Omg! Francine Diaz Umamin Na May Feelings Din Siya Kay Seth Fedelin!

Huwebes, Setyembre 22, 2022

/ by Lovely


Si Francine Diaz naman ang sumabak para sa lie detector test sa pagkakataong ito si Seth Fedelin mismo ang nagtatanong sa dalaga.

Matatandaang nauna nang sumalang sa lie detector test si Seth Fedelin ngunit sa pagkakataong iyon ay nasa audience lamang si Francine.

Sa ibinahaging video makikitang parehong kinakabahan ang dalawa.

"May chance ba na magkagusto ka sa akin?" tanong ni Seth.

"Nagtatanong lang diba," dagdag na pabulong ng binata.

Hindi naman agad nakasagot si Francine na lalong nagpakaba kay Seth Fedelin. Ayon pa sa binata, "Ang tagal sumagot, siguro nagdadalawang isip siya." Sa puntong iyon biglang sumagot si Francine ng isang yes na labis na ikinangiti ng aktor.

Agad namang nag-thumbs up ang techinician na nangangahulugang nagsasabi ng totoo ang dalaga.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo