Julia Barreto Matatahimik Na, Dennis Padilla Kinast*Go Umano Ng Kanyang Mngr.!

Sabado, Setyembre 24, 2022

/ by Lovely

 


Habang kasalukuyang abala si Julia Barretto para sa kanyang bagong proyekto, usap-usapan ngayon ang umano'y pagpapatahimik kay Dennis Padilla.

Sa naging latest episode ng Showbiz Now Na nina Cristy Fermin at Romel Chika, inamin ni Cristy Fermin na may nagsabi sa kanyang source na tinawagan umano ni Victor Rosario si Dennis Padilla upang tigilan na ang pagpopost sa social media.

Ayon kay Cristy, kinausap umano si Dennis sabay ang pagkastigo rito sa tila panghaharas nito sa kanyang anak sa social media. Ito rin umano ang dahilan kung bakit binura ni Dennis ang kanyang mga post tungkol sa anak na si Julia Barretto.

Kasalukuyang nasa Siquijor naman ngayon si Julia Barretto at nag-eenjoy sa filming ng kanyang proyekto.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo