Yari! Isiniwalat at Pinangalanan Ang Tumulong Kay Deniece Cornejo Para Madiin Si Vhong!

Martes, Setyembre 27, 2022

/ by Lovely


Usap-usapan pa rin hanggang ngayon sa social media ang umano'y pagbasura sa inihaing Motion for Reconsideration ng kampo ni Vhong Navarro upang muli ay pansamantalang makalaya ito habang nililitis ang kanyang kaso.

Marami naman sa mga tagasuporta ng aktor ang lalong nalungkot sa sinapit ngayon ni Vhong Navarro. Ayon sa kanila, talagang nabaliktad na ang sitwasyon at tila si Deniece Cornejo na ang mas pinapanigan ng korte.

Matatandaang, naibasura na noong ang mga kasong isinampa ni Deniece laban kay Vhong Navarro noong 2014. Ngunit matapos ang mahigit walong taon ay ipinag-utos ng Court of Appels na muling buksan ang kaso.

Samantala, usap-usapan ngayon sa social media kung sino ang nasa likod ng muling pagbubukas ng kaso ni Deniece laban kay Vhong Navarro. Marami kasi ang mga nagtataka matapos ang mga naging pahayag ni Deniece noon na halata naman umanong tila gumagawa lamang ng kwento.

Matatandaang makikita sa mga CCTV footages na hindi naman nagtagal sa condo unit ni Deniece si Vhong at kaagad ng bumaba kasama ang grupo ni Cedric Lee. Maging si Sen. Raffy Tulfo ay hindi umano makapaniwala na muling mabuksan ang kaso matapos ang mahabang panahon.



Ayon umano kay Sen. Raffy Tulfo, ang mga usaping ito ay hindi dapat pang pagtuunan ng pansin dahil malinaw naman kung sino ang nagsasabi ng katotohanan. Samantala, ayon sa aming nakalap na impormasyon patuloy ang pag-iimbestiga ng kampo ni Vhong Navarro sa pagtutukoy kung sino ang nasa likod ng muling pandidiin sa kanya sa mga kasong isinampa ni Deniece.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo