Grabe! Willie Revillame Tutulungan Ulit Si Vhong Navarro Para Makalaya!

Biyernes, Setyembre 23, 2022

/ by Lovely


Labis na naaawa ang ilang mga netizens sa kalagayan ngayon ni Vhong Navarro. Kasalukuyang nakakulong ngayon ang aktor dahil sa muling pagbubukas ng mga kasong isinampa noon sa kanya ng modelong si Deniece Cornejo.

Matatandaang ibinasura na noon ng Department of Justice ang mga kasong ito na isinampa ni Deniece. Kaya naman marami ang nagulat sa muling pagkakabuhay nito matapos ang mahigit walong taon. Ang mas nakakagulat pa ay tila nabaliktad ang sitwasyon at tila si Vhong na ngayon na nadedehado.

Sa kabila ng mabigat na kasong kinakaharap ngayon ni Vhong, patuloy pa rin ang pagsusuporta ng kanyang pamilya, mga kaibagan at maging ng kanyang mga tagahanga. May mga haka-hakang kumakalat ngayon sa social media na handang tumulong kay Vhong Navarro ang Wowowin host na si Wilie Revillame.

Sa ipinalabas na pahayag ng showbiz columnist na si Cristy Fermin muli niyang binalikan ang pagtulong ni Willie Revillame kay Vhong Navarro nung maospital ito kasabay ng isyu nila Deniece. Ayon sa mga usap-usapan noon, nagbigay si Willie ng perang aabot sa isang milyon bilang tulong sa aktor.

Ngayon na muling nasa alanganing sitwasyon si Vhong Navarro naniniwala si Manay Cristy at ilang mga netizens na hindi pababayaan ni Willie si Vhong Navarro. Alam naman ng lahat na malapit sa isa't-isa sina Vhong Navarro at Willie Revillame. Bagama't hindi sila palaginng nagkaka-usap nanatili pa rin ang pagkakalapit nila sa isa't-isa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo