Asawa Ni Vhong Navarro Na Si Tanya Nagsalita Na Sa Pagkakakulong Ng Asawa!

Miyerkules, Setyembre 21, 2022

/ by Lovely


 Asawa ng actor-host Vhong Navarro na si Tanya, emosyunal niton ibinahagi sa isang panayam ang kanyang nararamdaman hinggil sa pagkakakulong ng mister.

Una pa lamang umano tila ramdam na ni Tanya na may pasabog pa ang kalaban. Labis din umano nitong dinadamdam na hindi na pala makakauwi pa ng bahay nila si Vhong matapos sumuko nang araw na iyon. 

Ibinulgar din ni Tanya na hindi pa siya naging emosyunal sa harap ni Vhong ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na nakayanan pa ni Tanya. Bagama't nagagalit naman umano siya sa mga kamalian noon ni Vhong kagaya na lamang ng pambabae ay hindi pa rin umano deserve ng kanyang asawa ang makulong.

Labis din umanong nahihirapan at naapektuhan na ang kanilang mga anak sa nangyayaring ito sa kanilang pamilya. Hindi umano alam ni Tanya kung paano ipapaintindi sa kanilang mga anak ang nangyayaring ito sa kanilang ama.

Ayaw din sana umano ni Tanya na magbreakdown sa harapan ng kanilang mga anak ngunit hindi niya alam kung paano.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo