Sunod-Sunod Ang Inilabas Ngayon Ni Skusta Clee, Tungkol Kay Zeinab Harake!

Lunes, Setyembre 26, 2022

/ by Lovely


Muling umingay ngayon sa social media ang mga pangalan nina Skusta Clee at Zeinab Harake, matapos ang tila muling pagpapatama ni Skusta sa dating partner na si Zeinab Harake.

Ayon sa post ni Skusta Clee, "Nagloko ka din naman ah! Hindi ka nga lang umamin!"



Bagama't walang sinabi si Skusta Clee kung sino ang kanyang pinapatungkulan sa nasabing post, hinala pa rin ng mga netizens na para kay Zeinab ito.

Makalipas ang ilang oras, umani kaagad ang nasabing post ng samu't-saring opinyon at komento mula sa mga netizens. May ilang hindi nagustuhan ang mga pinagsasabi ni Skusta Clee at sinasabing nagpapapansin na naman ito.

Tila hindi pa nakuntento si Skusta at muling nagpost. Ayon sa kanya, "Hindi toxic mga fans ko.. mga palamunin lang mga galit sakin. Hinding hindi ko tuturuan mang-hate sila ng tao. MUSIC LANG!"

Muli hindi nagustuhan ng ilang mga netizens ang tila pagpaparinig muli ni Skusta Clee kay Zeinab. Ayon sa kanila, tila gumagawa na lamang ng isyu si Skusta Clee para muling mapag-usapan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo