Sen. Bong Revilla Jr. Naglabas ng Reaction! Nakikita Ang Sarili kay Vhong Navarro!

Huwebes, Setyembre 22, 2022

/ by Lovely


Nagbigay ng opinyon si Sen. Bong Revilla hinggil sa kinahaharap ngayong kaso ni Vhong Navarro sa isang panayam sa kanya.

Ayon kay Senador Bong Revilla, nakakarelate siya sa pinagdadaanan ngayon ng aktor, ang makulong nang wala namang ginagawang masama. Kung totoo man umanong may kasalanan ang aktor ay nararapat lamang na pagbayaran nito ang kanyang kasalanan. Ngunit kung hindi naman ay iyon ang masakit dahil non-bailable ang kasong rape. Ibig sabihin nakakulong si Vhong habang nililitis ang kanyang kaso.



Nanawagan din ang senador na sana ay mapadali ang paglilitis at kaagad na mabigyan ng hatol ang actor upang agad na makalaya kung sakaling mapatunayang inosente ito.

Matatandaang hindi na nakauwi si Vhong matapos sumuko sa NBI nang malamang lumabas na ang warrant sa kasong Act of Lasciviousness na isinampa ni Dennis. Handang magpyansa  si Vhong 36,000 ngunit hindi pa rin nakauwi dahil lumabas ang isa pang warrant para sa ikalawang kaso nito na rape.

Samantala trending ngayon sa social media ang #westandforvhongnavarro.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo