Yari! Abogado Ni Vhong Navarro May Isisiwalat Sa Publiko Na Ikagugulat Ng Lahat!

Lunes, Setyembre 26, 2022

/ by Lovely


Palaisipan pa rin hanggang ngayon kung bakit tila nabaliktad ngayon ang sitwasyon nina Vhong Navaroo at Deniece Cornejo. Matatandaang nanalo ang kampo ni Vhong Navarro noon dahil naibasura ang kasong isinampa ni Deniece Cornejo.

Samantala, naninindigan pa rin ang abogado ni Vhong Navarro na si Alma Malongga na anuman ang mangyari lalabas pa rin ang katotohanan na inosente si Vhong Navarro.

Pagsisiwalat ni Atty., "Di ba dinala siya sa Police Station, sinabing pang-ano lang ito. Tamang leverage para hindi ka magsumbong. Ilalagay natin na ikaw ay nag-confess, na mayroon kang ginawa pero buburahin natin 'yan pag nagbayad ka. Huwag kang magsumbong."

Ang tinutukoy ni Atty. Alma ay noong nagpabloter si Deniece noong January 2014. Ginamit umano nina Deniece at Cedric ang Police Blotter  bilang palusot sa kanilang ginawa kay Vhong Navarro.

Matatandaang nagfile din ng kaso si Vhong Navarro sa NBI laban sa grupo nina Deniece Cornejo at Cedric Lee ng Grave Coercion at Serious Illegal Detention. Nahatulan naman noong July 2018 si Deniece Cornejo dahil napatunayang pinilit nila ang aktor na pirmahan ang Police Blotter.

Samantala, hanggang ngayon ay ongoing pa rin ang kasong Serious Illegal Detention laban kay Deniece Cornejo na isinampa noon ni Vhong Navarro.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo