Bea Alonzo Mainit Na Sinalubong Ng Mga Fans Sa Amerika!

Biyernes, Setyembre 23, 2022

/ by Lovely


Mainit na sinalubong ang aktres na si Bea Alonzo ng kanyang mga fans sa California.

Makikita naman ang tuwa at saya sa mukha ni Bea sa ilang mga larawang ibinahagi sa social media.     Kasama ni Bea sa trip to California ang ilan pang Kapuso Star na sina, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz at Dingdong Dantes para sa Pinoy Concert.

Sa darating na September 24 - 25, 2022 gaganapin ang Together Again. Tampok sa dalawang concert ang Power House cast na pinangungunahan ni Bea Alonzo. Kasama niya rito sina Ai Ai Delas Alas, Lani Misalucha, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz at Dingdong Dantes.

Tiyak na mag-eenjoy ang ating mga kababayan sa Amerika sa kanilang musical performances ng mga nabanggit na artista.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo