Donita Rose Ikinasal Na Sa Boyfriend Na Si Felson Palad!

Sabado, Setyembre 24, 2022

/ by Lovely


September 24, 2022 araw ng Sabado masayang ibinahagi ng aktres na si Donita Rose na nagpakasal na sila ng boyfriend na si Felson Palad.

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Donita sa kanyang Instagram account ang ilang mga larawang kuha muli sa naganap nilang kasal.

"Surely your goodness and unfailing love will follow me all the days of my life, and I will dwell in the house of the LORD forever."

Base sa mga ibinahaging larawan, makikitang isang intimate garden wedding ang naganap. Naroon naman ang kani-kanilang mga kaanak at ilang malalapit na kaibigan. Hindi naman nawala sa nasabing event ang anak ni Donita na si Joshua Paul.

Matatandaang noong May 30, 2022 inanunsyo ng dalawa ang kanilang engagement. Ikinuwento din ni Felson na noong January na may isang Christian Missionary na nagnanais na ipagdrive niya sa isang lugar. Hindi umano niya alam na kasama ng nasabing missionary si Donita. Na love at first sight naman umano siya kay Donita dahil wala itong arte sa pagkain sa harapan niya.

Inamin din ni Felson na noon paman ay crush na niya si Donita, noong naging MTV DJ ito sa Singapore. Inaya ng binata si Donita na magdate upang magkakakilala silang mabuti. Parehong nakabase sa Los Angeles, California sina Donita Rose at Felson Palad.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo