Pambab*stos Kay Skusta Clee Sa Isang Event, Muli Nanaman Viral!!

Lunes, Setyembre 26, 2022

/ by Lovely


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang muling pambabastos kay Skusta Clee habang nasa isang event.

Habang nagpeperform, inaya ni Skusta ang mga manonood na kumanta kasabay niya. Ngunit hindi siya pinagbigyan ng mga manonood kaya napahiya siya. Tila hindi na kinaya ni Skusta Clee ang ipinaakitang kabastusan umano ng mga manonood kaya napa-iyak na lamang ito.

Muli namang nagtrending si Skusta Clee dahil sa pambabatikos sa kanya. Tila nakuha naman ni Skusta Clee ang simpatya ng ilang mga netizens. May ilang naawa na sa rapper dahil sa pambabatikos na nararanasan nito ngayon.

Ayon sa isang netizen, naaawa na siya sa nararanasang pambabastos ngayon ni Skusta Clee. Nakapag-move on at nanahimik na si Zeinab ngunit bakit hindi pa rin nakakamove on ang iba. Bagama't naging cheater noon si Skusta, labas na umano tayo sa isyu nila. Libre naman ang nasabing concert at nagperform si Skusta para sa lahat ngunit pambabastos natanggap nito.

Sa huli sinabi rin ng netizen na lahat naman ay maaaring magbago kapag nabigyan ng chance. Paano pa umano magbabago si Skusta gayung bawat galaw niya ay pinabatikos at hinuhusgahan na siya ng ibang mga tao.



Samantala, naglabas naman ng pahayag si Skusta gamit ang kanyang social media account at sinabing, "Hindi toxic mga fans ko.. mga palamunin lang mga galit sakin. Hinding hindi ko tuturuan mang-hate sila ng tao. MUSIC LANG!"

Tila itinanggi naman ni Skusta ang isyu na siya ay nabastos at napa-iyak sa concert. Aniya sa kasunod na post, "Hindi ako nabastos! Saya kaya namin! Saka di uubra sakin bastusin ako kasi may lilipad na mic sa mukha mo pag nagkataon."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo