Kat Alano Umalma sa Pambabatikos ng mga Netizens!! Dahilan ng Pananahimik Isiniwalat!

Huwebes, Setyembre 22, 2022

/ by Lovely


Naging usap-usapan online ang isang cryptic tweet ng dating modelo at DJ na si Kat Alano. Sa nasabing tweet ibinulgar ni Kat ang kanyang pinagdaanan sa kamay ng isang lalaking tinawag niyang #rhymeswithwrong.

Ayon sa sunod-sunod na tweet ni Kat, tila nakamit na niya ang justice matapos ang 17 years. Ibinahagi din niya kung paano siya pinagsamantalahan ng lalaki. Bagama't hindi nito pinangalanan kung sino ang taong kanyang tinutukoy. Agad namang nakuha ng mga netizens kung sino ang tinutukoy niyang rhymeswithwrong na walang iba kundi si Vhong Navarro.

Nire-tweet pa ni Kat ang mga tweet ng ilang mga netizens na naniniwala sa kanya. Labis din umano siyang natuwa matapos malamang muling binuhay ang kaso laban kay Vhong Navarro.

Samantala, may mga netizens namang nagsasabi na hindi ito totoo at tila nakikisabay lamang si Kat Alano sa isyu ni Vhong. Ipinunto pa ng ilan na kung nagsasabi ito ng totoo at nangyari noon ang kanyang mga sinasabi bakit nanahimik lamang ito noon.

Tila hindi naman nakapagpigil si Kat at binuweltahan ang mga ito. Ayon kay Kat, "Wow, some of these people bashing me... Guys sobrang backwards pa rin ang mentality ng marami. But big thanks to those supporting and explaining r*pe culture to those who are still unaware. I see you, I know some if you are victims too. Thank you." 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo