Asawa Ni Vhong Ipapakulong Na Rin Ni Deniece Cornejo!

Biyernes, Setyembre 23, 2022

/ by Lovely


Dahil sa pagpapa-interview ni Tanya Bautista Navarro, misis ni Vhong Navarro, naghahanda na ng isasampang kaso ang kampo ng dating modelo na si Deniece Cornejo.

Naghahanda na ng isasampang kaso laban sa maybahay ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista si Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Deniece Cornejo.

Ayon sa Twitter account ni Atty. Topacio na YesYesYo, "Now preparing contempt charges against Atty. Alma Mallonga and Vhong Navarro's wife for making statements that are sub judice in nature. We will not sit idly by while some people again make a mockery of justice by having another trial by publicity. THEY WILL BE HELD LIABLE!"



Base sa naging pahayag ni Atty. Topacio, ang kasong isasampa nila sa asawa ni Vhong ay tungkol sa mga binitawan nitong pahayag sa media sa kanyang interview kamakailan. Tungkol sa pagpapalipat kay Vhong sa Taguig City Jail mula sa NBI Detention Center.

Nagpa-interview si Tanya sa media nitong mga nagdaang araw upang magbigay ng update hinggil sa kalagayan ng mister niya at sa kanilang pamilya. Ibinahagi rin niya ang ilang susunod n hakbang na tatahakin nila kaugnay sa kinakaharap na kaso ni Vhong.

Nabanggit din ni Tanya na natatakot siya sa kaligtasan ng kanyang asawa sa oras na maililipat ito sa Taguig City Jail dahil manganganib umano ang buhay nito roon.

Giit ni Atty. Topacio, walang basehan ang mga pinagsasabi ng asawa ni Vhong na may banta sa buhay ng aktor sa Taguig City Jail.

Agad namang sumang-ayon ang ilang mga followers ni Atty. Topacio. Ayon kay Tatang Onyok, dapat na umanong tigilan ang ganitong practice ng lawyers. Dagdag pa niya kailangan umanong ma disbarred si Atty. Alma upang maging leksyon sa iba pang mga abogado.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo