Alessandra De Rossi Sinupla Sina Anne Curtis at Vice Ganda! Kumampi Kay Deniece at Kat Alano!

Huwebes, Setyembre 22, 2022

/ by Lovely


Marami ang nagbigay ng simpatya sa asawa ni Vhong Navarro matapos nitong magbigay ng statement sa pagkakakulong ngayon ng aktor.

Ayon kay Tanya, hindi na niya alam kung ano ang gagawin upang mapatunayang nasa tama sila at ang kabilang kampo ay siyang mali. Labis din umano siyang nasasaktan sa lahat ng mga nangyayari. Buong akala niya ay tapos na ang lahat ngunit muli na naman itong ibinalik. Hindi din umano niya alam kung paano niya ipapaliwanag sa mga anak nila ni Vhong ang sitwasyong kinakaharap.

Samantala, nagbigay ng suporta ang ilang mga celebrity kay Vhong Navarro lalong-lalo na ang mga kasamahan niya sa It's Showtime. Matatandaang nanawagan ng panalangin si Vice Ganda upang makalaya na si Vhong at buo umano ang kanilang paniniwalang inosente ito. Maging ang mag kasamahan ni Vhong Navarro sa Streetboys ay nakikisimpatya rin sa kanyang pinagdadaanan ngayon.

Ngunit, tila hindi lahat ng mga artista ay naniniwalang inosente si Vhong Navarro. May ilan ding nakikisimpatya sa mga nagpakilalang biktima nito na sina Deniece Cornejo at Kat Alano kabilang na rito si Alessandra De Rossi. Spotted ngayon ang reply ni Alessandra sa naging tweet ni Kat kahapon hinggil sa nararamdaman niyang saya sa pagkakakulong ni Vhong. Inilahad pa niya ang mga pinagdaanan umano niya sa kamay ng aktor.

Ibinahagi ni Alessandra ang isang verse mula sa bible bilang sagot sa tweet ni Kat Alano.

"EXODUS 14: 13-14

"The Lord will fight for you and you have only to be silent."

I love you."



Base sa naging sagot ni Alessandra sa tweet ni Kat Alano tila ipinapakita nito ang suporta para sa kanila ni Deniece na nagrereklamo kay Vhong Navarro.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo