Pangagaya Ni Alex Gonzaga Kay Julia Barretto Hindi Nagustuhan Ng Asawa Na Si Mikee Morada!

Biyernes, Setyembre 16, 2022

/ by Lovely


Nagviral ang video ni Alex Gonzaga kung saan ginagaya niya amg pose ni Julia Barretto sa poster ng kanilang pelikula ni Carlo Aquino na Expensive Candy.

Ang ikinatuwa kasi ng mga netizens ay ang pabirong paghampas ng asawa ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada sa hita ng asawa habang sinusubukang magpose. Ibinahagi ni Alex ang nasabing video sa social media kalakip ang caption.

"Expensive Cathy. “Spank me Mikee!”


Agad naman itong nagtrending at umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens. Natatawa ang mga fans ni Alex dahil sa kakulitan nito sa kanyang asawa.

Samantala, may ilang mga tagahanga ng comedian na naghihinalang nagbubuntis na ito. Ngunit, wala pang kumpirmasyon mula sa mag-asawa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo