Just in ! James Reid Spotted Hinahalikan Ang Modelong Si Kelsey Merritt !! New Girlfriend ?

Walang komento

Sabado, Setyembre 24, 2022


Muling naging usap-usapan ngayon sa social media ang actor, talent manager na si James Reid matapos kumalat ang mga larawan nila ng modelong si Kelsey Merritt.

Namataan ang aktor na si James Reid na hinahalikan si Kelsey sa isang parking lot. Kasalukuyang nasa Los Angeles ang dalawa.



Samantala ayon sa ilang mga netizens, karaniwang pagbati lamang ang ginawa ng aktor kay Kelsey. Matatandaang na-issue na noon si James dahil sa pakikipagbeso-beso nito sa isang lalaki. Ilang beses na ring nalink sa iba't-ibang babae si James nitong mga nakaraang linggo. Kabilang sa mga ito ay si Nancy, na mula sa sikat na South Korean group na Momoland. Iniisyu rin si James sa kanyang talent na si Liza Soberano.

Bea Alonzo Mainit Na Sinalubong Ng Mga Fans Sa Amerika!

Walang komento

Biyernes, Setyembre 23, 2022


Mainit na sinalubong ang aktres na si Bea Alonzo ng kanyang mga fans sa California.

Makikita naman ang tuwa at saya sa mukha ni Bea sa ilang mga larawang ibinahagi sa social media.     Kasama ni Bea sa trip to California ang ilan pang Kapuso Star na sina, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz at Dingdong Dantes para sa Pinoy Concert.

Sa darating na September 24 - 25, 2022 gaganapin ang Together Again. Tampok sa dalawang concert ang Power House cast na pinangungunahan ni Bea Alonzo. Kasama niya rito sina Ai Ai Delas Alas, Lani Misalucha, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz at Dingdong Dantes.

Tiyak na mag-eenjoy ang ating mga kababayan sa Amerika sa kanilang musical performances ng mga nabanggit na artista.


Kutsara at Tinidor Sa Damit Ni Heart Evangelista Para Sa Milan Fashion Week Nag-Viral!

Walang komento


Muling pinagkakaguluhan sa Milan Fashion Week ang Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista.

Kabi-kabila ang mga nagpapapicture sa kanya at tila hindi na nito alam kung saan unang titingin. Sa isang video na ibinahagi nito sinabi niyang, "adobo at extra rice please". Ito ay dahil sa design ng kanyang damit na may tinidor at kutsara.

Muling pinatunayan ni Heart na hindi siya nahuhuli sa mga international models sa larangan ng Fashion.



Asawa Ni Vhong Ipapakulong Na Rin Ni Deniece Cornejo!

Walang komento


Dahil sa pagpapa-interview ni Tanya Bautista Navarro, misis ni Vhong Navarro, naghahanda na ng isasampang kaso ang kampo ng dating modelo na si Deniece Cornejo.

Naghahanda na ng isasampang kaso laban sa maybahay ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista si Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Deniece Cornejo.

Ayon sa Twitter account ni Atty. Topacio na YesYesYo, "Now preparing contempt charges against Atty. Alma Mallonga and Vhong Navarro's wife for making statements that are sub judice in nature. We will not sit idly by while some people again make a mockery of justice by having another trial by publicity. THEY WILL BE HELD LIABLE!"



Base sa naging pahayag ni Atty. Topacio, ang kasong isasampa nila sa asawa ni Vhong ay tungkol sa mga binitawan nitong pahayag sa media sa kanyang interview kamakailan. Tungkol sa pagpapalipat kay Vhong sa Taguig City Jail mula sa NBI Detention Center.

Nagpa-interview si Tanya sa media nitong mga nagdaang araw upang magbigay ng update hinggil sa kalagayan ng mister niya at sa kanilang pamilya. Ibinahagi rin niya ang ilang susunod n hakbang na tatahakin nila kaugnay sa kinakaharap na kaso ni Vhong.

Nabanggit din ni Tanya na natatakot siya sa kaligtasan ng kanyang asawa sa oras na maililipat ito sa Taguig City Jail dahil manganganib umano ang buhay nito roon.

Giit ni Atty. Topacio, walang basehan ang mga pinagsasabi ng asawa ni Vhong na may banta sa buhay ng aktor sa Taguig City Jail.

Agad namang sumang-ayon ang ilang mga followers ni Atty. Topacio. Ayon kay Tatang Onyok, dapat na umanong tigilan ang ganitong practice ng lawyers. Dagdag pa niya kailangan umanong ma disbarred si Atty. Alma upang maging leksyon sa iba pang mga abogado.

Itatali Na!Julia Barretto Sigurado Na at Handa Ng Magpakasal Kay Gerald Anderson!

Walang komento


Mainit pa ring pina-uusapan si Julia Barretto sa social media matapos ang kanyang interview kay Karen Davila.

Binigyang sagot ni Julia ang samu't-saring isyu na ibinabato sa kanya kagaya na lamang sa relasyon nilang mag-aama at ang relasyon nila ng kanyang nobyong si Gerald Anderson.

Taliwas sa mga kumakalat na balita, maayos at nananatiling matatag ang relasyon nila ni Gerald Anderson.

"Sa news, every months, that's the situation. No, we haven't broken up. I think that's a sign na we're really able to protect our relationship and keep it private. I don't think I'll get into a relationship with somebody na I don't trust. I do trust him and he shows me that every single day, there's just no reason for me to doubt."



Malaki umano ang paniniwala ni Julia na hinding-hindi siya lolokohin ni Gerald Anderson. Sa tanong naman kung kailan sila magpapakasal ay sinabi ni Julia hindi siya ang nararapat magbigay ng detalye ukol dito. Sinabi na lamang ng aktres na mangyayari ang kanilang pagpapakasal sa tamang panahon.

Robin Padilla Gumawa Ng Kasulatan Para Makalaya Si Vhong Navarro?

Walang komento


Labis na disappointment ang nadadarama ngayon ng act-TV host na si Vhong Navarro matapos makulong dahil sa kasong matagal na umano niyang napanalo.

Ayon kay Vhong, siya na nga ang naging biktima noon, siya pa ang nadedehado ngayon sa mga kasong hindi naman niya ginawa. Muling naging laman ng usap-usapan si Vhong Navarro matapos ipag-utos ng Court of Appeals na muling buksan ang kaso.

Matatandaang kusang sumuko si Vhong Navarro sa NBI matapos maissue ang arrest warrant laban sa kanya sa kasong Act of Lasciviousness. Nagpyansa ang aktor sa halagang 36,000 ngunit hindi pa rin ito nakauwi dahil muling lumabas ang warrant of arrest sa pangalawang kaso na rape na isinampa pa rin ni Deniece.

Samantala, nangangamba naman ang asawa ni Vhong Navarro na si Tanya sa kalagayan ng asawa matapos maissue ang ikalawang warrant kung saan hindi sila maaring makapagpyansa. Labis umano siyang nag-aalala sa kalagayan ni Vhong sa loob ng kulungan. 



Samantala, usap-usapang ngayon ang umano'y pagdalaw ni Sen. Robin Padilla kay Vhong Navarro sa kulungan upang kumustahin ito. Nais din umano itong tulungan ng Senador dahil naaawa siya rito at naniniwalang inosente ito. Naniniwala umano si Sen. Padilla na nagsasabi ito ng totoo dahil nakikita naman sa mga kuha sa CCTV na ito ang nabugbug ng grupo ni Deniece.

Wowowin Ni Willie Revillame-Zero Percent Ang Rating?

Walang komento


Mainit ngayon na pinag-uusapan sa social media ang show ni Kuya Will na Wowowin sa ALLTV.

May mga kumakalat ngayon na haka-haka kung saan hindi umano mataas ang rating ng Wowowin ni Willie Revillame sa AMBS2 ALLTV.

Ayon sa Urban TV Audience measurements ng isang market research dito sa Pilipinas, zero percent umano ang rating ng Wowowin ng AMBS noong September 15, 2022. Hindi naman ito nangangahulugan na walang nanonood ng Wowowin sa TV. Sadyang mababa lamang talaga umano ang rating nito.

Grabe! Willie Revillame Tutulungan Ulit Si Vhong Navarro Para Makalaya!

Walang komento


Labis na naaawa ang ilang mga netizens sa kalagayan ngayon ni Vhong Navarro. Kasalukuyang nakakulong ngayon ang aktor dahil sa muling pagbubukas ng mga kasong isinampa noon sa kanya ng modelong si Deniece Cornejo.

Matatandaang ibinasura na noon ng Department of Justice ang mga kasong ito na isinampa ni Deniece. Kaya naman marami ang nagulat sa muling pagkakabuhay nito matapos ang mahigit walong taon. Ang mas nakakagulat pa ay tila nabaliktad ang sitwasyon at tila si Vhong na ngayon na nadedehado.

Sa kabila ng mabigat na kasong kinakaharap ngayon ni Vhong, patuloy pa rin ang pagsusuporta ng kanyang pamilya, mga kaibagan at maging ng kanyang mga tagahanga. May mga haka-hakang kumakalat ngayon sa social media na handang tumulong kay Vhong Navarro ang Wowowin host na si Wilie Revillame.

Sa ipinalabas na pahayag ng showbiz columnist na si Cristy Fermin muli niyang binalikan ang pagtulong ni Willie Revillame kay Vhong Navarro nung maospital ito kasabay ng isyu nila Deniece. Ayon sa mga usap-usapan noon, nagbigay si Willie ng perang aabot sa isang milyon bilang tulong sa aktor.

Ngayon na muling nasa alanganing sitwasyon si Vhong Navarro naniniwala si Manay Cristy at ilang mga netizens na hindi pababayaan ni Willie si Vhong Navarro. Alam naman ng lahat na malapit sa isa't-isa sina Vhong Navarro at Willie Revillame. Bagama't hindi sila palaginng nagkaka-usap nanatili pa rin ang pagkakalapit nila sa isa't-isa.

Vhong Mabubulok Na Sa Kulungan Sa Dami Ng Nagreklamo!

Walang komento


Mainit pa rin pinag-uusapan ngayon sa social media ang pagkakakulong ni Vhong Navarro matapos ang muling pagbubukas ng mga kasong isinampa noon ni Deniece Cornejo laban sa kanya.

Ipinabubukas muli ng Court of Appeals ang mga kasong Act of Lasciviousness at Rape na inampa noon ni Deniece. Matatandaang ipinabasura ng Department of Justice ang mga nasabing kaso noong 2014 dahil sa lack of probable cause.

Matatandaan rin na hindi lamang si Deniece ang nagreklamo ng panghahalay laban kay Vhong Navarro. Noong 2014 ay naging usap-usapan sa social media at mga news outlets ang condo issue kung saan sangkot sina Vhong Navarro, Deniece Cornejo at Cedric Lee. Nagsampa ng reklamo si Deniece noong panahong iyon laban kay Vhong ngunit makalipas ang ilang buwan ay ibinasura ng Department of Justice sa pamumuno ng dating senador Leila De Lima. Ito ay sa kadahilanang hindi nakapagbigay si Deniece ng logical story kaya hindi nakakita ng probable cause para akusahan si Vhong Navarro at ipagpatuloy ang kaso.

Samantala noong August 2022 ay ipinag-utos ng Court of Appeals sa Department of Justice na kailangan muling ibukas ang kasong isinampa ni Deniece laban kay Navarro. Ayon sa CA walang basehan ang Department of Justice na ibasura ang kaso noon sa kadahilanang  hindi kapani-paniwala ang mga pahayag ng complainant.

Ilan pa sa nagakusang ng panghahalay kay Vhong Navarro ay ang dating beauty queen na si Roxanne Cabanero noong 2010. Ibinasura naman ng DOJ noong 2014 ang nasabing kaso sa pamumuno ni Leila De Lima dahil sa magulo nitong pahayag. Labis namang nakaapekto sa career ni Cabanero ang pagsampa ng kaso. Kung saan umalis ito bilang contestant ng Ms. World Philippines at humarap ng kaso dahil rito.

Noong 2014 ay kinasuhan ni Margarita Fajardo si Vhong Navarro. Hinalay umano siya ng aktor noong 2009 sa loob ng SUV. Ibinasura naman ng Prosecutors Office ng Quezon City ang reklamo ni Fajardo dahil sa kawalan ng probable cause.



Samantala, noong 2015 ay nagsulat ng isang open letter si Kat Alano kay Leila De Lima dahil sa hindi siya pinansin nito sa kanyang reklamo sa isang aktor na tinago niya sa #rhymeswithwrong dahil hinalay umano siya nito.

Angelica Panganiban Nanganak Na, Gives Birth to Blue Eyes Baby Girl!

Walang komento


Nanganak na ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban.

Masayang ibinalita ni Angelica Panganiban ngayong araw ng Byernes, September 23, 2022 na siya ay nanganak na sa unang baby nila ni Gregg Homan. Sa Instagram ibinahagi ni Angelica ang larawan ng mga mata ng kanilang baby girl. Kapansin-pansin ang kulay ng mga mata nito. Ang kanilang baby ay may blue eyes.

"Been waiting for you all my life. Amila Sabine Homan 9/20/2022." caption ni Angelica sa kanyang Instagram post.

Base sa caption ni Angelica, noong Martes September 20, niya isinilang ang kanilang unang baby ni Gregg Homan na pinangalanan nilang Amila Sabine Homan. Bukod sa larawan na nagpapakita ng mata ni Baby Amila Sabine ay wala pang ibang larawan ipinalabas ang mag-asawa.

Agad namang nagkomento ang ilang mga kaibigang celebrity ni Angelica. Bumuhos ang mga congratulatory message para sa aktres at sa asawa nitong si Gregg Homan.


Kris Aquino Ubos Na Daw? Mayamang Actor Pinapatira Si Kris Sa Mamahaling Bahay!

1 komento


Isang mayamang aktor nag-offer ng tulong kay Kris Aquino?

Matatandaang naiulat noon na may nakilala bagong kaibigan si Kris Aquino sa US. Tinutulungan umano nito ang Queen Of All Media sa kanyang pakikipaglaban sa kanyang mga sakit. Usap-usapan naman ngayon na may isang sikat at mayamang aktor ang nag-offer ng bahay para matirhan ni Kris habang nagpapagaling.

Welcome din umano sa nasabing bahay ang mga staff at mga anak ni Kris. Sa latest post naman ng writer-editor na kaibigan ni Kris ibinahagi niyang sa chat ni Kris sa kanya, inamin ni Kris na nahihirapan na siya sa kanyang pakikipaglaban sa kanyang auto-immune diseases.

"Inubos na ng Houston ang tapang ko," chat umano sa kanya ni Kris.

Ibinahagi rin ni Dindo ang sagot ni Kris sa kanyang pangungumusta. Bukod sa kanyang pangangamusta ipinaabot din umano niya kay Kris ang offer ng isang sikat at mayamang aktor. Hindi naman pinangalanan ni Dindo ang nasabing aktor for privacy purposes.

Dagdag pa ni Dindo na matagal nang gustong kuntakin ng nasabing aktor si Kris ngunit hindi nito alam kung papaano. Bagong bili pa lamang ng aktor at ng misis nito ang nasabing bahay sa Beverly Hills. Wala umanong naninirahan roon sa kasalukuyan.



Kilala ang Beverly Hills sa may mga magaganda at mamahaling bahay. Isa si Manny Pacquiao sa nakabili ng bahay roon sa halagang 12.5 million U.S dollar bilang regalo sa asawa nitong si Jinky.

Samantala, hindi pa umano alam ni Dindo kung tatanggapin ba ni Kris ang nasabing offer. Kinumpirma naman ni Dindo na tuloy parin ang treatments ni Kris.

Maris Racal Nahilo Sa Ginagawa Sa Kanya Ng Boyfriend Na Si Rico Blanco!

Walang komento


Kinakiligan ng kanilang mga tagahanga ang celebrity couple na sina Maris Racal at Rico Blanco matapos magbahagi ng isang video clip habang nakasakay sa isang duyan.

Kitang-kita sa nasabing video ang saya sa mukha ng magkasintahan habang nasa isang duyan sa tabi ng beach. Natatawa naman si Rico sa naging reaction ni Maris nang tumagal. Ayon kay Maris, nahihilo na siya at hindi na umano ito sweet.

"Happy birthday sweethear!" caption ni Rico sa kanyang Instagram post kalakip ang picture at nasabing video ni Maris.


Heart Evangelista Ipinasilip Ang Loob ng Kanyang Primera Klasse X Mark Bumgarner Van!

Walang komento

Huwebes, Setyembre 22, 2022


Ibinahagi ng Fashion icon na si Heart Evangelista ang kanyang bagong invest na van, ilang buwan pa lamang ang nakakalipas.

Sa Youtube vlog ng Kapuso actress at fashion icon, ipinakita niya sa publiko ang loob ng kanyang bonggang sasakyan na nakakaartista. 

"It is essential to what I do," ani Heart.

Lahat ng mga neccesities at needs ni Heart ay makikita sa loob ng kanyang van. May bonggang galaxy na nasa ceiling na maaring iba-ibahin ang kulay base sa anuman ang ninanais. Mayroon din itong cute na divider para maari siyang magkaroon ng privacy habang nagbabyahe. May bluetooth TV, DVD player. 

Mayroon din itong mini-drawer na maaring gawing table upang makakain. Sa likod naman ng van makikita ang isang mini sala, kung saan maaring matulog at magrelax. May maliit din itong vanity mirror kung saan nireretouch ng kanyang glam team ang aktres.

Mayroon din itong mini closet na nilalagyan ng aktres ng kanyang shoes at jacket. Ang pinakabonggan sa lahat ay ang chairs sa loob ng van ni Heart. May touch screen control ito para i-forward, set back. Mayroon din itong massage na maaring pagpiliian base sa kanyang ninanais.



Sen. Bong Revilla Jr. Naglabas ng Reaction! Nakikita Ang Sarili kay Vhong Navarro!

Walang komento


Nagbigay ng opinyon si Sen. Bong Revilla hinggil sa kinahaharap ngayong kaso ni Vhong Navarro sa isang panayam sa kanya.

Ayon kay Senador Bong Revilla, nakakarelate siya sa pinagdadaanan ngayon ng aktor, ang makulong nang wala namang ginagawang masama. Kung totoo man umanong may kasalanan ang aktor ay nararapat lamang na pagbayaran nito ang kanyang kasalanan. Ngunit kung hindi naman ay iyon ang masakit dahil non-bailable ang kasong rape. Ibig sabihin nakakulong si Vhong habang nililitis ang kanyang kaso.



Nanawagan din ang senador na sana ay mapadali ang paglilitis at kaagad na mabigyan ng hatol ang actor upang agad na makalaya kung sakaling mapatunayang inosente ito.

Matatandaang hindi na nakauwi si Vhong matapos sumuko sa NBI nang malamang lumabas na ang warrant sa kasong Act of Lasciviousness na isinampa ni Dennis. Handang magpyansa  si Vhong 36,000 ngunit hindi pa rin nakauwi dahil lumabas ang isa pang warrant para sa ikalawang kaso nito na rape.

Samantala trending ngayon sa social media ang #westandforvhongnavarro.

Dindo Arroyo Arestado Ng Mga Pulis Sa Binan Laguna!

Walang komento


Inaresto ang aktor na si Dindo Arroyo noong September 20, martes ng mga pulis sa Binan, Laguna bandang ala-sais ng gabi.

Ayon sa Facebook post ng Laguna Police Provintial Office noong myerkules, inaresto umano ang actor sa bisa ng warrant of arrest mula RTC Branch 101 Sta. Rosa Laguna. Noong September 15 pa umano lumabas ang arrest warrant laban sa aktor.

Si Dindo ay nahaharap sa dalawang counts ng cyber libel. Maari naman siyang magpyansa ng 10,000 pesos sa bawat kaso. Kasalukuyang nasa kustodiya ng BJMP ng Binan, City.

Samantala, hindi inilabas sa mga ulat kung sino ang nagsampa ng kaso laban sa aktor.

"LAGPIO-FB-0921-2022-65
Laguna PNP-PIO- OPERATION
Press Release
Wednesday, September 21, 2022
TV personality arestado sa inihaing warrant of arrest ng Biñan PNP
Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang Celebrity sa inihaing warrant of arrest ng Biñan PNP kahapon Setyembre 20, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO ang akusado na si Conrado Manuel Ambrosio II alias Dindo Arroyo , 61 anyos, male, single residente ng Brgy.Binan,Binan City,Laguna.
Sa inihaing warrant of arrest ng Biñan City Police Station ay naaresto ang akusado kahapon Setyembre 20, 2022 sa ganap na 06:00 ng gabi sa Brgy. Biñan, Binan City, Laguna sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Rosauro Angelito Sicat David, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 101, Santa Rosa City, Laguna na ipinag-uutos sa ating mga awtoridad na arestohin ang nasabing akusado ang nasabing warrant of arrest ay inilabas noong Setyembre 15, 2022.
Ang akusado ay nahaharap sa kasong RA 10175 o “Cybercrime Prevention Act of 2012” (2) counts na may pyansang inirekomenda nagkakahalagang Php 10, 000.00 bawat kaso.
Ang naarestong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng BJMP of Biñan City habang ang korteng pinagmulan ng warrant of arrest ay iimpormahan sa pagkaaresto ng akusado.
Ayon sa pahayag ni Police Colonel Silvio “Sa pagkaaresto ng akusado ipinapakita lamang na walang pinipili ang ating batas.”"



Kapamilya Aktor Na Sikat-Hiwalay Na Sa Kanyang Asawa?

1 komento


Kamakailan lamang ay nagbalik sa Pilipinas ang sikat na Kapamilya actor na si Jericho Rosales matapos ang ilang buwang pananatili sa New York kasama ang modelong asawa.

Subalit, kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang umano'y paghihiwalay nila ng kanyang modelong asawa. Kaya naman sa isang ambush interview sa aktor na si Jericho Rosales ay naitanong sa kanya kung maayos pa ba ang relasyon nila ng kanyang asawa na si Kim Jones.

Sagot naman ni Jericho na maayos ang naman ang kanilang relasyon. Pupunta din umano ito sa Paris para sa fashion week. Tinawanan lamang ni Jericho Rosales ang mga bali-balitang hiwalay na sila ng kanyang asawa.



Omg! Francine Diaz Umamin Na May Feelings Din Siya Kay Seth Fedelin!

Walang komento


Si Francine Diaz naman ang sumabak para sa lie detector test sa pagkakataong ito si Seth Fedelin mismo ang nagtatanong sa dalaga.

Matatandaang nauna nang sumalang sa lie detector test si Seth Fedelin ngunit sa pagkakataong iyon ay nasa audience lamang si Francine.

Sa ibinahaging video makikitang parehong kinakabahan ang dalawa.

"May chance ba na magkagusto ka sa akin?" tanong ni Seth.

"Nagtatanong lang diba," dagdag na pabulong ng binata.

Hindi naman agad nakasagot si Francine na lalong nagpakaba kay Seth Fedelin. Ayon pa sa binata, "Ang tagal sumagot, siguro nagdadalawang isip siya." Sa puntong iyon biglang sumagot si Francine ng isang yes na labis na ikinangiti ng aktor.

Agad namang nag-thumbs up ang techinician na nangangahulugang nagsasabi ng totoo ang dalaga.



Asawa Ni Vhong Navarro Na Si Tanya Humingi Ng Tulong Kay Idol Raffy Tulfo??

Walang komento


Tila hindi na napigilan ng asawa ng TV-host na si Vhong Navarro ang maging emosyunal dahil sa kinakaharap na pagsubok ngayon ng kanilang pamilya.

Mariing iginiit ni Tanya na inosente si Vhong Navarro at walang katotohanan ang mga ibinibintang nina Deniece at Kat. Ayon kay Tanya, sa kanya lamang nagkasala si Vhong at napatawad na niya ito sa paglipas ng panahon. Dagdag pa ni Tanya na sinikap ni Vhong Navarro na bumawi sa kanya at ipinakitang nagsisisi ito sa pagiging unfaithful nito noon sa kanya.

Naninindigan siyang lalaban para sa asawa hanggang sa dulo. Inamin din nito na hindi siya gaano kalakas ngunit kailangan niya maging malakas para sa kanilang pamilya lalong lalo na kay Vhong. Nagpapasalamat naman si Tanya sa lahat ng sumusuporta at naniniwalang inosente ang kanyang mister.



Venice & Ruffa Ready Na for Meeting up Yilmaz Bektas in Milan Italy + Pasyal & Shopping!

Walang komento


Kasalukuyang ini-enjoy ng mag-inang Ruffa Gutierrez at Venice Bektas ang kanilang vacation sa Italy.

Ibinahagi ng actress na si Ruffa Gutierrez ang kanilang ginagawa habang nasa Milan, Italy. Natutuwa naman ang mga tagahanga ni Ruffa sa nakakatuwang bonding nilang mag-ina.  Tawan-tawa si Venice habang nagpepretend na isang Itallian si Ruffa sa kanilang paglalakad.

Nagshopping din ang dalawa sa kanilang favorite brand ng shoes and bags sa Itally.

Ayon sa Instagram post ni Ruffa, "Living La Dolce Vita! 🇮🇹💋 Exploring the sights and sounds of Milan, with a bit of shopping on the side with @fiercedong ðŸ˜Ž#RuffaItalia #RuffasWorld"


Heart Evangelista Nakipagbalikan sa Kanyang Ex???

Walang komento


Matatandaang marami nang lumalabas na mga haka-haka tungkol sa umano'y hiwalayan nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero.

Dahil sa patuloy na pananahimik ng dalawa nagkaroon ng samu't-saring haka-haka ang mga netizens sa totoong rason sa kanilang hiwalayan umano.

Matatandaang naging usap-usapan noon sa social media na nabuntis umano ng senador ang secretary nito. Kasunod naman nito, lumabas ang balita ng pagkakaroon ni Heart ng Itallian boyfriend kaya nakikipagkalas na ito kay Chiz.

Ngayon, muli namang iniugnay ng ilang mga netizens ang pangalan ni Heart sa isang politician na nakarelasyon niya noon.

Ex-Wife Na Si Bianca Lapus Ipinagtanggol Si Vhong Navarro Kay Deniece Cornejo!

Walang komento


Dating asawa ni Vhong Navarro na si Bianca Lapus nagbigay ng pahayag hinggil sa pagkakakulong ni Vhong.

Nagbigay ng reaksyon at nagsalita na umano ang dating asawa ni Vhong Navarro na si Bianca Lapus. Tila ipinagtanggol nito ang dating asawa sa mga bintang ni Deniece Cornejo. Matapos ang muling pagkakaungkat ng kasong isinampa noon ni Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro agad na nagbigay ng reaction ang dating asawa ng aktor.

Ayon kay Bianca Lapus hindi siya naniniwalang masamang tao si Vhong Navarro, dahil naging maayos naman ang kanilang set-up bilang co-parent sa kanilang anak. Iginiit din nito na hindi siya naniniwala sa mga bintang ng kampo ni Deniece lalong lalo na ang panghahalay. Isa rin umano siya sa maaaring makakapagpatunay kung gaano kabuting tao si Vhong Navarro.

Matatandaang inamin ni Vhong Navarro na labis siyang nagulat matapos lumabas ang desisyon ng korte. Ayon kay Vhong, nadismaya sila sa muling pagkabuhay sa kasong matagal na umano nilang napanalo. Ang mas nakakalungkot pa'y tila nabaliktad ang sitwasyon at siya na ang itinuturong makasalanan gayung siya naman ang totoong biktima.

Kat Alano Umalma sa Pambabatikos ng mga Netizens!! Dahilan ng Pananahimik Isiniwalat!

Walang komento


Naging usap-usapan online ang isang cryptic tweet ng dating modelo at DJ na si Kat Alano. Sa nasabing tweet ibinulgar ni Kat ang kanyang pinagdaanan sa kamay ng isang lalaking tinawag niyang #rhymeswithwrong.

Ayon sa sunod-sunod na tweet ni Kat, tila nakamit na niya ang justice matapos ang 17 years. Ibinahagi din niya kung paano siya pinagsamantalahan ng lalaki. Bagama't hindi nito pinangalanan kung sino ang taong kanyang tinutukoy. Agad namang nakuha ng mga netizens kung sino ang tinutukoy niyang rhymeswithwrong na walang iba kundi si Vhong Navarro.

Nire-tweet pa ni Kat ang mga tweet ng ilang mga netizens na naniniwala sa kanya. Labis din umano siyang natuwa matapos malamang muling binuhay ang kaso laban kay Vhong Navarro.

Samantala, may mga netizens namang nagsasabi na hindi ito totoo at tila nakikisabay lamang si Kat Alano sa isyu ni Vhong. Ipinunto pa ng ilan na kung nagsasabi ito ng totoo at nangyari noon ang kanyang mga sinasabi bakit nanahimik lamang ito noon.

Tila hindi naman nakapagpigil si Kat at binuweltahan ang mga ito. Ayon kay Kat, "Wow, some of these people bashing me... Guys sobrang backwards pa rin ang mentality ng marami. But big thanks to those supporting and explaining r*pe culture to those who are still unaware. I see you, I know some if you are victims too. Thank you." 



Alessandra De Rossi Sinupla Sina Anne Curtis at Vice Ganda! Kumampi Kay Deniece at Kat Alano!

Walang komento


Marami ang nagbigay ng simpatya sa asawa ni Vhong Navarro matapos nitong magbigay ng statement sa pagkakakulong ngayon ng aktor.

Ayon kay Tanya, hindi na niya alam kung ano ang gagawin upang mapatunayang nasa tama sila at ang kabilang kampo ay siyang mali. Labis din umano siyang nasasaktan sa lahat ng mga nangyayari. Buong akala niya ay tapos na ang lahat ngunit muli na naman itong ibinalik. Hindi din umano niya alam kung paano niya ipapaliwanag sa mga anak nila ni Vhong ang sitwasyong kinakaharap.

Samantala, nagbigay ng suporta ang ilang mga celebrity kay Vhong Navarro lalong-lalo na ang mga kasamahan niya sa It's Showtime. Matatandaang nanawagan ng panalangin si Vice Ganda upang makalaya na si Vhong at buo umano ang kanilang paniniwalang inosente ito. Maging ang mag kasamahan ni Vhong Navarro sa Streetboys ay nakikisimpatya rin sa kanyang pinagdadaanan ngayon.

Ngunit, tila hindi lahat ng mga artista ay naniniwalang inosente si Vhong Navarro. May ilan ding nakikisimpatya sa mga nagpakilalang biktima nito na sina Deniece Cornejo at Kat Alano kabilang na rito si Alessandra De Rossi. Spotted ngayon ang reply ni Alessandra sa naging tweet ni Kat kahapon hinggil sa nararamdaman niyang saya sa pagkakakulong ni Vhong. Inilahad pa niya ang mga pinagdaanan umano niya sa kamay ng aktor.

Ibinahagi ni Alessandra ang isang verse mula sa bible bilang sagot sa tweet ni Kat Alano.

"EXODUS 14: 13-14

"The Lord will fight for you and you have only to be silent."

I love you."



Base sa naging sagot ni Alessandra sa tweet ni Kat Alano tila ipinapakita nito ang suporta para sa kanila ni Deniece na nagrereklamo kay Vhong Navarro.

Walang Ka-Arte Arte! Julia Barretto Sa Palengke Ng Dumaguete Kumain!

Walang komento

Miyerkules, Setyembre 21, 2022


Ginulat ng actress na si Julia Barretto ang ilang mga netizesns matapos  kumalat ang video kung saan makikitang kumakain sa isang carenderya sa Dumaguete. 

Samantala, makikita rin sa nasabing video ang mainit na suporta para sa aktres. Punom-puno ang isang kainan para lamang maselayan kahit saglit ang actress.



Asawa Ni Vhong Navarro Na Si Tanya Nagsalita Na Sa Pagkakakulong Ng Asawa!

Walang komento


 Asawa ng actor-host Vhong Navarro na si Tanya, emosyunal niton ibinahagi sa isang panayam ang kanyang nararamdaman hinggil sa pagkakakulong ng mister.

Una pa lamang umano tila ramdam na ni Tanya na may pasabog pa ang kalaban. Labis din umano nitong dinadamdam na hindi na pala makakauwi pa ng bahay nila si Vhong matapos sumuko nang araw na iyon. 

Ibinulgar din ni Tanya na hindi pa siya naging emosyunal sa harap ni Vhong ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na nakayanan pa ni Tanya. Bagama't nagagalit naman umano siya sa mga kamalian noon ni Vhong kagaya na lamang ng pambabae ay hindi pa rin umano deserve ng kanyang asawa ang makulong.

Labis din umanong nahihirapan at naapektuhan na ang kanilang mga anak sa nangyayaring ito sa kanilang pamilya. Hindi umano alam ni Tanya kung paano ipapaintindi sa kanilang mga anak ang nangyayaring ito sa kanilang ama.

Ayaw din sana umano ni Tanya na magbreakdown sa harapan ng kanilang mga anak ngunit hindi niya alam kung paano.



Dream House Nila Alex at Mikee Pinuntahan! Dream House Malapit Lapit Ng Matapos!

Walang komento


Muling ipinasilip ng mag-asawang Mikee Morada at Alex Gonzaga ang kanilang ipinapagawang dream house.

Sa videong ibinahagi, makikitang malapit ng matapos  ang ipinapatayong dream house ng dalawa. Matatandaang naibahagi noon nina Alex Gonzaga ang design na napili nila para sa kanilang tahanan. Mula sa noo'y design pa lamang, makikita ngayon ang napakalaking progress ng kanilang ipinapagawang tahanan.


Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo