Barbie Forteza May Inamin Tungkol Relasyon Nila Ni Jak Roberto!

Sabado, Setyembre 24, 2022

/ by Lovely


Binigyang linaw ni Barbie Forteza sa isang panayam ang napapabalitang isyu ng hiwalayan nila ng boyfriend na si Jak Roberto. 

Naitanong sa isang panayam si Barbie Forteza hinggil sa kumakalat na haka-haka na "JakBie No more" o naghiwalay na sila ng nobyong si Jak Roberto. Bagama't nagulat ay sinagot ni Barbie ang nasabing katanungan.

Ayon sa Kapuso actress, hindi umano siya na-inform hinggil sa issue. Maayos umano ang kanilang pagsasama ni Jak sa katunayan ay nagkasama pa sila. Pagbibiro pa ng actress, wala pang sinasabi si Jak na maghiwalay na sila.

Ibinahagi pa ni Barbie kung gaano ka-hands on si Jak bilang ninong sa kanyang pamangkin na si Jimi. Nauna umanong dumating ang kapatid ni Barbie mula sa US, bago ang kanyang leave kaya naman si Jak muna ang umasikaso sa mga ito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo