Beverly Salviejo Nag React Sa Post Ni Direk Daryl Dahil Sa Close Fight Daw Na Laban Ni Bbm at Leni!

Huwebes, Setyembre 15, 2022

/ by Lovely


Nagbigay ng reaksyon si Direk Darryl Yap hinggil sa napapabalitang may gagawing dokumentaryo hinggil sa naging close fight umano nina Leni Robredo at Bongbong Marcos sa nakaraang 2022 national elections.

Ayon kay Direk Darryl, bagama't pinipilit niya ang kanyang sarili na maging mabait ay tila sinusubukan talaga siya na maging harsh at hahabaan ang pasensya ay hindi tila sinusubok talaga siya ng pagkakataon dahil sa napapabalitang documentary na close fight umano ang laban sa pagitan ng mga naging presidential candidate nitong nakaraang elections na sina BBM at Leni.

Ayon pa kay Direk, may chance pang maging close sila ng mga madre kaysa sa pagiging close fight nina Bongbong Marcos at Leni Robredo.

"Nakakatawa yung Documentary kunô nitong mga magagaling; sabi doon— ISA RAW SA MGA PINAKACLOSE FIGHT ITONG PRESIDENTIAL ELECTION NGAYON 2022.
Araw-araw pinipilit ko na maging mabuting tao,
wag magmura at wag mastress sa mga bagay na gawa ng aking kapwa, inilalaban ko ang pangako sa aking sarili na dahil marami namang blessings,
hindi na ko magiging harsh sa mga tao.
inilalaban ko na maging mapagpasensya…
pero yung mga ganitong docu ang dahilan kung bakit di ako nagtatagumpay…
tanng innang yan. HAHAHAHA CLOSE FIGHT?
mas may chance pang maging close kami ng mga madre kesa maging close ang fight between BBM and LENI.
MAHABAGING LANGIT"


Agad namang umani ng samu't saring komento at reaction mula sa mga netizens ang nasabing post ng direktor. Maging ang isang gumanap na bida sa pelikulang Maid in Malacanang ay nagbigay ng komento hinggil sa gagawing documentary.

Ayon kay Beverly Salviejo, naghahalucinate lamang ang mga ito at napatanong pa kung ano ang mga tinitira ng mga ito para maisip ang nasabing documentary.

Samantala, ipinunto naman ng ilang mga netizens ang malaking agwat ng mga nakuha nilang boto. Ayon sa isang netizen, paano naging close fight gayung ang lamang ng boto na nakuha ni BBM ay mas malaki pa sa nakuhang boto ni Leni Robredo.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo