Kris Aquino Ubos Na Daw? Mayamang Actor Pinapatira Si Kris Sa Mamahaling Bahay!

Biyernes, Setyembre 23, 2022

/ by Lovely


Isang mayamang aktor nag-offer ng tulong kay Kris Aquino?

Matatandaang naiulat noon na may nakilala bagong kaibigan si Kris Aquino sa US. Tinutulungan umano nito ang Queen Of All Media sa kanyang pakikipaglaban sa kanyang mga sakit. Usap-usapan naman ngayon na may isang sikat at mayamang aktor ang nag-offer ng bahay para matirhan ni Kris habang nagpapagaling.

Welcome din umano sa nasabing bahay ang mga staff at mga anak ni Kris. Sa latest post naman ng writer-editor na kaibigan ni Kris ibinahagi niyang sa chat ni Kris sa kanya, inamin ni Kris na nahihirapan na siya sa kanyang pakikipaglaban sa kanyang auto-immune diseases.

"Inubos na ng Houston ang tapang ko," chat umano sa kanya ni Kris.

Ibinahagi rin ni Dindo ang sagot ni Kris sa kanyang pangungumusta. Bukod sa kanyang pangangamusta ipinaabot din umano niya kay Kris ang offer ng isang sikat at mayamang aktor. Hindi naman pinangalanan ni Dindo ang nasabing aktor for privacy purposes.

Dagdag pa ni Dindo na matagal nang gustong kuntakin ng nasabing aktor si Kris ngunit hindi nito alam kung papaano. Bagong bili pa lamang ng aktor at ng misis nito ang nasabing bahay sa Beverly Hills. Wala umanong naninirahan roon sa kasalukuyan.



Kilala ang Beverly Hills sa may mga magaganda at mamahaling bahay. Isa si Manny Pacquiao sa nakabili ng bahay roon sa halagang 12.5 million U.S dollar bilang regalo sa asawa nitong si Jinky.

Samantala, hindi pa umano alam ni Dindo kung tatanggapin ba ni Kris ang nasabing offer. Kinumpirma naman ni Dindo na tuloy parin ang treatments ni Kris.

( Hide )

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo