Gal!t Na Ang Ina Ni Ivy Lacsina!! Deanna Wong, Hindi Maipagtanggol Si Ivy Laban Sa Mga Bash3rs?!

Saturday, September 24, 2022

/ by Lovely


Usap-usapan ngayon sa iba't-ibang social media platforms ang umano'y sentimento ng ina ni Ivy Lacsina patungkol sa patuloy na pambabatikos sa kanyang anak.

Matatandaang mula nang isinapubliko nina Ivy at Deanna ang kanilang relasyon, umaani na ito ng smau't saring reaksyon at komento ng mga tagahanga ni Deanna. Natuwa naman ang ilan sa pagkakatagpo ni Deanna ng panibagong pag-ibig ngunit hindi naman naiiwasang may mga hindi sumang-ayon at tila hindi gusto si Ivy para kay Deanna.

Sa kabila naman ng pambabatikos na natanggap ng relasyon sa relasyon nina Deanna at Ivy, deadma at  tila walang pakialam ang dalawa. Hindi nila pinapatulan ang mga pinagsasabi ng mga ito. Subalit, mukhang hindi na kinaya ng ina ni Ivy Lacsina ang mga nababasang batikos at kung ano-ano pa tungkol sa kanyang anak.

Sa ibinahaging pahayag ng ina ni Ivy gamit ang Instagram account nito, sinabi niyang sana ay irespeto ng ibang mga fans ni Deanna ang kanyang anak. Hindi naman din umano ipinagpipilitan gustuhin ng mga ito ang kanyang anak, ang tanging hinihiling lamang niya ay pagrespeto.

"To all the fandoms that support Ivy and Deanna, I only ask for respect. I am not asking you all to like my daughter for Deanna and if you don't like her as Ivy, please just respect her as a person.


Also, to the fandom that I interact with, I am asking you to respect my daughter who you all judge. She has done nothing but to be a good and honest person to all of you. Stop judging Ivy and be real with us.

Again, I am not forcing you all to like my daughter for Deanna. You all don’t know what Ivy went through just for Deanna to be accepted in my family. My family did not ask or receive any single penny from Deanna.

RESPECT is what I am asking from you all."
 

Mababasa naman sa comment section ng nasabing Instagram post ang pagsang-ayon ng ilang mga netizens sa sinasabi ng ina ni Ivy. Hiling nila sa iba pang supporter ni Deanna na respetuhin din si Ivy. Tanggapin ito bilang bagong minamahal ni Deanna.

Ngunit tila may isang fan na hindi nakapagpigil at pinuna ang ina ni Ivy. Ayon sa kanyang komento, "Biglang sikat din simother. Real talk it's becoz of Deanna."

Agad naman itong sinagot ng ina ni Ivy, "Diko kailangan maging sikat ha!! Tigilan mo pag co-connect samin ni Deana Wong!!

Samantala, makikita ring nagkomento si Ivy at sinabing hayaan na lamang ang mga bashers. Muli naman itong sinagot ng ina na hindi naman siya namimili ng mamahalin ng anak ang importante lamang ay kaya siya ipagtanggol nito at ipaglaban sa lahat ng oras.

No comments

Post a Comment

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo