Lagot Na! Gerald Anderson Nahuling Nag-Komento Sa Larawan Ni Bea Alonzo!

Martes, Setyembre 27, 2022

/ by Lovely


Kamakailan lamang ay inamin ng aktres na si Julia Barretto ang katatagan at estado ng kanilang relasyon ng aktor na si Gerald Anderson. Kahit pa umano ay napupuno sila ng pang-iintriga nananatiling matatag ang kanilang relasyon.

Matatandaang sinabi pa ni Julia sa panayam sa kanya ni Karen Davila na binibigyan umano siya ni Gerald ng sense of security. Nararamdaman din umano niya na safe siya at hinding-hindi siya lolokohin ng aktor. Sa kabila ng pamababatikos sa kanila ng mga bashers patuloy pa rin nilang pinapatunayan na matatag sila.

Ngunit, tila may napansin ang mga netizens kay Gerald Anderson. Spotted umano ang komento ng aktor sa larawan ng ex-girlfriend na si Bea Alonzo. Usap-usapan ngayon ang pagkomento ni Gerald sa post ni Rayver Cruz na isang litrato kung saan kasama nito si Bea Alonzo, Julie Anne San Jose at Dingdong Dantes.

Bagama't burado na sa kasalukuyan ang komentong ito ni Gerald nakunan naman agad ito ng screenshots ng ilang netizens. Ayon sa komento ng aktor, "Without me?"



Agad naman itong umagaw sa atensyon ng ilang mga netizens at umani ng samu't-saring mga komento. Ayon sa ilang mga netizens tila hindi pa rin natitiis ni Gerald ang dating nobya na si Bea Alonzo. Tinawag naman ng ilan ang pansin ni Julia Barretto at sinabing nasaan na ang sinasabi niyang hindi siya binibigyan ni Gerald ng rason para mag-alala.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo