Panoorin Ang Sinapit Ng Aktor Na Si Carlos Agassi Matapos Maaksidente!

Miyerkules, Setyembre 14, 2022

/ by Lovely


Noong September 6, nagbahagi ng update ang aktor na si Carlos Agassi hinggil sa tinamo niyang aksidente.

Sa kanyang update ibinahagi ng aktor na napasama ang kanyang pagbagsak habang naglalaro ng baskeball. Hinihiling niya sa kanyang mga tagahanga na ipagdasal ang kanyang paggaling nang hindi na mangangailangan pang mag-under go sa isang operasyon.

Ngunit ilang araw ang lumipas, patuloy pa rin ang pagkirot nito kaya pinili na ng aktor na magpa-opera upang tuluyang masolusyunan ang kanyang problema. Muli namang ibinahagi ng aktor na maayos ang naging resulta ng kanyang operasyon.

Labis naman siyang nagpapasalamat sa mga taong sumuporta sa kanya. Lalong-lalo na sa kanyang girlfriend na si Sarina Yamamoto na tinawag niyang Guardian Angel. Lagi kasi itong nasa tabi ng aktor upang sumuporta, alalayan at samahan siya habang nagpapagaling.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo