaya ito habang nililitis ang kanyang kaso.

Marami naman sa mga tagasuporta ng aktor ang lalong nalungkot sa sinapit ngayon ni Vhong Navarro. Ayon sa kanila, talagang nabaliktad na ang sitwasyon at tila si Deniece Cornejo na ang mas pinapanigan ng korte.

Matatandaang, naibasura na noong ang mga kasong isinampa ni Deniece laban kay Vhong Navarro noong 2014. Ngunit matapos ang mahigit walong taon ay ipinag-utos ng Court of Appels na muling buksan ang kaso.

Samantala, usap-usapan ngayon sa social media kung sino ang nasa likod ng muling pagbubukas ng kaso ni Deniece laban kay Vhong Navarro. Marami kasi ang mga nagtataka matapos ang mga naging pahayag ni Deniece noon na halata naman umanong tila gumagawa lamang ng kwento.

Matatandaang makikita sa mga CCTV footages na hindi naman nagtagal sa condo unit ni Deniece si Vhong at kaagad ng bumaba kasama ang grupo ni Cedric Lee. Maging si Sen. Raffy Tulfo ay hindi umano makapaniwala na muling mabuksan ang kaso matapos ang mahabang panahon.



Ayon umano kay Sen. Raffy Tulfo, ang mga usaping ito ay hindi dapat pang pagtuunan ng pansin dahil malinaw naman kung sino ang nagsasabi ng katotohanan. Samantala, ayon sa aming nakalap na impormasyon patuloy ang pag-iimbestiga ng kampo ni Vhong Navarro sa pagtutukoy kung sino ang nasa likod ng muling pandidiin sa kanya sa mga kasong isinampa ni Deniece.

Deniece Cornejo Wagi Na Sa Kas0ng Isinampa Kay Vhong Navarro Atty. Topacio Nagbunyi!

Walang komento


Ibinasura ng Court of Appeals ang Motion of Reconsideration na isinampa ng kampo ni Vhong Navarro sa kasong Rape na isinampa ni Deniece Cornejo.

Matatandaang naghain ng Motion for Reconsideration ang kampo ni Vhong Navarro matapos makulong ng aktor sa kasong rape. Buong akala ng kampo ng aktor na mabigyan ng pansamantalang kalayaan si Vhong Navarro habang patuloy na nililitis ang mga isinampang kaso ni Deniece na Act of Lasciviousness at Rape.

Dahil sa pag-deny ng CA sa Motion for Reconsideration ni Vhong Navarro na ipinupuntong may mga mali sa sinasabi ng complainant, patuloy na makukulong at hindi muna makakalaya si Vhong Navarro hangga't hindi napatunayan sa korte na siya ay inosente.

Lagot Na! Gerald Anderson Nahuling Nag-Komento Sa Larawan Ni Bea Alonzo!

Walang komento


Kamakailan lamang ay inamin ng aktres na si Julia Barretto ang katatagan at estado ng kanilang relasyon ng aktor na si Gerald Anderson. Kahit pa umano ay napupuno sila ng pang-iintriga nananatiling matatag ang kanilang relasyon.

Matatandaang sinabi pa ni Julia sa panayam sa kanya ni Karen Davila na binibigyan umano siya ni Gerald ng sense of security. Nararamdaman din umano niya na safe siya at hinding-hindi siya lolokohin ng aktor. Sa kabila ng pamababatikos sa kanila ng mga bashers patuloy pa rin nilang pinapatunayan na matatag sila.

Ngunit, tila may napansin ang mga netizens kay Gerald Anderson. Spotted umano ang komento ng aktor sa larawan ng ex-girlfriend na si Bea Alonzo. Usap-usapan ngayon ang pagkomento ni Gerald sa post ni Rayver Cruz na isang litrato kung saan kasama nito si Bea Alonzo, Julie Anne San Jose at Dingdong Dantes.

Bagama't burado na sa kasalukuyan ang komentong ito ni Gerald nakunan naman agad ito ng screenshots ng ilang netizens. Ayon sa komento ng aktor, "Without me?"



Agad naman itong umagaw sa atensyon ng ilang mga netizens at umani ng samu't-saring mga komento. Ayon sa ilang mga netizens tila hindi pa rin natitiis ni Gerald ang dating nobya na si Bea Alonzo. Tinawag naman ng ilan ang pansin ni Julia Barretto at sinabing nasaan na ang sinasabi niyang hindi siya binibigyan ni Gerald ng rason para mag-alala.

Kilalang Politiko-Nagpasalamat Sa ABS-CBN!

Walang komento


Nitong nakaraan araw ay pinuri ng mga netizens ang ABS-CBN dahil sa pag-cover nito sa pananalasa ng Bagyong Karding sa ating bansa. Para sa patuloy na paghahatid ng mga balita para sa ating bansa.

Isa sa mga nagpapasalamat sa ABS-CBN special coverage tungkol sa pananalasa ng Bagyong Karding sa bansa ay ang kilalang pulitiko na si Nancy Binay.

Ayon sa social media post ni Sen. Nancy Binay, "May prankisa man o wala; mapa baha o bagyo tuloy tuloy pa rin ang serbisyo sa publiko. Maraming salamat."



Actual Video Ng Pambab*sh Sa Isang Event Kay Skusta Clee!

Walang komento


Muli na namang usap-usapan ngayon sa social media ang muling pambabash kay Skusta Clee sa isang event.

Muling nagtrending si Skusta Clee matapos kumalat sa social media ang ilang mga video ng umano'y pambabastos kay Skusta Clee. May ilan namang humingi ng tawad kay Skusta sa inasal ng kanyang mga kababayan na pumunta sa isang event. Ipinunto din nito na labas na tayo sa kung anuman ang isyu sa pagitan nila ni Zeinab Harake.

Matatandaang sa isang post ni Skusta sa kanyang Facebook account sinabi niyang, hindi siya nabastos at walang nabastos. Sinigundahan naman ito ng ilang tagahanga ng rapper at sinabing nag-enjoy lamang sila sa event. Subalit sa isang video na kumakalat, habang maririnig ang pag-awit ni Skusta, may isang netizen na nagsisigaw at sinisisi si Skusta sa naganap na hiwalayan nila ni Zeinab.



Willie Revillame Show Na Wowowin Hindi Na Mapapanood?!! Nak*rma Sa Pag Iwan Sa GMA!

Walang komento


Show ni Willie Revillame na Wowowin hindi na mapapanood sa social media.

Wowowin ipinahinto na ni Willie Revillame ang pagpapalabas sa social media dahil nais ni Willie na tumutok at panoorin ng mga tao ang nasabing show sa AMBS ALLTV. Hindi na napanood ang nasabing show via online streaming mula noong September 26, 2022.

Ayon kay Willie, napagkasunduan nila ito ng pamunuan ng AMBS ALLTV. Nais umano nila na nakatutok ang kanilang mga manonood sa TV. Dagdag pa ni Willie, mahirap ang tumutok sa cellphone kapag nasa biyahe.

Ibinahagi rin ni Willie ang ilang mga nilulutong show ng AMBS ALLTV. Samantala, ikinalungkot naman ng ilan ang balitang ito dahil may mga lugar na mahina ang signal ng AMBS.

Vhong Navarro Kinausap Ni Billy Crawford, Hindi Kinalimutan at Inalayan Ang Pagkapanalo!

Walang komento


Nananatili pa rin ang pagkakaibigan nina Vhong Navarro at Billy Crawford sa kabila ng matagal na panahon na hindi sila nagkikita.

Sa kasong kinakaharap ngayon ni Vhong Navarro, tila hindi napigilang mag-alala ni Billy para sa kaibigan. Sa latest update nina Ogie Diaz sa kanilang YouTube Channel ibinahagi nilang bago kunin ang cellphone ni Vhong ay naka-usap pa nito si Billy Crawford.

Bukod sa pagpapalakas ng loob ni Vhong Navarro ay iniaalay din umano ni Billy ang kanyang pagkapanalo rito.

Samantala, ibinulgar din ni Ogie Diaz na may isang kaibigang hiningan ng tulong ni Vhong ngunit ipinasa lamang siya sa ibang tao. Hindi na din umano pinapansin pa ang mensahe ng aktor.

Maging si Cristy Fermin ay nalungkot din matapos hindi na aprubahan ang inihaing Motion for Reconsideration ng kampo ni Vhong.

Vice Ganda, Anne at Jhong Inabutan Ng Brown Out Sa Sa Showtime!

Walang komento

Lunes, Setyembre 26, 2022


Tuloy pa rin ang paghahatid ng saya ng Showtime Family sa kabila ng pananalasa ng Bagyong Karding.

Habang nasa studio, inabutan sila ng brown out habang nagtatanong sa Miss Q and A. Bagama't nagbrown out tuloy pa rin ang pagpapasaya at pagbibiro ni Vice sa mga contestant. Tuloy na tuloy pa rin ang pagbibigay nila ng goodvibes at kulitan para sa mga madlang pepol.

Pagbibiro ni Vice sa isang contestant na pati ang antenna nila ay nakain na rin nito. On the go naman sa pagbibigay ng good vibes ang contestant at nag-sample pa ng Dyesebel's voice.



Grabe! Sunshine Cruz Hiniwalayan Na Ang Kanyang Boyfriend Na Si Macky Mathay!

Walang komento


Matatandaang naging usap-usapan online ang muling pagkakabuo ng Pamilya nina Cesar Montano at Sunshine Cruz sa naging celebration ng kaarawan ng isang anak nito.

Makikita sa nasabing larawan ang pagkakasama ng dating pamilya at bagong pamilya ni Cesar Montano. Base sa mga kumakalat na larawan, wala ng galit at bitterness ang mga ito at tila magkakaibigan na lamang na nagkasama.

Samantala, napansin naman ng ilang mga netizens na wala sa nasabing photo ang nobyo ni Sunshine Cruz na si Macky Mathay. Dahil rito, lumabas ang bali-balitang naghiwalay na ang dalawa. Napansin din ng ilan ang tila cryptic post na ibinahagi ni Sunshine sa kanyang Instagram account.

Ayon kay Sunshine, "I experienced so much realizations and challenges while I was locked in for 35 days. It wasn’t easy coz there’s not much you can do but pray and hope for the best. Challenges and trials will always be part of our lives and at the end of the day, we just have to focus on positive things coming our way.

So much blessings are being given to me and my family afterall.
Wala akong karapatang mag reklamo.

“Everything happens for a reason, live it, love it, learn from it.”
  

Kasunod naman ng social media post na ito ni Sunshine napansin din mga netizens na hindi naka-follow si Sunshine sa account ng nobyo. Hindi na rin nagbabahagi pa ng mga larawan si Sunshine kasama si Macky.

Pambab*stos Kay Skusta Clee Sa Isang Event, Muli Nanaman Viral!!

Walang komento


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang muling pambabastos kay Skusta Clee habang nasa isang event.

Habang nagpeperform, inaya ni Skusta ang mga manonood na kumanta kasabay niya. Ngunit hindi siya pinagbigyan ng mga manonood kaya napahiya siya. Tila hindi na kinaya ni Skusta Clee ang ipinaakitang kabastusan umano ng mga manonood kaya napa-iyak na lamang ito.

Muli namang nagtrending si Skusta Clee dahil sa pambabatikos sa kanya. Tila nakuha naman ni Skusta Clee ang simpatya ng ilang mga netizens. May ilang naawa na sa rapper dahil sa pambabatikos na nararanasan nito ngayon.

Ayon sa isang netizen, naaawa na siya sa nararanasang pambabastos ngayon ni Skusta Clee. Nakapag-move on at nanahimik na si Zeinab ngunit bakit hindi pa rin nakakamove on ang iba. Bagama't naging cheater noon si Skusta, labas na umano tayo sa isyu nila. Libre naman ang nasabing concert at nagperform si Skusta para sa lahat ngunit pambabastos natanggap nito.

Sa huli sinabi rin ng netizen na lahat naman ay maaaring magbago kapag nabigyan ng chance. Paano pa umano magbabago si Skusta gayung bawat galaw niya ay pinabatikos at hinuhusgahan na siya ng ibang mga tao.



Samantala, naglabas naman ng pahayag si Skusta gamit ang kanyang social media account at sinabing, "Hindi toxic mga fans ko.. mga palamunin lang mga galit sakin. Hinding hindi ko tuturuan mang-hate sila ng tao. MUSIC LANG!"

Tila itinanggi naman ni Skusta ang isyu na siya ay nabastos at napa-iyak sa concert. Aniya sa kasunod na post, "Hindi ako nabastos! Saya kaya namin! Saka di uubra sakin bastusin ako kasi may lilipad na mic sa mukha mo pag nagkataon."

Dating Kapamilya Star-Babalik sa ABS-CBN!

5 komento


Usap-usapan ngayon sa iba't-ibang social media platforms ang dating Kapamilya Star na babalik sa ABS-CBN.

Matatandaang noong October 2020, matapos mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN ay lumipat siya sa TV5 at sinabing hindi siya nagsisisi sa pag-iwan ng kanyang naging home network sa loob ng 18 years. Kaya naman labis na nagulat ang ilang mga netizens matapos mapabalitang magbabalik sa ABS-CBN si Maja Salvador.

Sa pagbabalik umano ni Maja sa ABS-CBN ay makakatambal niya si Richard Gutierrez sa teleseryeng Iron Heart.

Agad namang umani ng samu't-saring reaction at comments mula sa mga netizens ang nasabing balita. May ilan na nagsasabing, kung wala siyang pinagsisihan sa pag-alis sa Kapamilya network bakit pa siya babalik. Dagdag na komento naman ng ilan na manatili na lamang siya sa Eat Bulaga at gumawa ng walang kwentang jokes.

Samantala ayon naman sa mga tagahanga ng aktres, na nararapat lamang na babalik si Maja sa Kapamilya Network kung saan binibigyan siya ng malalaking roles hindi katulad ng mga pinaggagawa niya ngayon sa Eat Bulaga.



Sweet Moments Ni James Reid Kasama Sina Kelsey Merritt at Nancy Mcdonnie!

Walang komento


Kumakalat at usap-usapan ngayon ang mga larawan nina James Reid at Filipino-American Model na si Kelsey Merritt.

Si Kelsey Merritt ay unang nakilala sa isang fashion show ng Victoria's Secret. Kamakailan lamang ay kumalat ang mga larawan nina James at Kelsey sa isang parking lot. Makikita sa nasabing mga larawan na tila napaka-close nila sa isa't-isa.

Agad na umani ng samu't-sarin komento at reaksyon mula sa mga netizens ang nasabing photos. Ayon sa ilang mga netizens si Kelsey ang bagong girlfriend ni James Reid. Ang iba naman ay nagsasabing for publicity lamang ang kanilang ginagawa dahil sa kanilang upcoming project.

Matatandaang naunang kumalat ang mga larawan ni James kung saan si Nancy Mcdonnie naman ang kanyang kasama. Makikitang sweet sila sa mga nasabing photos ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon kung ano ang kanilang relasyon.

Ngayong si Kelsey naman ang kasama ng aktor, napapaisip din ang ilang mga netizens na baka ito ang karelasyon ng aktor. Samantala, wala namang ipinakilalang nobya ang aktor sa publiko matapos ang naging hiwalayan nila ng aktres na si Nadine Lustre.

Sa kasalukuyan ay walang pang ipinalabas  na official statement si James Reid at si Kelsey Merritt tungkol sa kumakalat nilang mga larawan sa parking lot.



Lani Mercado Tahasang Sinabi Na Mahirap Ang Kakaharaping Laban Ni Tanya Bautista!

Walang komento


Nagbigay ng pahayag si Lani Mercado para sa asawa ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista hinggil sa kinakaharap na kaso ng aktor. Naiintindihan umano ng asawa ni Sen. Bong Revilla ang nararamdaman ngayon ni Tanya dahil napagdaanan din umano niiya ito.

Payo ni Lani, dapat ay maniwala sa kayang gawin ng Supreme Being. Sinabi din niya na bilang ina, dapat ay maging matatag si Tanya sa kinakaharap na pagsubok. Pinagdiinan din nito ang kahalagahan ng support system na maaaring makuha mula sa pamilya at mga kaibigan.

Dagdag pa ni Lani para sa asawa ni Vhong, dapat ay lumayo muna sa social media upang maiwasang makabasa ng mga negative comments na magpapadagdag sa stress.



Yari! Abogado Ni Vhong Navarro May Isisiwalat Sa Publiko Na Ikagugulat Ng Lahat!

Walang komento


Palaisipan pa rin hanggang ngayon kung bakit tila nabaliktad ngayon ang sitwasyon nina Vhong Navaroo at Deniece Cornejo. Matatandaang nanalo ang kampo ni Vhong Navarro noon dahil naibasura ang kasong isinampa ni Deniece Cornejo.

Samantala, naninindigan pa rin ang abogado ni Vhong Navarro na si Alma Malongga na anuman ang mangyari lalabas pa rin ang katotohanan na inosente si Vhong Navarro.

Pagsisiwalat ni Atty., "Di ba dinala siya sa Police Station, sinabing pang-ano lang ito. Tamang leverage para hindi ka magsumbong. Ilalagay natin na ikaw ay nag-confess, na mayroon kang ginawa pero buburahin natin 'yan pag nagbayad ka. Huwag kang magsumbong."

Ang tinutukoy ni Atty. Alma ay noong nagpabloter si Deniece noong January 2014. Ginamit umano nina Deniece at Cedric ang Police Blotter  bilang palusot sa kanilang ginawa kay Vhong Navarro.

Matatandaang nagfile din ng kaso si Vhong Navarro sa NBI laban sa grupo nina Deniece Cornejo at Cedric Lee ng Grave Coercion at Serious Illegal Detention. Nahatulan naman noong July 2018 si Deniece Cornejo dahil napatunayang pinilit nila ang aktor na pirmahan ang Police Blotter.

Samantala, hanggang ngayon ay ongoing pa rin ang kasong Serious Illegal Detention laban kay Deniece Cornejo na isinampa noon ni Vhong Navarro.



Julia Montes Nagpakita Na Sa Publiko, Nanganak Na Daw!

Walang komento


Matapos ang bali-balitang nagbubuntis sa umano'y ikalawang anak nina Coco Martin si Julia Montes. Makalipas ang ilang buwan, lumantad na sa publiko ang aktres.

Matatandaan na huling namataan si Julia Montes sa Thanksgiving party ng cast ng Ang Probinsyano na naganap noong August 14, 2022. Napansin ng mga netizens noon ang tila pagtaba ni Julia at bagama't pilit tinatakpan makikita pa ring tila lumaki ang kanyang tiyan.

Ang pagbubuntis ni Julia ang tinuturong dahilang kung bakit noong June, bigla na lamang nawala ang karakter ni Julia sa nasabing serye at nagpakita na lamang sa pagtatapos nito. Madalas rin noong napag-uusapan sa show nina Cristy Fermin ang pagdadalantaon ng aktres. Malaki ang paniniwala ni Cristy na totoo ang chismis dahil nagmula umano ito sa isang reliable source.

Subalit noong linggo September 5, sinupresa ni Julia ang mga netizens matapos mamataang hindi buntis. Nagpost rin ng isang update ang CornerStone Entertainment ng mga larawan ng aktres kasama ang kanyang mga katrabaho sa kanyang bagong project.

Caption ng Cornerstone sa kanilang post, "Nagsimula na si Julia Montes mag immersion training para sa "TOPAKK", ang inaabangang action thriller film ni Direk Richard Somes."



Ayon sa nasabing post action thriller ang proyektong ito ni Julia, kaya naman sa pagtanggap nito ng ganitong role tila nagpapaliwanag lamang na hindi siya nagbubuntis.

Sunod-Sunod Ang Inilabas Ngayon Ni Skusta Clee, Tungkol Kay Zeinab Harake!

Walang komento


Muling umingay ngayon sa social media ang mga pangalan nina Skusta Clee at Zeinab Harake, matapos ang tila muling pagpapatama ni Skusta sa dating partner na si Zeinab Harake.

Ayon sa post ni Skusta Clee, "Nagloko ka din naman ah! Hindi ka nga lang umamin!"



Bagama't walang sinabi si Skusta Clee kung sino ang kanyang pinapatungkulan sa nasabing post, hinala pa rin ng mga netizens na para kay Zeinab ito.

Makalipas ang ilang oras, umani kaagad ang nasabing post ng samu't-saring opinyon at komento mula sa mga netizens. May ilang hindi nagustuhan ang mga pinagsasabi ni Skusta Clee at sinasabing nagpapapansin na naman ito.

Tila hindi pa nakuntento si Skusta at muling nagpost. Ayon sa kanya, "Hindi toxic mga fans ko.. mga palamunin lang mga galit sakin. Hinding hindi ko tuturuan mang-hate sila ng tao. MUSIC LANG!"

Muli hindi nagustuhan ng ilang mga netizens ang tila pagpaparinig muli ni Skusta Clee kay Zeinab. Ayon sa kanila, tila gumagawa na lamang ng isyu si Skusta Clee para muling mapag-usapan.

Finally! Nagbabalik Na! Vhong Mapapanood Na Sa It'S Showtime?

4 (na) komento

Marami ang natuwa lalong lalo na ang mga tagahanga at kaibigan ni Vhong Navarro, matapos malamang nakalaya na ito at mapapanood ng muli sa It's Showtime.

Labis na natuwa ang madlang pepol lalong lalo na ang mga humahanga sa aktor-host na si Vhong Navarro ng mabalitaang magbabalik na itong muli sa Showtime.

Masayang ibinahagi ng mga kasamahan ni Vhong na muli umano siyang makikita sa telebisyon. Nagpapasalamat din sila sa mga taong patuloy na naniniwala at nagdadasal na maresolba ang kasong kinasasangkutan ni Vhong Navarro.

Mangiyak-ngiyak naman umano ang mga kasamahang host ni Vhong Navarro sa It's Showtime dahil sa muling pagbabalik nito.

Kapamilya Star Luis Manzano-Lilipat Na Rin Sa Ambs All TV?

Walang komento


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang Kapamilya actor-host Luis Manzano.

Ayon sa  mga kumakalat na bali-balita ay lilipat na ito sa AMBS AllTv at nakikipag-usap na umano kay Willie Revillame para sa isang show sa AMBS. Kaya naman maaasahan ng lilipat sa AMBS AllTv si Luis Manzano.

Matatandaang sa isang panayam sa President ng AMBS, Maribeth Tolentino sinabi niya na nag-uusap na sina Willie Revillame at Luis Manzano.

"Tulad ng anumang negosyo, mayroong isang proseso bago pumirma ng isang kontrata. Mayroon ding tinatawag na pagsusuri ng mga abogado, na tumatagal ng oras. Nag-uusap na sina Willie at Luis kung anong mga programa ang magandang i-host ni Luis."

Tila lilipat na nga si Luis sa AMBS at iiwan na ang Kapamilya Network.

Heart Evangelista Hinila Paalis Sa Crowd Sa Italy Dahil Sa Dinumog Na Ng Mga Tao

Walang komento

Linggo, Setyembre 25, 2022


Kasalukuyang nasa Milan, Italy ang actress at fashion icon na si Heart Evangelista para sa Milan Fashion Week.

Sa mga kumakalat na videos at larawan ngayon sa social media, makikita kung gaano kainit ang pagtanggap ng mga tao roon kay Heart. Malakas na hiyawan ang maririnig sa crowd para lamang mapansin ni Heart.

Maraming mga photographer ang nagnanais na kunan ito ng larawan o di kaya'y video. Marami ring nagnanais na makasama sa selfie si Heart at dinumog na ito ng tao. Sa kabila naman nito, pinaunlakan pa rin ni Heart ang ilang mga fans na nagnanais na makasama siya sa litrato.

Julia Barreto Matatahimik Na, Dennis Padilla Kinast*Go Umano Ng Kanyang Mngr.!

Walang komento

Sabado, Setyembre 24, 2022

 


Habang kasalukuyang abala si Julia Barretto para sa kanyang bagong proyekto, usap-usapan ngayon ang umano'y pagpapatahimik kay Dennis Padilla.

Sa naging latest episode ng Showbiz Now Na nina Cristy Fermin at Romel Chika, inamin ni Cristy Fermin na may nagsabi sa kanyang source na tinawagan umano ni Victor Rosario si Dennis Padilla upang tigilan na ang pagpopost sa social media.

Ayon kay Cristy, kinausap umano si Dennis sabay ang pagkastigo rito sa tila panghaharas nito sa kanyang anak sa social media. Ito rin umano ang dahilan kung bakit binura ni Dennis ang kanyang mga post tungkol sa anak na si Julia Barretto.

Kasalukuyang nasa Siquijor naman ngayon si Julia Barretto at nag-eenjoy sa filming ng kanyang proyekto.



Barbie Forteza May Inamin Tungkol Relasyon Nila Ni Jak Roberto!

Walang komento


Binigyang linaw ni Barbie Forteza sa isang panayam ang napapabalitang isyu ng hiwalayan nila ng boyfriend na si Jak Roberto. 

Naitanong sa isang panayam si Barbie Forteza hinggil sa kumakalat na haka-haka na "JakBie No more" o naghiwalay na sila ng nobyong si Jak Roberto. Bagama't nagulat ay sinagot ni Barbie ang nasabing katanungan.

Ayon sa Kapuso actress, hindi umano siya na-inform hinggil sa issue. Maayos umano ang kanilang pagsasama ni Jak sa katunayan ay nagkasama pa sila. Pagbibiro pa ng actress, wala pang sinasabi si Jak na maghiwalay na sila.

Ibinahagi pa ni Barbie kung gaano ka-hands on si Jak bilang ninong sa kanyang pamangkin na si Jimi. Nauna umanong dumating ang kapatid ni Barbie mula sa US, bago ang kanyang leave kaya naman si Jak muna ang umasikaso sa mga ito.

Nakakaaliw na Video ni Ivana Alawi, Viral Ngayon sa Social Media!

Walang komento


 Viral ngayon ang bagong ibinahaging video nina Ivana at Mona Alawi.

Kinatuwaan ng mga tagahanga nina Ivana at Mona Alawi ang bagong video na ibinahagi nila sa kanilang social media accounts.

Updated at laging nagbabahagi ng mga  videos sa kanilang TikTok accounts ang magkapatid na Alawi. Makikita sa kanilang bagong uploaded videos ang kulitan at closeness nila na ikinatuwa ng kanilang mga tagahanga.

Sa kanilang latest upload makikitang kumakanta habang ginagamit na mic ang ilang mga skin care products. May video din kung saan sumasayaw sila. Ang higit na nagustuhan ng kanilang mga tagahanga ay ang ipinapakita nilang closeness. Wala umano itong pagpapanggap sa harap o sa likod man ng kamera.



Finally Anne Curtis Nagsalita Na Sa Pagkakakulong Ni Vhong Navarro!

12 komento


Nagbigay na ng pahayag ang aktres-TV host Anne Curtis kaugnay sa kinakaharap na kaso ng kanyang kasamahan sa It's Showtime na si Vhong Navarro.

Ilang araw ng laman ng pahayagan at iba't-ibang social media ang balitang pagka-detained kay Vhong Navarro sa NBI Detention Center. Nauna nang magbigay ng pahayag at suporta ang ilang mga kaibigan at kasamahan ng aktor kagaya na lamang kina Vice Ganda at Jhong Hilario.

Sa muling pagkakabukas ng kasong rape at Act of lasciviousness kay Vhong Navarro, muli ring naungkat ang ilang mga nakaraang reklamo laban sa aktor sa parehong kaso. Tanong tuloy ng ibang netizens, may posibilidad kayang totoong nagawa ito noon ni Vhong?

Samantala, sa isang panayam kay Anne Curtis, naitanong rito kung ano ang masasabi niya sa pagkatao ni Vhong bilang isang kaibigan at kasamahan sa trabaho. Naitanong rin kay Anne kung ano ang nakikita niyangpagtrato ni Vhong sa ibang babae.

Ayon kay Anne, kung ano ang nakikita ng mga tao onscreen ay ito ang totoong pagkatao ni Vhong. Sobrang bait umano nito bilang kaibigan at mabuti din ito sa ibang tao. Wala umanong masasabing masama si Anne sa pagkatao ni Vhong.



Gal!t Na Ang Ina Ni Ivy Lacsina!! Deanna Wong, Hindi Maipagtanggol Si Ivy Laban Sa Mga Bash3rs?!

Walang komento


Usap-usapan ngayon sa iba't-ibang social media platforms ang umano'y sentimento ng ina ni Ivy Lacsina patungkol sa patuloy na pambabatikos sa kanyang anak.

Matatandaang mula nang isinapubliko nina Ivy at Deanna ang kanilang relasyon, umaani na ito ng smau't saring reaksyon at komento ng mga tagahanga ni Deanna. Natuwa naman ang ilan sa pagkakatagpo ni Deanna ng panibagong pag-ibig ngunit hindi naman naiiwasang may mga hindi sumang-ayon at tila hindi gusto si Ivy para kay Deanna.

Sa kabila naman ng pambabatikos na natanggap ng relasyon sa relasyon nina Deanna at Ivy, deadma at  tila walang pakialam ang dalawa. Hindi nila pinapatulan ang mga pinagsasabi ng mga ito. Subalit, mukhang hindi na kinaya ng ina ni Ivy Lacsina ang mga nababasang batikos at kung ano-ano pa tungkol sa kanyang anak.

Sa ibinahaging pahayag ng ina ni Ivy gamit ang Instagram account nito, sinabi niyang sana ay irespeto ng ibang mga fans ni Deanna ang kanyang anak. Hindi naman din umano ipinagpipilitan gustuhin ng mga ito ang kanyang anak, ang tanging hinihiling lamang niya ay pagrespeto.

"To all the fandoms that support Ivy and Deanna, I only ask for respect. I am not asking you all to like my daughter for Deanna and if you don't like her as Ivy, please just respect her as a person.


Also, to the fandom that I interact with, I am asking you to respect my daughter who you all judge. She has done nothing but to be a good and honest person to all of you. Stop judging Ivy and be real with us.

Again, I am not forcing you all to like my daughter for Deanna. You all don’t know what Ivy went through just for Deanna to be accepted in my family. My family did not ask or receive any single penny from Deanna.

RESPECT is what I am asking from you all."
 

Mababasa naman sa comment section ng nasabing Instagram post ang pagsang-ayon ng ilang mga netizens sa sinasabi ng ina ni Ivy. Hiling nila sa iba pang supporter ni Deanna na respetuhin din si Ivy. Tanggapin ito bilang bagong minamahal ni Deanna.

Ngunit tila may isang fan na hindi nakapagpigil at pinuna ang ina ni Ivy. Ayon sa kanyang komento, "Biglang sikat din simother. Real talk it's becoz of Deanna."

Agad naman itong sinagot ng ina ni Ivy, "Diko kailangan maging sikat ha!! Tigilan mo pag co-connect samin ni Deana Wong!!

Samantala, makikita ring nagkomento si Ivy at sinabing hayaan na lamang ang mga bashers. Muli naman itong sinagot ng ina na hindi naman siya namimili ng mamahalin ng anak ang importante lamang ay kaya siya ipagtanggol nito at ipaglaban sa lahat ng oras.

Yari! Sen.Bong Revilla Nagbitaw Nagsalita Kay Vhong Navarro Na Hindi Inaasahan Ng Publiko!

Walang komento


Sinusubaybayan pa rin hanggang ngayon ng mga netizens ang muling pagbubukas sa kaso ni Vhong Navarro na isinampa noon ni Deniece Cornejo.

Marami ang mga kumakampi kay Vhong Navarro at hinahangad na makalaya na ito, ngunit ang ilan naman ay nagnanais na malaman kung ano ang totoong nangyari noon at hinihintay na lamang ang paglilitis sa korte. Hiling ng lahat na manaig ang hustisya at maparusahan ang dapat maparusahan.

Matapos ang mahigit walong taon ipinag-utos ng Court of Appeals na muling buhayin ang kaso ni Vhong Navarro na dating ibinasura ng Department of Justice dahil sa kawalan ng probable cause. Sa muling pagbubukas ng kaso, labis na nadismaya at nalulungkot si Vhong Navarro dahil tila nabaliktad na siya at siya ang lumalabas na dehado.

Samantala, maging ang Senador na si Sen. Bong Revilla Jr. ay nagbigay ng opinyon tungkol sa kinakaharap ngayon ng aktor. Ayon sa kanya, kung totoong may ginawang kasalanan itong si Vhong Navarro ay nararapat lamang na managot ito sa batas, ngunit kung inosente ito ay napakasakit. Napakasakit umanong madiin sa kasong walang kinalaman kagaya na lamang umano sa nangyari sa kanya.

Hindi umano biro ang mga pinagdadaanan sa loob ng kulungan habang patuloy na nililitis ang kaso. Panawagan din ng senador na sana'y maging mabilis ang paglilitis upang lumabas kaagad ang katotohanan.



Batikang Aktor-May Mensahe Tungkol Sa Naudlot Na Partnership Deal Ng ABSCBN at TV5!

Walang komento


Positibo pa rin ang pananaw ng Kapamilya aktor na ito sa kabila ng pagkaka-udlot ng parnership sa pagitan ng ABS-CBN at TV5.

Ang Kapamilya actor na ito ay nagpaalam din sa ABS-CBN Management na gagawa siya ng isang colab series sa GMA7. Pinayagan naman siya ng ABS-CBN's management. Samantala mula sa darating na September 30, 2022, mapapanood muli si Dominic Ochoa sa ABS-CBN's IwanTFC original series sa season 3 ng romantic-comedy na Hoy Love You na pinagbibidahan nina Joross Garca at Roxane Ginoo.

Sa naganap na mediacon screening ng nasabing series kamakailan, nagbigay ng madamdaming mensahe si Dominic Ochoa sa lahat ng mga Kapamilya artists at followers, tungkol sa pagkaka-udlot ng partnership sa pagitan ng ABS-CBN at TV5.

"Baka may magandang plano ang Dios para sa atin, so let's just wait for it, let's continue praying, not just for us but all of you guys, na magandang kinabukasan para sa lahat."



Matapos Umalis Sa GMA Ni Derek, Si Piolo Pascual Sa Papalit?

Walang komento


 Sa isang panayam kay Piolo Pascual sa isang press conference, naitanong sa aktor kung papayag ba siyang gumanap sa isang drama series na collaboration ng GMA7 at ABS-CBN.

"Of course, I mean to support and to help, and to be a part of the evolution in our Industry," sagot ni Piolo.

Dagdag pa ni Piolo, na-open siyang gumanap sa isang serye o gumana ng show kahit ano mang network ang magproduce. Lalong-lalo na kung ipinag-uutos ng ABS-CBN dahil ito ang kanyang home network.

Sa huli sinabi ni Piolo na mananatili siya sa Kapamilya channel dahil ito na ang itinuturi niyang tahanan sa showbiz.

Donita Rose Ikinasal Na Sa Boyfriend Na Si Felson Palad!

Walang komento


September 24, 2022 araw ng Sabado masayang ibinahagi ng aktres na si Donita Rose na nagpakasal na sila ng boyfriend na si Felson Palad.

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Donita sa kanyang Instagram account ang ilang mga larawang kuha muli sa naganap nilang kasal.

"Surely your goodness and unfailing love will follow me all the days of my life, and I will dwell in the house of the LORD forever."

Base sa mga ibinahaging larawan, makikitang isang intimate garden wedding ang naganap. Naroon naman ang kani-kanilang mga kaanak at ilang malalapit na kaibigan. Hindi naman nawala sa nasabing event ang anak ni Donita na si Joshua Paul.

Matatandaang noong May 30, 2022 inanunsyo ng dalawa ang kanilang engagement. Ikinuwento din ni Felson na noong January na may isang Christian Missionary na nagnanais na ipagdrive niya sa isang lugar. Hindi umano niya alam na kasama ng nasabing missionary si Donita. Na love at first sight naman umano siya kay Donita dahil wala itong arte sa pagkain sa harapan niya.

Inamin din ni Felson na noon paman ay crush na niya si Donita, noong naging MTV DJ ito sa Singapore. Inaya ng binata si Donita na magdate upang magkakakilala silang mabuti. Parehong nakabase sa Los Angeles, California sina Donita Rose at Felson Palad.

Manay Lolit Solis Nagalala Sa Kalagayan Ni Vhong Navarro Matapos Makulong!

1 komento


Naglabas ng opinyon hinggil sa pagkakakulong ngayon ni Vhong Navarro ang sikat na veteran showbiz columnist na si Manay Lolit Solis. 

Ayon kay Manay Lolit sa ipinalabas niyang pahayag gamit ang kanyang Instagram account, "Nakakaawa aside from nakakahinayang iyon nangyari kay Vhong Navarro, Salve. Isang malaking aral sa mga stars natin. Kailangan maingat sa mga desisyon. Single si Vhong ng maganap ang sinasabing insidente ni Denice. Pareho silang young and available, kaya puwede naman siguro sabihin na baka mutual ang feeling nila nuon sa isa't isa. For whatever reason sana hindi humantong sa ganitong pangyayari ang lahat. Sana naging maayos at maganda ang naging pag uusap. Ang laking bagay ang mawawala kay Vhong Navarro. Nasa itaas ang kanyang career sa kasalukuyan, masaya ang kanyang private life, pero heto nga, nangyari ang hindi inaasahan. Sayang dahil kahit ano pa sabihin mas malaki ang mawawala kay Vhong. Kung anuman ang relasyon o nagawa niya nuon , ibang Vhong Navarro na ngayon . Masaya na ang buhay niya sa sariling pamilya. At kung kelan tahimik saka dumating ang ingay na ito. Kahit ano pa ang mangyari, sana naman maayos ito. Kawawa naman ang pamilya ni Vhong na umaasa sa kanya, siya ang sandalan ng kanyang pamilya. Sana naisip din ng marami kung ano na ngayon ang mangyayari sa pamilya ni Vhong. At sana din maayos ang lahat, sabi nga, lahat deserves a second chance in life, at isa si Vhong Navarro sa dapat bigyan nito. Wishing you the best sa laban mo sa buhay Vhong. Sana maayos mo ito."



Labis na naawa ngayon si Manay Lolit Solis sa pamilya ni Vhong Navarro na umaasa sa kanya. Ipinunto din ni Manay na everybody deserves a second chance at isa si Vhong sa nararapat na mabigyan nito. Ipinapanalangin din niya ang pagkakalaya ng aktor-TV host.

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo