Vhong Navarro Kinausap Ni Billy Crawford, Hindi Kinalimutan at Inalayan Ang Pagkapanalo!

Martes, Setyembre 27, 2022

/ by Lovely


Nananatili pa rin ang pagkakaibigan nina Vhong Navarro at Billy Crawford sa kabila ng matagal na panahon na hindi sila nagkikita.

Sa kasong kinakaharap ngayon ni Vhong Navarro, tila hindi napigilang mag-alala ni Billy para sa kaibigan. Sa latest update nina Ogie Diaz sa kanilang YouTube Channel ibinahagi nilang bago kunin ang cellphone ni Vhong ay naka-usap pa nito si Billy Crawford.

Bukod sa pagpapalakas ng loob ni Vhong Navarro ay iniaalay din umano ni Billy ang kanyang pagkapanalo rito.

Samantala, ibinulgar din ni Ogie Diaz na may isang kaibigang hiningan ng tulong ni Vhong ngunit ipinasa lamang siya sa ibang tao. Hindi na din umano pinapansin pa ang mensahe ng aktor.

Maging si Cristy Fermin ay nalungkot din matapos hindi na aprubahan ang inihaing Motion for Reconsideration ng kampo ni Vhong.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo