Sweet Moments Ni James Reid Kasama Sina Kelsey Merritt at Nancy Mcdonnie!

Lunes, Setyembre 26, 2022

/ by Lovely


Kumakalat at usap-usapan ngayon ang mga larawan nina James Reid at Filipino-American Model na si Kelsey Merritt.

Si Kelsey Merritt ay unang nakilala sa isang fashion show ng Victoria's Secret. Kamakailan lamang ay kumalat ang mga larawan nina James at Kelsey sa isang parking lot. Makikita sa nasabing mga larawan na tila napaka-close nila sa isa't-isa.

Agad na umani ng samu't-sarin komento at reaksyon mula sa mga netizens ang nasabing photos. Ayon sa ilang mga netizens si Kelsey ang bagong girlfriend ni James Reid. Ang iba naman ay nagsasabing for publicity lamang ang kanilang ginagawa dahil sa kanilang upcoming project.

Matatandaang naunang kumalat ang mga larawan ni James kung saan si Nancy Mcdonnie naman ang kanyang kasama. Makikitang sweet sila sa mga nasabing photos ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon kung ano ang kanilang relasyon.

Ngayong si Kelsey naman ang kasama ng aktor, napapaisip din ang ilang mga netizens na baka ito ang karelasyon ng aktor. Samantala, wala namang ipinakilalang nobya ang aktor sa publiko matapos ang naging hiwalayan nila ng aktres na si Nadine Lustre.

Sa kasalukuyan ay walang pang ipinalabas  na official statement si James Reid at si Kelsey Merritt tungkol sa kumakalat nilang mga larawan sa parking lot.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo