Julia Montes Nagpakita Na Sa Publiko, Nanganak Na Daw!

Lunes, Setyembre 26, 2022

/ by Lovely


Matapos ang bali-balitang nagbubuntis sa umano'y ikalawang anak nina Coco Martin si Julia Montes. Makalipas ang ilang buwan, lumantad na sa publiko ang aktres.

Matatandaan na huling namataan si Julia Montes sa Thanksgiving party ng cast ng Ang Probinsyano na naganap noong August 14, 2022. Napansin ng mga netizens noon ang tila pagtaba ni Julia at bagama't pilit tinatakpan makikita pa ring tila lumaki ang kanyang tiyan.

Ang pagbubuntis ni Julia ang tinuturong dahilang kung bakit noong June, bigla na lamang nawala ang karakter ni Julia sa nasabing serye at nagpakita na lamang sa pagtatapos nito. Madalas rin noong napag-uusapan sa show nina Cristy Fermin ang pagdadalantaon ng aktres. Malaki ang paniniwala ni Cristy na totoo ang chismis dahil nagmula umano ito sa isang reliable source.

Subalit noong linggo September 5, sinupresa ni Julia ang mga netizens matapos mamataang hindi buntis. Nagpost rin ng isang update ang CornerStone Entertainment ng mga larawan ng aktres kasama ang kanyang mga katrabaho sa kanyang bagong project.

Caption ng Cornerstone sa kanilang post, "Nagsimula na si Julia Montes mag immersion training para sa "TOPAKK", ang inaabangang action thriller film ni Direk Richard Somes."



Ayon sa nasabing post action thriller ang proyektong ito ni Julia, kaya naman sa pagtanggap nito ng ganitong role tila nagpapaliwanag lamang na hindi siya nagbubuntis.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo