Angelica Panganiban Nanganak Na, Gives Birth to Blue Eyes Baby Girl!

Biyernes, Setyembre 23, 2022

/ by Lovely


Nanganak na ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban.

Masayang ibinalita ni Angelica Panganiban ngayong araw ng Byernes, September 23, 2022 na siya ay nanganak na sa unang baby nila ni Gregg Homan. Sa Instagram ibinahagi ni Angelica ang larawan ng mga mata ng kanilang baby girl. Kapansin-pansin ang kulay ng mga mata nito. Ang kanilang baby ay may blue eyes.

"Been waiting for you all my life. Amila Sabine Homan 9/20/2022." caption ni Angelica sa kanyang Instagram post.

Base sa caption ni Angelica, noong Martes September 20, niya isinilang ang kanilang unang baby ni Gregg Homan na pinangalanan nilang Amila Sabine Homan. Bukod sa larawan na nagpapakita ng mata ni Baby Amila Sabine ay wala pang ibang larawan ipinalabas ang mag-asawa.

Agad namang nagkomento ang ilang mga kaibigang celebrity ni Angelica. Bumuhos ang mga congratulatory message para sa aktres at sa asawa nitong si Gregg Homan.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo