Omg! Catriona Gray Dumaraan Sa Matinding Karamdaman Ngayon!

Biyernes, Setyembre 16, 2022

/ by Lovely

 

   

Ms. Universe 2018 Catriona Gray may iniindang karamdaman.

Nagbigay ng paliwanag  si Ms. Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang pagiging missing in action nitong mga nakaraang araw. Sa kanyang Instagram account, ipinaliwanag ni Catriona ang dahilan kung bakit MIA siya sa ilang mga pangyayari sa showbiz industry.

Ayon kay Catriona, tinamaan siya ng isang karamdaman kamakailan. Sa ngayon ay unti-unti na umanong bumubuti ang kanyang pakiramdam.

"Been MIA the last couple days cause I've been really ill 🤒 but am popping on the feed to say hi and also thank you to my @cornerstone family and @visionerickson for sending the biggest bouquet ever 🥺🌷🌷🌷🌷 I'll be back to usual programming soon," post ni Catriona sa kanyang Instagram account.



Sa nasabing post hindi nabanggit ni Catriona kung ano ang kanyang sakit. Hinuha naman ng ilang mga netizens na ang sikat na sakit ngayon ang tumama sa actress-beauty queen. Agad naman umani ng panalangin sa agarang paggaling ang update ng aktres mula sa kanyang mga tagahanga at ilang kasamahan sa showbiz.

Matatandaan na ang huling update ni Catriona bago ang kanyang pagpapaliwanag ay noong nakaraang linggo. Kaya hindi naiwasan ng kanyang mga tagahanga na mapatanong kung ano ang nangyari rito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo