Pangagaya Ni Alex Gonzaga Kay Julia Barretto Hindi Nagustuhan Ng Asawa Na Si Mikee Morada!

Walang komento

Biyernes, Setyembre 16, 2022


Nagviral ang video ni Alex Gonzaga kung saan ginagaya niya amg pose ni Julia Barretto sa poster ng kanilang pelikula ni Carlo Aquino na Expensive Candy.

Ang ikinatuwa kasi ng mga netizens ay ang pabirong paghampas ng asawa ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada sa hita ng asawa habang sinusubukang magpose. Ibinahagi ni Alex ang nasabing video sa social media kalakip ang caption.

"Expensive Cathy. “Spank me Mikee!”


Agad naman itong nagtrending at umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens. Natatawa ang mga fans ni Alex dahil sa kakulitan nito sa kanyang asawa.

Samantala, may ilang mga tagahanga ng comedian na naghihinalang nagbubuntis na ito. Ngunit, wala pang kumpirmasyon mula sa mag-asawa.

Ogie Diaz Nag Reak Sa Performance Ng Kumare Na Si Toni Gonzaga Sa All Tv!

Walang komento


Hindi napigilan ng talent manager at showbiz columnist na si Ogie Diaz na magbigay ng komento hinggil sa naging performance ng kumare niyang si Toni Gonzaga sa launching ng Channel 2 AMBS ALL TV.

Ayon kay Ogie, nabo-bother siya sa performance ni Toni G. sa launching.Sana umano ay nag-invest ang AMBS sa sound system upang hindi ganoon ang kinalabasan ng performance ng kanyang kumare.

Nireshare naman ni Ogie ang video ng performance ni Toni sa launching ng nasabing network noong September 13. Kalakip nito ay ang kanyang opinyon hinggil sa boses ni Toni na hindi nagblend sa sound system. 

Ayon kay Ogie Diaz, "Nangiti lang ako nu'ng una, eh. Hanggang sa mapabungisngis na ako kalaunan habang pinanonood ang prod ng aking kumareng Toni. Ganitong-ganito 'yung mga napapanood ko sa GMA Supershow ni Kuya Germs nu'ng araw.

Pero sana, mag-invest nang bongga sa sound system o sa recording. Baka kahit si Toni kung panonoorin uli ito, hindi niya ipagmamalaki yung performance niya, eh. Lalo na yung audio niya.
Di bale, nag-uumpisa pa lang naman. Pasasaan ba't maaayos din ito. Na-bother lang talaga ako nang slight. Kasi, sa mga singers, big deal talaga sa kanila ang audio at sound system, eh. Baka gusto lang talagang mag-perform ni Toni at magbigay-saya."


Sumang-ayon naman ang ilang mga netizens sa opinyon ni Ogie Diaz dahil napansin din umano nila na may mali talaga sa audio system habang nagpo-production si Toni. Tila wala umanong echo ang pagkanta ni Toni at hindi magandang pakinggan.

Komento pa ng ilang mga netizens na ang tunog ay tila bumalik sa 80's.

Vice Ganda at Ivana Alawi Umarangkada Na Sa Unang Araw Ng Shooting!

Walang komento


Hindi na talaga mapipigilan ang magiging tandem nina Vice Ganda at Ivana Alawi dahil sinimulan na ngayon araw ang kanilang shooting.

Marami naman sa kanilang mga tagahanga ang hindi na makakapaghintay na makita silang partners in crime.

Samantala, kasalukuyang kasama ng anak-anakan ni Vice Ganda na si Ryan Bang ang singer na si Ogie Alcasid. Masaya sila habang nasa isang golf field at naglalaro.



Jessy Mendiola at Luis Sobrang Nag Alala Kay Baby Peanut! Kasalukuyang May Pinagdadaanan!

Walang komento


Luis Manzano sa guest room pinatulog ni Jessy Mendiola!

Ibinahagi ni Jessy Mendiola sa kanyang Youtube channel at Instagram ang mga pinagdadaanan nilang mag-asawa nitong buwan. Kasalukuyang nasa limang buwan nang nagbubuntis si Jessy sa una nilang anak ng asawa na si Luis Manzano.

Pag-amin ni Jessy, sa loob ng tatlong taong pag-iingat ay ngayon pa siya tinamaan ng sikat na sakit na Cov!d-19. Labis naman ang pag-aalala ng mag-asawa sa kanilang unborn baby. Emotional at lumuluha pa si Jessy habang inaalala ang kanyang mga napagdaanan.

Labis ang pag-aalala ni Jessy na baka ay maapektuhan ang Baby Peanut nila ni Luis na nasa kanyang sinapupunan.

Pagsasalaysay ni Jessy, sa unang araw ng magpositibo siya ay hindi siya iniwan ni Luis at sinamahan siyang matulog sa kanilang kwarto. Wala ito pakialam kahit na eexpose na rin siya sa sakit. Ngunit sa sumunod na araw ay ipinagpilitan na ni Jessy na sa guest room na lamang matulog si Luis.

Labis naman ang pasasalamat ni Jessy sa kanyang doktor na nagmomonitor sa kanya at nabawasan umano kahit papano ang kanyang anxiety. Matapos ang ilang araw na nagpositive si Jessy, labis pa rin ang kanyang pasasalamat dahil hindi nahawaan ng sakit si Baby Peanut.



Ayon kay Jessy, kaya ibinahagi niya ang kanyang journey sa pagkakasakit at upang magbigay ng awareness sa lahat na nandito pa rin ang sikat na sakit na Cov!d-19 kaya dapat ay mag-ingat pa rin ang lahat.

Angeline Quinto Nakisali Sa Raffle Sa Chichago. Filipino Food Hinanap Sa Ibang Bansa!

Walang komento


Kasalukuyang nasa ibang bansa pa rin si Angeline Quinto para sa kanilang sunod-sunod na concert.

Habang nasa ibang bansa ang singer ay hindi nito naiwasang mamiss ang kanyang anak na si Baby Sylvio at partner na si Nonriv. Isa pa sa mga namimiss ni Angeline sa Pinas ay ang mga Pilipino food.

Kasama naman ni Angeline Quinto sa kanilang concert ay sina Michael Pangilinan, Bugoy Drilon at Daryl Ong. 



Naibahagi rin ni Angeline sa isang video na kasama sila sa raffle roon. Kung saan maraming magagandang pwedeng mapanalunan. Isa na roon ang 2 trip to Boracay.

Omg! Catriona Gray Dumaraan Sa Matinding Karamdaman Ngayon!

Walang komento

 

   

Ms. Universe 2018 Catriona Gray may iniindang karamdaman.

Nagbigay ng paliwanag  si Ms. Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang pagiging missing in action nitong mga nakaraang araw. Sa kanyang Instagram account, ipinaliwanag ni Catriona ang dahilan kung bakit MIA siya sa ilang mga pangyayari sa showbiz industry.

Ayon kay Catriona, tinamaan siya ng isang karamdaman kamakailan. Sa ngayon ay unti-unti na umanong bumubuti ang kanyang pakiramdam.

"Been MIA the last couple days cause I've been really ill 🤒 but am popping on the feed to say hi and also thank you to my @cornerstone family and @visionerickson for sending the biggest bouquet ever 🥺🌷🌷🌷🌷 I'll be back to usual programming soon," post ni Catriona sa kanyang Instagram account.



Sa nasabing post hindi nabanggit ni Catriona kung ano ang kanyang sakit. Hinuha naman ng ilang mga netizens na ang sikat na sakit ngayon ang tumama sa actress-beauty queen. Agad naman umani ng panalangin sa agarang paggaling ang update ng aktres mula sa kanyang mga tagahanga at ilang kasamahan sa showbiz.

Matatandaan na ang huling update ni Catriona bago ang kanyang pagpapaliwanag ay noong nakaraang linggo. Kaya hindi naiwasan ng kanyang mga tagahanga na mapatanong kung ano ang nangyari rito.

Bigating Reunion-Hindi Pala Bigating Artista!

Walang komento

Huwebes, Setyembre 15, 2022


Inaabangan ng maraming netizens ang opisyal na pagbubukas ng bagong tv network na ALLTV AMBS2. Ang AMBS ay nakakuha ng dating pagmamay-aring frequency ng ABS-CBN na channel 2. Marami ang nag-aabang sa pagbubukas nito dahil sa napapabalita noong mga bigating artista ang mga bumubuo sa nasabing network.

Subalit sa opisyal na pagbubukas nito ay tila na dismaya ang ilang mga netizens dahil hindi naman pala mga bigating artista ang bumubuo sa nasabing network.

Inakala kasi ng marami na mga bigating artista ang ipakilala nina Willie Revillame at Toni Gonzaga sa nasabing opening. Ayon sa ilang netizens, akala nila mga bigatin at sikat na artista e bakit papalaos na umano ang mga lumabas? Hindi na umano ito nakakagulat pa.

Komento pa ng ilang mga netizens, hindi naman pala ito reunion ng mga bigating artista kundi reunion lamang mga Pinoy Big Brother hosts na sina Mariel Rodriguez, Toni Gonzaga at Willie Revillame.



Abscbn Ball Hindi Na Matutuloy Ang Dahilan Dahil Daw Sa Walang Pondo?

Walang komento


Nagbigay na ng official statement ang ABS-CBN hinggil sa pagpopostpone ng kanilang ball na dapat sana ay gaganapin sa susunod na buwan.

Sa kanilang ibinahaging official statement noong September 14, 2022 inaddress nila ang pagpopostpone ng kanilang ABS-CBN Ball.

"Given the current circumtances, the ABS-CBN Ball scheduled on October 2 is posponed.

We remain grateful to out Kapamilya Stars, industry partners and friends for their unwavering support."

Wala namang binanggit na dahilan ang ABS-CBN kung bakit nila ipinospone ang nasabing event.

Samantala, hindi napigilan ng ilang mga netizens ang magbigay ng samu't-saring speculations kung bakit hindi natuloy ang ABS-CBN's Ball. May mga nakapansin kasi na hindi rin inilagay sa nasabing statement kung kailan na ito magaganap o kung matutuloy pa ba ito. 

Komento ng ilang mga netizens, baka wala na umanong pondo ang network para magsagawa ng ganitong event. Dagdag pa ng ilan, baka hindi na natuloy dahil lumipat na ang kanilang mga talents sa ALL TV ng AMBS.

Pagtatanggol naman ng ilang mga Kapamilya fans na hindi kakulangan sa pondo at sponsors ang dahilan ng pagpopospone ng nasabing event. Lalong-lalo na ang paglipat ng ibang talents sa AMBS. Ang dahilan umano ay ang hectic schedule ng mga Kapamilya artists dahil sa dami ng proyekto sa loob at sa labas ng bansa.



Kim Chiu Ibinunyag Ang Dahilan Kung Bakit Nananatiling Matibay Ang Relasyon Kay Xian!

Walang komento


Ibinunyag nina Kim Chiu at Xian Lim ang kanilang sekreto sa pagtatagal ng kanilang relasyon sa nakaraang presscon nila para sa kanilang comeback movie na pinamagatang Always.

Muling pinakilig ng real life couple na sina Kim Chiu at Xian Lim ang kanilang mga tagahanga sa nakaraang presscon nila. Game na sinagot ng dalawa ang ilang mga katanungan tungkol sa kanilang relasyon. Isiniwalat din ni Kim ang ilang mga bagay na nagustuhan niya sa aktor.

Mapapanood ang kanilang comeback movie sa darating na September 28 sa mga sinehan ng bansa. Ayon kay Kim ang nagustuhan niya kay Xian ay ang pagiging matino nito at pagiging loyal sa kanilang relasyon.

Ayon pa kay Kim, sa isang relasyon "Loyalty is the best policy."

Ang pagiging consistent din nila at open communication ay nakakatulong din sa kanilang matagal nang relasyon.



Kilalanin! Ito Pala Ang Hitsura Ng Anak Nila Ni Bossing Vic Sotto at Rosana Roces!

Walang komento


Usap-usapan ngayon ng mga netizens sa iba't-ibang social media platforms ang umano'y pagkakaroon ng anak nina Vic Sotto at Rosana Roces.

Matagal na umano itong inililihim ng dalawa ngunit, sadyang totoo ang kasabihang walang lihim na hindi nabubunyag.

Viral ngayon ang isang larawan kung saan hinala ng ilang mga netizens na ito ang itinatagong anak nina Vic Sotto at Rosana Roces. Matatandaang, panandaliang tumigil sa pagtatrabaho sa showbiz si Rosana Roces. Ayon naman sa ilang mga netizens, tumigil ang aktres upang manganak at maitago sa publiko ang kanyang pagbubuntis.



Samantala, inaabangan naman ngayon ang magiging reaksyon ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna hinggil sa isyung ito. Tiyak na magugulat si Pauleen sa mga isyung ibinabato sa kanila.

Ayon naman sa ilang mga netizens, may katotohanan man o wala ang isyung pagkakaroon ng anak ni Bossing Vic kay Rosana ay pabayaan na lamang iyon dahil matagal na naman na ito at parehong nananahimik na ang dalawa.

Kawawa! Agot Isidro Inulan Ng Batikos Dahil Sa Kaniyang Litrato Na Ipinakita!

Walang komento


Umani ng pambabash mula sa ilang mga netizens ang larawang ibinahagi ni Agot Isidro kamakailan sa social media. Kaya umano black 'n white para hindi halatang purenarya look.

Agad namang nakagalit ang veteran singer at aktres matapos mabasa ang komento ito ng isang netizen. Agad niya ring sinupalpal ang nasabing basher dahil sa nakaka-insultong komento ng basher sa litratong ibinahagi niya sa social media.

Noong sabado, ibinahagi ni Agot ang isang black 'n white selfie niya sa kanyang Twitter account. Nakataas ang isang kilay ng aktres habang nakasulat sa caption, "So sino ang tataasan natin ng kilay today?"

Agad namang may nagkomentong netizen at sinabing kaya black and white para hindi halatang purinarya look. Agad naman itong niretweet ng aktres kalakip ang original color ng kanyang selfie photo.



Hindi naman na sumagot ang basher sa pagpatol ni Agot rito. Samantala, kumampi naman kay Agot ang ilang mga netizens at sinabing tama lamang ang ginawa ng aktres para matigil ang pang-iinsulto ng basher.

Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na nabash si Agot dahil sa kanyang look.

Nakakagulat! John Lloyd Cruz May Isiniwalat Tungkol Kay Derek Ramsay!

Walang komento


Matatandaang nagtrending kamakailan ang pag-amin ni Ellen Adarna na nagbabalak na silang magkaroon ng anak ng kanyang asawang si Derek Ramsay.

Sa pagsisiwalat na ito ni Ellen, hindi naiwasan ng ilan ang mapag-usapan ang kanyang unang anak sa aktor na si John Lloyd. Makikita naman ang pagiging hands on ni Ellen sa kanilang anak.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na minsan lamang nakakasama ni John Lloyd ang kanyang anak na si Elias. Dahil mas nakakasama nito si Ellen at asawa nitong si Derek Ramsay na tumatayong pangalawang tatay ng bata.

Samantala, ginulat ni John Lloyd ang mga netizens sa isang panayam sa kanya. May isiniwalat kasi ito tungkol kay Derek at kung paano nito itrato ang kanyang anak na si Elias. Hindi kasi inakala ng lahat na magiging maayos ang set-up nila ni Derek bilang co-parent kay Elias.

Ayon kay John Lloyd, malaki ang pasasalamat niya kay Derek dahil napalaki nito ng may maayos na pag-uugali si Elias. Naiintindihan din umano siya Derek bilang ama ni Elias. Ang ganda umano ng pagpapalaki nito sa kanyang anak kaya labis ang kanyang pasasalamat rito.

Na-aapreciate din umano niya ang pagtanggap ni Derek sa kanyang anak at sa pagturing nito na parang totoong anak.

Mga Luxery Car Nila Heart Evangelista at Chiz Escudero Ipinagbili Na!

Walang komento


Hanggang ngayon ay inaabangan pa rin ng mga neltizens ang magiging pahayag ng mag-asawang Heart Evangelista at Chiz Escudero hinggil sa isyung hiwalayan nila.

Kung ano-ano na lamang ang mga naging speculations ng mga netizens sa naging dahilan ng kanilang break up. Ilan sa mga ito ay ang pagkakaroon umano ng third party at may nabuntis umano si Chiz. Samantala, ayon sa isang source totoo umanong naghiwalay na ang dalawa at naghihintay na lamang ng tamang pagkakataon para aminin sa publiko.

Usap-usapan din ngayon sa social media ang naging chikahan sa public service program ng AM station na DZRH tungkol kay Heart at isang Itallian. Ito umano ang dahilan ng pagkakalaboan ng dalawa. May mga kumakalat rin haka-haka ngayon na ibinibinta na ni Sen. Chiz ang kanilang bahay at lupa at maging ang ilang ari-arian nila bilang mag-asawa.



Marami naman ang hindi naniniwalang may bagong karelasyon si Heart na naging dahilan ng hiwalayan nila ni Chiz. Makikita kasi na tila mas apektado si Heart sa pinagdadaanan nila ngayon ng asawa. Matatandaang inamin din ni Heart noon na may pinagdadaanan siyang personal.

Beverly Salviejo Nag React Sa Post Ni Direk Daryl Dahil Sa Close Fight Daw Na Laban Ni Bbm at Leni!

Walang komento


Nagbigay ng reaksyon si Direk Darryl Yap hinggil sa napapabalitang may gagawing dokumentaryo hinggil sa naging close fight umano nina Leni Robredo at Bongbong Marcos sa nakaraang 2022 national elections.

Ayon kay Direk Darryl, bagama't pinipilit niya ang kanyang sarili na maging mabait ay tila sinusubukan talaga siya na maging harsh at hahabaan ang pasensya ay hindi tila sinusubok talaga siya ng pagkakataon dahil sa napapabalitang documentary na close fight umano ang laban sa pagitan ng mga naging presidential candidate nitong nakaraang elections na sina BBM at Leni.

Ayon pa kay Direk, may chance pang maging close sila ng mga madre kaysa sa pagiging close fight nina Bongbong Marcos at Leni Robredo.

"Nakakatawa yung Documentary kunô nitong mga magagaling; sabi doon— ISA RAW SA MGA PINAKACLOSE FIGHT ITONG PRESIDENTIAL ELECTION NGAYON 2022.
Araw-araw pinipilit ko na maging mabuting tao,
wag magmura at wag mastress sa mga bagay na gawa ng aking kapwa, inilalaban ko ang pangako sa aking sarili na dahil marami namang blessings,
hindi na ko magiging harsh sa mga tao.
inilalaban ko na maging mapagpasensya…
pero yung mga ganitong docu ang dahilan kung bakit di ako nagtatagumpay…
tanng innang yan. HAHAHAHA CLOSE FIGHT?
mas may chance pang maging close kami ng mga madre kesa maging close ang fight between BBM and LENI.
MAHABAGING LANGIT"


Agad namang umani ng samu't saring komento at reaction mula sa mga netizens ang nasabing post ng direktor. Maging ang isang gumanap na bida sa pelikulang Maid in Malacanang ay nagbigay ng komento hinggil sa gagawing documentary.

Ayon kay Beverly Salviejo, naghahalucinate lamang ang mga ito at napatanong pa kung ano ang mga tinitira ng mga ito para maisip ang nasabing documentary.

Samantala, ipinunto naman ng ilang mga netizens ang malaking agwat ng mga nakuha nilang boto. Ayon sa isang netizen, paano naging close fight gayung ang lamang ng boto na nakuha ni BBM ay mas malaki pa sa nakuhang boto ni Leni Robredo.

Gerald Anderson-Maghintay Ng 9 Months Kung Buntis Si Kylie Padilla!

Walang komento


Sa wakas nagbigay na ng pahayag si Gerald Anderson tungkol sa kumakalat na isyu na nabuntis umano niya si Kylie Padilla habang nagtataping sila sa kanilang pelikulang Unravel sa Switzerland.

Kamakailan sa isang naitanong sa kanya ang kumakalat na balitang nabuntis niya si Kylie. Ayon kay Gerald, "Sana nga ipinalabas na agad 'yung pelikula para sumabay doon eh, 'di ba? So hintayin natin nine months from now."

Sana umano'y pinalabas kaagad ang kanilang pelikula upang masabay sa pagtrending ng mga tsismis na iyon.



Kawawa Julia Barretto Hindi Pinapansin Ng Nanay Ni Gerald Anderson!

Walang komento

September 14, ng gabi ay ipinagdiwang ng ina ni Gerald Anderson na si Evangeline Opsima ang kanyang kaarawan.

Nagsalo ang pamilya ng isang intimate dinner bilang celebration ng nasabing okasyon. Isinama naman ni Gerald ang kanyang nobyang si Julia Barretto sa nasabing dinner. Kinagiliwan naman ng mga netizens ang ilang larawan at video na kuha sa kanilang dinner dahil makikitang magkatabing nakaupo ang ina ni Gerald at si Julia.

Sa isang video ay makikita pang hinahawi ni Julia ang buhok ng mama ni Gerald habang kinakantahan ito ng Birthday song, bilang paglalambing rito. Ngunit napansin ng ilang mga netizens na tila asiwa at pilit ang ngiting ibinigay ni Mommy Vangie kay Julia. Ni hindi nga umano nito tinitingnan ang aktres.

Matatandaang, napabalita noon na hindi gusto ng ina ni Gerald si Julia para sa anak dahil napakabata pa umano nito. May mga kumakalat ding video at mga larawan noon na nagpapakitang tila malayo talaga ang loob ni Mommy Vangie kay Julia.

Samantala, depensa ng kanilang mga fans na ganoon lamang talaga kung ngumiti si Mrs. Anderson.

 

Dumipensa Si Herlene Budol Tungkol Sa Issue Na Lumaki Na Umano Ang Kanyang Ulo!

Walang komento


Kasalukuyang ini-issue ang First Runner up ng Bb. Pilipinas 2022 na si Herlene Nicole Budol. Walang utang ng loob, lumalaki na ang ulo at nagpapataas na umano ito ng presyo.

Ilang beses na rin siyang laman ng mga pa-blind items dahil mahirap na umano siyang kunin bilang guest ng ilang mga shows.

Matatandaang nagbigay na noon ng pahayang ang manager nito na si Wilbert Tolentino at inadress ang isyung ito. Maging ang mga naging pahayag ng sikat na showbiz columnist na si Cristy Fermin sa kanyang show na nagpapataas na presyo si Herlene at walang utang ng loob kay Kuya Will ay mariing pinabulaanan ni Wilbert Tolentino.



Tila hindi na naman nakatiis ngayon si Herlene at nagbigay na ng pahayag hinggil sa mga isyung kanyang kinakasangkutan. May mga nagbigay kasi ng mga paratang na nagbago na umano ang kanyang ugali at lumaki na ang kanyang ulo dahil sa natamo niyang kasikatan matapos manalong First Runner up ng Bb. Pilipinas 2022.

Ayon kay Herlene, hindi na nanggagaling lamang sa kanya ang mga desisyon ngayon dahil may mga tao nang nag-aalaga sa kanya at dapat din niyang isaalang-alang ang mga sinasabi ng mga ito sa kanya. Mariin naman niyang itinanggi ang isyung namimili na umano siya ng trabaho.

Naiintindihan naman ito ng mga tagahanga ni Herlene Budol at dinipensahan siya laban sa mga isyung ito. Ayon sa komento ng ilan naiingit lamang ang ilang mga Marites sa tagumpay na tinatamasa ngayon ni Herlene.

Remember Former Child Star Tom Taus? Kumusta na siya?

Walang komento

Miyerkules, Setyembre 14, 2022


 Alamin ang naging buhay ng child star noong dekada 90 na si Tom Taus.

Si Tom Taus  ay ipinanganak noong April 28, 1986 sa Angeles, Philippines. Sumikat siya bilang child star, nagsimulang makilala nang mapasama siya sa isang gag show na Ang TV. Mula rito ay nakasama na siya sa mga proyekto sa pelikula. Ang mas tumatak sa isip ng mga manonood ay noong pagbidahan niya ang pelikulang Cedie noong 1996. 

Noong 13 years old si Tom ay napagpasyahan niyang lisanin ang Pilipinas at nanirahan sa United States. Doon nagsimula si Tom ng isang buhay na malayo sa pag-arte. Sa edad na 27, nag-umpisang makilala si Tom sa larangan ng musika. Kinilala siya bilang si DJ Tommy T. ng mga tagahanga niya sa Los Angeles.

Naging bihasa si Tom sa electric drums at dance music. Isa rin siya sa mga tinaguriang magagaling na DJ sa buong South East Asia. Nabigyan din siya ng pagkakataon makapagtanghal kasama sina Lady Gaga at Snap Dogg.

Ilang taon ang lumipas bumalik si Tom sa Pilipinas upang magbakasyon at bisitahin ang kanyang ama. Kasalukuyang nagmamay-ari si Tom ng isang entertainment company kasama ang kapatid na dating aktres na si Antonette Taus.

Panoorin Ang Sinapit Ng Aktor Na Si Carlos Agassi Matapos Maaksidente!

Walang komento


Noong September 6, nagbahagi ng update ang aktor na si Carlos Agassi hinggil sa tinamo niyang aksidente.

Sa kanyang update ibinahagi ng aktor na napasama ang kanyang pagbagsak habang naglalaro ng baskeball. Hinihiling niya sa kanyang mga tagahanga na ipagdasal ang kanyang paggaling nang hindi na mangangailangan pang mag-under go sa isang operasyon.


Ngunit ilang araw ang lumipas, patuloy pa rin ang pagkirot nito kaya pinili na ng aktor na magpa-opera upang tuluyang masolusyunan ang kanyang problema. Muli namang ibinahagi ng aktor na maayos ang naging resulta ng kanyang operasyon.


Labis naman siyang nagpapasalamat sa mga taong sumuporta sa kanya. Lalong-lalo na sa kanyang girlfriend na si Sarina Yamamoto na tinawag niyang Guardian Angel. Lagi kasi itong nasa tabi ng aktor upang sumuporta, alalayan at samahan siya habang nagpapagaling.



Julia Barretto Kasama Si Gerald Anderson Umattend Sa Birthday Ng Pamangkin Nito Na Si Millie!

Walang komento


Spotted na magkasama ang celebrity couple na sina Julia Barretto at Gerald Anderson na magkasama sa isang birthday party.

Dumalo ng magkasama sina Julia at Gerald sa 3rd birthday party ng pamangkin ng aktres na si Millie. Kuhang-kuha naman sa mga ibinahaging video ang sweetness ng mga ito sa isa't-isa. Labis naman natutuwa si Gerald sa mga batang nagkakasiyahan.



Lumipat Na! Heart Evangelista Tuluyan Ng Umalis Sa Bahay Nila Chiz Escudero!

Walang komento



Tila tuluyan nang nagwakas ang pagsasama ng mag-asawang Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita ang dalawa hinggil rito na nakapagbigay ng kaba sa kanilang mga tagahanga.

Samantala, sa isang short video, ipinasilip ng aktres ang kanyang bagong condo unit. Ayon naman sa isang source, tuluyan nang lumipat si Heart sa nasabing unit at umalis na sa bahay nila ni Sen. Chiz Escudero.



Sa ibinahaging maikling video, ipinakita ni Heart ang kabuuan ng kanyang unit. Makikita roon ang ilang mga space saver na kagamitan ni Heart. Kung pagbabasehan ang space ng nasabing unit ay mahihinuhang walang balak si Heart na manirahang may kasama rito.

Tila isa itong space na para lamang sa kanya. Kung saan maari siyang mag-isip at makapagpahinga ng mag-isa. Wala namang sinasabi si Heart kung doon na ba siya mananatili o gagawin niya lamang itong bahay pahingahan.

Direk Daryl Nag React Sa Tropang LOL Marites about Sa Issue Nila Regine, Gelli at Ariel Rivera!

Walang komento


Maging ang Director ng pelikulang Maid in Malacanang ay hindi napigilang mag-react sa isyung kinakaharap ngayon ng noontime show na Lunch Out Loud.

Matatandaang hindi nagustuhan ng maraming mga netizens ang pag-uungkat ng Marites Segment nila sa mga sensitibong nakaraan ng ilang mga artista. Kagaya na lamang ang isyu noon sa pagitan nina Regine Velasquez, Gelli De Belen at Ariel Rivera.

Sa isang episode ng nasabing segment isa sa ipinakita nilang tanong ay kung sino ang naging third party sa hiwalayan noon nina Ariel Rivera at Gelli De Belen. Hindi ito nagustuhan ng mga netizens dahil tila inuungkat pa ng Lunch Out Loud ang masalimoot na nangyari sa nakaraan.

Maging ang Director ng Maid in Malacanang na si Darryl Yap ay nakapagbigay ng komento ukol rito. Ni-repost niya ang article mula sa Fashion Pulis, kalakip ang caption na , "Hahahaha history o tsismis."



Samantala may nagkomento naman ang nasabing isyu ay isa lamang tsismis noon ngunit history na ngayon. Inamin naman umano ito ni Regine sa isang guesting noon.

Liza Soberano Masayang Nakikipag-Bonding Sa Kanyang Mga Co- Stars Na Sina Kathryn at Cole Sprouse!

Walang komento


Labis na natutuwa si Liza Soberano sa kanyang kauna-unahang Hollywood Film.

Sppotted ang aktres na masayang nakikipagbonding kasama ang mga co-stars ng pelikulang Lisa Frankenstien na sina Cole Sprouse at Kathryn Newton. Nakasama rin nila  ang film producer na si Mason at direktor na si Zelda Williams.

Ibinahagi ni Kathryn ang isang larawan sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.



Agad namang umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang nasabing larawan. Marami ang naexcite at nais nang makita ang nasabing film na siyang kauna-unahang Hollywood film ni Liza Soberano.

Kilalang Kapuso Aktres-Kasama Sa Pelikula Ng ABS-CBN?

Walang komento


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang isang kapuso aktres dahil sa kumakalat na isyu na mapapanood ito sa isang pelikula ng ABS-CBN.

Kumakalat kasi ngayon ang larawan ni Rochelle Pangilinan na ayon sa aming source mula sa lock-in taping ng Star Cinema. May ibinahagi ring post ang nasabing aktres sa kanyang Facebook account na may caption na,

"Ang probinsyana... tsar... soon..."



Si Rochelle ay napasama sa mga cash sa pelikulang Labyu with an Accent na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Coco Martin. Ang nasabing pelikula ay ipapalabas sa Metro Manila Film Festival 2022.

Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na nakasama ni Coco Martin si Rochelle Pangilinan. Nagkasama na sila noon sa teleserye ng GMA7 na Desi-siete.

Masisibak Na! Show Nina Alex Gonzaga Na Lunch Out Loud Dahil Sa Ginawa Ni Matteo!

Walang komento


Binabatikos ngayon ang isang programa ng TV5 na Lunch Out Loud dahil tila namimihasa na umano ito sa paggamit ng mga sensitibong nakaraan ng mga hosts at guests nito para lamang pag-usapan ang show nila.

Hindi nagustuhan ng ilang mga netizens ang Marites segment ng Lunch Out Loud dahil sa paggamit ng mga tanong na sensitibo para sa ilang mga artista at guest. Ginagamit kasi ng nasabing show ang ilang mga hindi magandang nakaraan ng ilang mga artista.

Narito ang isang tanong mula sa Marites segment ng Lunch Out Loud.

"Naging mag-jowa sina Ariel Rivera at Gelli De Belen nung 90's. Pero nag-break sila for a while dahil daw sa third party na.. Sino?"



Ang choices naman para sa sagot nito ay sina Agot Isidro, Regine Velasquez, Lea Salonga at Jean Garcia.

Hindi naman nasiyahan ang ilang mga netizens sa muling pag-uusap ng ganitong mga topic. Lalo pa't maayos na ang buhay ng mga artistang isinangkot sa tanong. Isa pa'y napaka insensitive nito para sa mga nasabing artista at sa pamilya nito. Hindi na umano ito dapat pang pag-usapan sa isang show na makikita ng karamihan.

Komento pa ng isang netizen na hindi na entertaining ang ginagawa ng show dahil nawalan na ito ng respeto para sa ibang tao. Samantala nagpost naman ang isang netizen at ginamit ang past ng isa nilang host na si Billy Crawford.

Matatandaang, matagal na nagkarelasyon noon sina Billy at Nicki Gil na umabot pa sa limang taon. Bigla na lamang silang naghiwalay dahil sa pagpasok ni Coleen Garcia. Binalik ng netizen sa Lunch Out Loud ang tanong at ginamit ang dating relasyon nina Billy, Nicki Gil at Coleen Garcia bilang third party.

May ilan pang nananawagan na kanselahin na lamang ang buong show dahil sa mga insensitive contents nito.

Malia O'Brian Nagpakitang Gilas Kay Pokwang!

Walang komento


Pinahanga ni Malia O'Brian ang kanyang inang si Pokwang dahil sa pagpapakitang gilas nito sa kaalaman tungkol sa iba't-ibang uri ng mga dinosaurs.

Proud na ibinahagi ni Pokwang sa kanyang Instagram account ang video ni Malia kalakip ang isang caption.

"Buti pa si @malia_obrian alam nya kung anong klaseng mga dinosaur itong mga ito hahahahhahaha ako wititit!!!"

Marami namang mga netizens ang napahanga kay Malia dahil sa pagiging smart nito.

Latest News!! Zanjoe Marudo at Ria Atayde Kasal Na??

Walang komento


Matapos kumalat ang balitang pagbubuntis ni Ria Atayde sa unang anak nila ni Zanjoe Marudo. Matatandaang naging laman ng blind items ang dalawa sa paglipad nila papuntang ibang bansa. Samantala, kinumpirma naman ng dalawa ang kanilang relasyon at inaming engaged na sila.

Usap-usapan naman ngayon sa social media ang balitang nakauwi na ang mga ito sa bansa. Ayon sa ilang mga netizens, may nakakita umanong sinundo ng mga magulang ni Ria ang dalawa sa airport. Masaya naman umano ang mga magulang ni Ria sa pagkikipagrelasyon nito kay Zanjoe.

Sa bahay umano ni Zanjoe sa Batangas dumiretso sina Zanjoe at Ria kasama ang mga magulang ng huli upang mapag-usapan ang plano nilang pagpapakasal.

Matatandaang naiulat na noon ang biglaang engagement ng dalawa na naganap sa New York na dinaluhan ng pamilya ng aktor. Ayon naman sa ilang mga bulong-bulongan na tila nagpakasal kaagad ang dalawa sa New York matapos ang engagement proposal.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo