Heart Evangelista Ipinasilip Ang Loob ng Kanyang Primera Klasse X Mark Bumgarner Van!

Huwebes, Setyembre 22, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi ng Fashion icon na si Heart Evangelista ang kanyang bagong invest na van, ilang buwan pa lamang ang nakakalipas.

Sa Youtube vlog ng Kapuso actress at fashion icon, ipinakita niya sa publiko ang loob ng kanyang bonggang sasakyan na nakakaartista. 

"It is essential to what I do," ani Heart.

Lahat ng mga neccesities at needs ni Heart ay makikita sa loob ng kanyang van. May bonggang galaxy na nasa ceiling na maaring iba-ibahin ang kulay base sa anuman ang ninanais. Mayroon din itong cute na divider para maari siyang magkaroon ng privacy habang nagbabyahe. May bluetooth TV, DVD player. 

Mayroon din itong mini-drawer na maaring gawing table upang makakain. Sa likod naman ng van makikita ang isang mini sala, kung saan maaring matulog at magrelax. May maliit din itong vanity mirror kung saan nireretouch ng kanyang glam team ang aktres.

Mayroon din itong mini closet na nilalagyan ng aktres ng kanyang shoes at jacket. Ang pinakabonggan sa lahat ay ang chairs sa loob ng van ni Heart. May touch screen control ito para i-forward, set back. Mayroon din itong massage na maaring pagpiliian base sa kanyang ninanais.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo