Robin Padilla Gumawa Ng Kasulatan Para Makalaya Si Vhong Navarro?

Biyernes, Setyembre 23, 2022

/ by Lovely


Labis na disappointment ang nadadarama ngayon ng act-TV host na si Vhong Navarro matapos makulong dahil sa kasong matagal na umano niyang napanalo.

Ayon kay Vhong, siya na nga ang naging biktima noon, siya pa ang nadedehado ngayon sa mga kasong hindi naman niya ginawa. Muling naging laman ng usap-usapan si Vhong Navarro matapos ipag-utos ng Court of Appeals na muling buksan ang kaso.

Matatandaang kusang sumuko si Vhong Navarro sa NBI matapos maissue ang arrest warrant laban sa kanya sa kasong Act of Lasciviousness. Nagpyansa ang aktor sa halagang 36,000 ngunit hindi pa rin ito nakauwi dahil muling lumabas ang warrant of arrest sa pangalawang kaso na rape na isinampa pa rin ni Deniece.

Samantala, nangangamba naman ang asawa ni Vhong Navarro na si Tanya sa kalagayan ng asawa matapos maissue ang ikalawang warrant kung saan hindi sila maaring makapagpyansa. Labis umano siyang nag-aalala sa kalagayan ni Vhong sa loob ng kulungan. 



Samantala, usap-usapang ngayon ang umano'y pagdalaw ni Sen. Robin Padilla kay Vhong Navarro sa kulungan upang kumustahin ito. Nais din umano itong tulungan ng Senador dahil naaawa siya rito at naniniwalang inosente ito. Naniniwala umano si Sen. Padilla na nagsasabi ito ng totoo dahil nakikita naman sa mga kuha sa CCTV na ito ang nabugbug ng grupo ni Deniece.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo