Jessy Mendiola at Luis Sobrang Nag Alala Kay Baby Peanut! Kasalukuyang May Pinagdadaanan!

Biyernes, Setyembre 16, 2022

/ by Lovely


Luis Manzano sa guest room pinatulog ni Jessy Mendiola!

Ibinahagi ni Jessy Mendiola sa kanyang Youtube channel at Instagram ang mga pinagdadaanan nilang mag-asawa nitong buwan. Kasalukuyang nasa limang buwan nang nagbubuntis si Jessy sa una nilang anak ng asawa na si Luis Manzano.

Pag-amin ni Jessy, sa loob ng tatlong taong pag-iingat ay ngayon pa siya tinamaan ng sikat na sakit na Cov!d-19. Labis naman ang pag-aalala ng mag-asawa sa kanilang unborn baby. Emotional at lumuluha pa si Jessy habang inaalala ang kanyang mga napagdaanan.

Labis ang pag-aalala ni Jessy na baka ay maapektuhan ang Baby Peanut nila ni Luis na nasa kanyang sinapupunan.

Pagsasalaysay ni Jessy, sa unang araw ng magpositibo siya ay hindi siya iniwan ni Luis at sinamahan siyang matulog sa kanilang kwarto. Wala ito pakialam kahit na eexpose na rin siya sa sakit. Ngunit sa sumunod na araw ay ipinagpilitan na ni Jessy na sa guest room na lamang matulog si Luis.

Labis naman ang pasasalamat ni Jessy sa kanyang doktor na nagmomonitor sa kanya at nabawasan umano kahit papano ang kanyang anxiety. Matapos ang ilang araw na nagpositive si Jessy, labis pa rin ang kanyang pasasalamat dahil hindi nahawaan ng sakit si Baby Peanut.



Ayon kay Jessy, kaya ibinahagi niya ang kanyang journey sa pagkakasakit at upang magbigay ng awareness sa lahat na nandito pa rin ang sikat na sakit na Cov!d-19 kaya dapat ay mag-ingat pa rin ang lahat.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo