Ex-Wife Na Si Bianca Lapus Ipinagtanggol Si Vhong Navarro Kay Deniece Cornejo!

Huwebes, Setyembre 22, 2022

/ by Lovely


Dating asawa ni Vhong Navarro na si Bianca Lapus nagbigay ng pahayag hinggil sa pagkakakulong ni Vhong.

Nagbigay ng reaksyon at nagsalita na umano ang dating asawa ni Vhong Navarro na si Bianca Lapus. Tila ipinagtanggol nito ang dating asawa sa mga bintang ni Deniece Cornejo. Matapos ang muling pagkakaungkat ng kasong isinampa noon ni Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro agad na nagbigay ng reaction ang dating asawa ng aktor.

Ayon kay Bianca Lapus hindi siya naniniwalang masamang tao si Vhong Navarro, dahil naging maayos naman ang kanilang set-up bilang co-parent sa kanilang anak. Iginiit din nito na hindi siya naniniwala sa mga bintang ng kampo ni Deniece lalong lalo na ang panghahalay. Isa rin umano siya sa maaaring makakapagpatunay kung gaano kabuting tao si Vhong Navarro.

Matatandaang inamin ni Vhong Navarro na labis siyang nagulat matapos lumabas ang desisyon ng korte. Ayon kay Vhong, nadismaya sila sa muling pagkabuhay sa kasong matagal na umano nilang napanalo. Ang mas nakakalungkot pa'y tila nabaliktad ang sitwasyon at siya na ang itinuturong makasalanan gayung siya naman ang totoong biktima.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo